CHAPTER 14

4 0 0
                                    




Tahimik akong nag punta sa library mabuti na lang at walang tao maliban sa librarian at mga assistants nito.





Naka upo lang ako sa dulo at iniisip ko paano kung mangyari rin sa'kin 'yon? Paano kami ni Shantal? Paano siya? Paano rin ako?








Alam ko naman na rin na ayaw ni Dad na magkaroon ang ako ng girlfriend dahil babae ako at masama pumatol sa kapwa ring babae.








Pag labas ko ng library ay may oras pa para kumain ako. Bumili lang ako ng bread at juice sa canteen. I searched some articles and blogs about other people's sexuality stories.








I know my friends understand me. Ako lang ang makakasagot sa tanong na sa utak kong ito.








"My gosh, trending ngayon sila group chats sobrang nakakaawa sila." I heard when other student talks about the issue of grade 12 love birds.








"Masyado kasing PDA ginawa nila. Saka na sa rule naman na 'yon, wala e ayan tuloy napala." Sagot naman ng isa, "Kadiri kaya makakita ng mag jowa tapos same sex. Paano kaya sila nag-"








"Paano kaya kung mawalan ka ng mata? Kasi sabi mo kadiri 'diba?" Other student backfire of it. "Saka hindi lang naman sex ang habol sa isa't - isa no."












I stood up nag tungo na lang ako sa banyo mabuti na lang at walang mga babae roon sa cr kaya nag tago ako sa isang cubicle.








I started to cry dahil baka mag bago ang tingin ng iba sa akin. Pabigat nang pabigat ang mga nilalabas kong luha, tila gusto kong sumigaw at tinatakpan ko ito ng kamay ko para walang makarinig.








Hindi ko mapigilan, sabog na sabog ang loob ko sa mga bawat dikta nila sa mga ganoong tao. Pakiramdam ko ay sobrang baba ng tingin nila sa mga ganoon.








"May umiiyak?" Pamilyar ang boses ang aking narinig kaya tinigil ko ang pag-iyak ko. "Huwag ka naman manakot oh, ihing-ihi na talaga ako."








Naisipan ko na lumabas ng cr para malaman na hindi ako multo, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ven na nakahawak sa puson niya, "Sorry nandito ka pala."








"Teka, hintayin mo ako na wiwi ako." I just nodded at tinignan siyang pumasok sa loob ng cubicle.








Hinintay ko siya sa may mirror at nag - ayos ako 'di naman ganon kahalata na umiyak ako. Nang makalabas siya sa cubicle, "Hmm? Tapos ka na, Ven?" I asked.








Huminga siya ng malalim, "Woo.. success 'yung pag-ihi ko." She laughed at her own at nag hugas ng kamay. Tinignan ko lang ang mga ginagawa niya at napatingin sa'kin, "Okay ka lang ba?"








Umiling ako, "Usap tayo?"








Inaya ko siyang lumabas sa may garden at nag lakad-lakad, "Bakit ka umiiyak?"








Napaupo kaming dalawa sa may bench, "Ano magiging tingin mo sa'kin kung nalaman ko na.."








"Na?"








"Bisexual ako." Sagot ko sakaniya.








Nagulat siya sa akin at hinawakan ang dalawang palapulsuhan ko, unti-unti siyang ngumingiti sa akin, "Proud of you!" Agad niya akong niyakap.








Purple and Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon