Eli's POV"Love is merely a madness."
Tama yan, pareng Shakespeare. Siyempre, nakuha ko yan habang nags-search ako nang magandang quotes sa Google.
Hello! I'm Eli, 20. I'm currently studying in ISCP (Intl. State College of the Philippines) as first year college. Nagtataka ka siguro kung bakit ganyan, tumigil kasi ako ng dalawang taon dahil sa pandemya.
Why I stopped? Financial problem. Why I decided to stop, is due to my katamaran.
But this story of mine happened during the pandemic.
Bago kasi mag pandemya, trip ko talaga pumunta sa bahay nang pinsan kong si Lyla. Outgoing, chill, happy-go-lucky type of person. She's like my alternate ego. May anak siyang babae na si Kylie Faye. February yun, that month when I met this guy named Raven and his friends.
Raven was quiet, composed, and mysterious. Everytime na makakasalubong ko siya, he would just bow his head at tsaka nalang titingala sa daan pag lumampas na ako. One time, pauwi na ako sa bahay nina Lyla galing sa tindahan nang makasalubong ko siya ulit.
Bago siya lumampas, nahuli ko siyang tumawa. Oo, tumawa talaga. Hindi ko alam kung bakit, kasi nung oras na iyon kaming dalawa lang naman yung dumadaan sa kalye. At ako etong curious na gaga, nilingon ko siya at tinawag.
“Hoy!” saad kong nagpatigil sa paglalakad niya. Lumingon agad siya saken.
Hindi siya nagsalita kaya inunahan ko na.
“Anong nakakatawa?” sabay cross-arms ako kasi kunyari galit.
Nakita ko naman ang worried look niya bago magsalita.
“Wala naman. Nagtataka lang ako kung bakit tuwing dadaan ako eh, padaan ka rin.”
Anong ibig niyang sabihin? Stalker ako? Duh! Managinip kana lang, nu. Average lang kagandahan ko pero madaming nababaliw dito.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.
As I said, curious na gaga ako. Natural lang yun sa mga lutang.
He let out a smile before saying, “Ibig kong sabihin, crush mo ba ako?”
Diba? Like super hangin niya nu? That is where we started. Ever since then, I hated his presence. Tuwing dadaan siya, deadma nalang yung ngisi niya kasi nagtitimpi lang ako. Hindi po ako santa, kaya maliit lang pasensya ko.
Pero hindi ko alam kung bakit, eh. Bakit nga ba? Si Lyla talaga may pasimuno nito eh.
“Parang ang sarap uminom, nu? Inom tayo, ayain natin sila Raven.” saad ni Lyla.
Pwede naman na akong uminom since legal age na ako, and I drink responsibly. Pero bakit, aayain pa sina Raven? Pero I set aside those thoughts. Close kasi sila ni Lyla at Ishmael, which is barkada ni Raven. Si Ishmael ay pinsan nang boyfriend ni Lyla na si Kuya Travis.
2am, we were so drunk. Tawanan, biruan, at kung ano-ano pang storyang hindi naman kapani-paniwala. May tama na talaga ako nun, but I still chose to listen to Raven na dinare ni Lyla na umamin. Drink or dare ang game na napagisipan namin.
BINABASA MO ANG
Love is Madness [ONE-SHOT] COMPLETED
TienerfictieWhat if I told you that I had the love of my life because I took the risk to admit what I feel?