Chapter 1: First MEET

30 0 0
                                    

“Anak handa ka na ba sa lilipatan mong school?”, tila walang naririnig si Samantha habang kinakausap siya ng kanyang mama

“Honey hayaan mo  na lang muna ang anak natin, maaring pagod lang siya”, sagot ng papa niya habang abala ito sa pagmamaneho at sabay tiningnan ang kanyang anak sa salamin sa itaas ng sasakyan

Hindi pa din alam ni Samantha kung ano nga ba talga ang kasalukuyan niyang nararamdaman dahil hangang ngayon hindi pa din niya makalimutan ang sakit na dala ng nakaraan. Ang sakit ng mga alaala na dala ng dating paaralan niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya sa kanyang bagong papasukan. Natatakot siya sa mga mangyayari kung mauulit ba ang mga nangyari sa kanya dati.

“Anak gising na, nakatulog ka na, siguro sobrang napagod ka sa byahe,alam kong kalilipat lang natin ngayon pero kelangan mo ng mag-enroll dahil ito na ang last day ng enrollment nila dito baka kasi hindi ka makapasok kapag hindi tayo ngayon nag-enroll”, habang sinasabi ito sa kanya ng kanyang ina ay tumango na lang ito bilang pagtugon sa sinabi sa kanya ng kanyang mama.

Pumasok na sila sa school upang mag-enroll at ang kanyang mama ang nag asikaso nito habang ang kanyang papa ay nasa may sasakyan at iniitay silang matapos.

“Ma, punta lang po akong CR!”

“Ahh sige anak dito lang ako, hah”

Hinanap ni Samantha ang CR at dahil sa mga kwarto ito nakatingin upang mahanap niya ang CR ay hindi niya namamalayan na may isang lalake pa la siya makakasalubong na may dalang madaming libro kaya hindi rin nito kita na may tao sa harapan niya.

“boogss.., naku miss pasensya ka na hindi kita napansin”, sinasabi ng lalake habang pinupulot niya ang mga librong nalaglag

“Sorry din po, hindi po kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko, hinahanap ko po ang CR dito, bago lang po kasi ako kaya hindi ko alam”, nagsasalita si Samantha habang tinutulungan niya ang lalaking limutin ang mga librong nalaglag. At  pagkatapos inabot niya ito sa lalake  kaya napatingin ito ngunit saglit lang din at tumayo na siya.

“Ahh ganun ba diresto ka lang tapos kumanan ko andun ang CR ng girls. Salamat nga pala sa pagtulong sa akin sa paglilimot ng mga libro, Ahmm ano nga pala ang pangalan mo?”, ngunit bago pa masagot ang tanong ng lalake ay nakaalis na si Samantha at nagtungo na sa direksyon na sinabi ng lalake

“Wala na pala akong kausap..sino kaya yun, siguro transferee”

“Andrew, ang tagal mo naman dyan, ang laki mong lampa hah nalaglag mo pa ang mga libro hahaha”

“Yabang nito may nakabangga sa akin kaya nalaglag ang mga librong hawak ko, tulungan mo na lang ako ng madala na natin ito sa may library”, at tinulungan na ni Sam si Andrew sa pagbubuhat ng libro.

Nang makabalik si Samantha sa kanyang mama ay dumiretso na din silang umuwi para makapag ayos at dahil bagong lipat lang sila sa lugar ay nang makapagpahinga na din sila.

Habang kumakain sila sa hapag kainan biglang may tumawag sa cellphone ng kanyang ina

“Hello”

“Ohh ikaw pala yan Zander, kamusta ka na jan?”, tuwang tuwa ang ina ni Samantha habang kausap sa kabilang linya ang panganay niyang anak

“Ma, si kuya Zander ba yan, pakausap naman po please!!”, parang nabuhayan ng dugo si Samantha ng marinig niya na ang kanyang kuya pala ang tumawag

“Oh Zander si Samantha daw gusto kang makausap!”, nakangiting binigay ng kanyang mama ang  cellphone sa kanya

Habang palabas si Samantha ay napansin ng kanyang papa ang pagiging masaya nito

“Honey did you see it, iba talaga ang bonding ng dalawa ano. At ngayon ko lang ulit nakitang naging masaya kahit sandali si Samantha simula nung mga masamang nangyari sa kanya

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon