CHAPTER 4

15 0 0
                                    


"Ay!" Nagulat ako nang nahulog ang libro na kinukuha ko sa pinaka itaas, "Jusko." Napaluhod ako upang kuhain iyon para ibalik sa book shelf.



"Miss, tulungan na kita." Lumuhod din ang lalaki at tinulungan ako na ligpitin iyon at ilagay sa bookshelf nila. Nang magkatitigan kami, "Familiar ka miss."



Mapungay ang kaniyang mga mata ngunit parang nakita ko na siya. He's wearing white plain shirt, pants and flannel. "Ikaw rin." Ikling sabi ko. "Nagkita na ba tayo before?"




"Maybe." Biglang dumating ang ate ko para ipakita sa'kin ang pinapakita niyang libro sa'kin.




Napalingon ako sa ate ko, "Uh... ito ba 'yon? Diba maganda plot twist nito? Dito nga namatay 'yung bida e." I chuckled, pero nang napatingin ako... Nagkakatitigan din sila ng lalaki na tumulong sa'kin.




"Hi." Huminga ng malalim ang lalaki. "Nice meeting you again."




Napalunok naman 'tong kapatid ko para siyang nakakita ng multo. "Ate... Ate... Kilala mo ba siya? Ate... 'wag ka na makipag staring contest diyan. Halika na."




"Saglit." Binitawan niya ako't pinahawak niya ang libro.




I got so confused, "Ate Xiarra, diba ikaw muna mag babasa nito? Ate?" Unti-unti siyang lumalapit sa lalaking iyon. "Para kang tanga wala tayo sa teleserye..." Bulong ko sa kapatid ko.




"Kuya, look is this okay?" Nagulat din ako't nagkatitigan din kami ng makita ko si Shantal.




Amputa... Ang awkward.



Tila napatingin din siya sa kuya niya... ata? Ewan. Basta! Ang mahalaga makaalis ako rito. Kumunot ang noo ni Shantal nang titigan ako't sinesenyasan niya ako gamit ang kaniyang mga mata.




Sinenyasan ko rin siya pabalik. Lumapit siya sa'kin, "Magkakilala ba sila?" Tanong niya sa'kin, and of course... Hindi ko naman alam. I shrugged.




"Mukha silang tanga." Bulong ko.

Purple and Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon