Cold Case Chapter 3

22 2 0
                                    


Warning: (This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this
story to an actual living or non-living is definitely coincidental.
Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do
not continue reading if you are below 18 years of age.)

Di ako makagalaw, ni di rin ako makapagsalita nung makita kong nakatingin sa akin ang babaeng nakalutang sa ibabaw ni Jessica "hoy! layuan mo siya!" sigaw ni Igme sa kanya na di siya nito pinapansin. Tinaas nung babaeng ang kamay niya at tinuro ako "Anton!" sigaw ni Igme sa akin na nanginginig na ako sa takot "ikaaaawwwww ..." sabi nung babaeng na ang lamig ng boses niya "tulungan.... mo.... kami...." dugtong nito na nararamdaman ko na ang lamig ng paligid at kita kong nanginginig narin sa lamig si Jessica. "Anton.." me narinig akong tumawag sa akin "Anton..." narinig ko uli ito habang nakatutok ang attention ko sa kaluluwang nakalutang lang. "wa..... wag... po..." nauutal kong sabi doon sa multo ng biglang me kamay na sumulpot sa harapan ng mukha ko at tinulak ang mukha ko.

Napahiga ako sa sahig at napatingin sa ibabaw ng kama na kita kong nawala na yung kaluluwang nakalutang kanina "hay salamat" mahinang sabi ko ng biglang naalala ko yung kamay na tumulak sa mukha ko kanina. "ha!" nasabi ko nalang nung makita ko ang kamao ni Jessica malapit sa mukha ko "ah.. ano ito?" biglang tanong ko sa kanya "para ka kasing tangang nakatulala dyan" sabi nito sa akin. "so..sorry" sabi ko sa kanya "gago ka, susuntokin na sana kita kung di kapa nagsalita" sabi nito sa akin na tiningnan ako nito ng masama kaya nahiga uli ako sa higaan ko at tumalikod ako. "ano ba kasi ang nangyari sayo?" tanong nito sa akin "wala, matulog kana" sabi ko sa kanya "alam mong therapist ako di ba?" sabi nito na kinawayan ko lang siya at nagpapanggap akong natulog "fine! kung willing ka ng magsalita sabihin mo lang sa akin" sabi niya sa akin na di na ako sumagot.

Ginising ako ni Igme kinabukasan at pinaalam sa akin na nauna ng bumaba si Jessica "sorry kagabi ha" sabi ni Igme sa akin "ok lang yun" sagot ko na nagkakamot ako ng ulo "maligo kana, nangangamoy kana" natatawa ito "wala bang gumagamit sa banyo?" tanong ko "meron sa baba pero dito sa taas wala" sabi niya sa akin kaya bumangon na ako at inunat ko ang katawan ko at humikab. "Bilis na, naghahanda na ng agahan sa baba" sabi ni Igme na lumutang itong palabas ng kwarto kaya kinuha ko yung tuwalya ko sa bag at pumunta ako sa banyo sa dulo ng hallway at naligo. Pagkatapos maligo at magbihis bumaba na ako na fresh-na-fresh ang pakiramdam ko. "good morning honey" bati sa akin ni Jessica na umiinom ng kape "good morning" bati ko din sa kanya na hinalikan ko ito sa pisngi na kinurot naman ako sa hita nung naupo na ako. "Good morning sa inyo" bati ko sa kanila na napatingin ako kay Leslie na nginitian ako nito kaya nginitian ko din siya.

"So ano ang plano niyo ngayong araw na ito?" tanong ni Leslie sa amin na nagkatinginan kami ni Jessica "balak sana naming pumasyal sa buong lugar para naman maging pamilyar kami dito" sabi ko "gusto niyo samahan namin kayo ni Alan?" alok niya sa amin na natuwa kami ni Jessica "sige ba, basta lang di kami nakaabala sa inyo" sabi ni Jessica sa kanila "wala yun, off naman ako ngayon sa trabaho" sabi ni Alan sa amin "that's good!" sabi ko na kinalabit ko si Jessica at tumingin ako sa bagong mag-asawa. "Bakit parang tahimik kayong dalawa?" tanong ni Jessica sa dalawa na nahihiya pa silang magsalita. "ano kasi.. " "wala yun no!" sabi ko sa kanila na napatingin sina Ruben at Helen sa akin "natural sa mag-asawa lalo na't bagong kasal kayo na mag siping" sabi ko sa kanila na namula si Helen at parang di makatingin sa amin si Ruben. "That's a natural thing, kami nga ni Edwin halos gabi-gabi kaming nagtatalik nung bago kaming kasal" kwento ni Jessica "well, hanggang ngayon din naman, di ba honey?" nakangiti kong sabi sa kanya na umiling lang ito.

"so, Lara gabi-gabi talaga kayong nagsisiping ni Edwin?" tanong niya kay Jessica na napangiti ito at sabing "yeah, pwera lang kagabi kasi pagod kami sa byahe" sagot niya "talaga? pagod ka Edwin?" tanong ni Leslie sa akin na kinurot ako sa hita ni Jessica. "Aa.. yeah pagod ako kaya yakap-yakap ko si Lara kagabi para makabawi, mamayang gabi honey, bawi ako sayo" nakangiti kong sabi sa kanya na kinurot uli ako nito sa hita. Nag-agahan na kami habang panay tingin parin sa akin si Leslie na sinasadya talaga nitong didilaan ang pandesal niya na alam kong napapansin ito ni Jessica kaya nag "ehem.." nalang ito at sabing "so, malapit na pala ang pyesta dito?" tanong niya "oo, sa susunod na linggo na" sagot ni Jake kay Jessica. "Mag-eenjoy kayo dito, di lang kasi pyesta ang mangyayari me beauty contest din" sabi ni Susan "alam niyo ba na si Charito yung favorite ng mga tao ngayon?" tanong ni Helen "oo, maganda kasi ang batang yun at sobrang talino" sabi ni Leslie.

Cold Case (Complete Chapter)Where stories live. Discover now