Warning: (This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this
story to an actual living or non-living is definitely coincidental.
Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do
not continue reading if you are below 18 years of age.)..Kinabukasan kasama namin silang nag-agahan at nagkatuwaan pa sila at nagpaplano para mamayang gabi "ano disco tayo ha? walang mawawala" sabi ni Jake sa amin na natawa lang kami ni Jessica "basta tayong walo, magwawala tayo mamaya" sabi ni Susan sa amin. "Grabe man san, magwala" sabi ni Helen na natawa lang sina Jake at Susan sa sinabi niya "manang man gud ka Len mao nga nakasulti ka ana (manang ka kasi Len kaya mo nasabi yan)" sabi ni Susan sa kanya "di naman manang si Helen, ok nga ang attitude niya eh" sabi ni Jessica sa kanya "kita mo si Ruben, nagloloose narin di ba pare?" sabi ni Jake sa kanya na ngumiti lang ito. "Mauna na ako sa inyo" paalam ni Alan sa amin na tumayo agad ito at lumabas ng kusina "nangyari dun?" tanong ko na napangiti lang si Leslie. "Excuse me" sabi ni Leslie na sinundan nito si Alan "di pa ata sila ok" mahinang sabi ni Helen "siguro" sabi ni Susan.
Tinuloy nalang namin ang pagkain namin at pagkatapos lumabas muna kami ni Jessica at naglakad-lakad sa likod ng bahay "ano ang plano Anton?" tanong niya sa akin "pupunta ang mga agents ng NBI dito mamayang gabi" sabi ko sa kanya. "Aattend tayo ng pageant kasama natin ang ibang agents na magpeplain clothes at babantayan natin si Charito" sabi ko sa kanya "sasama ako?" tanong niya sa akin "oo, kasi gusto ko ituro mo sa amin kung sino sa mga tao dun ang suspek natin" sabi ko sa kanya "wala akong buong profile niya, besides konte lang ang info na nakuha ko sa kanya kaya di ko masasabing siya o sino man ang suspek natin" sabi niya sa akin. "I trust and believe you honey, we need your expertise tonight" sabi ko sa kanya na napailing nalang ito at sabing "I will have to go beyond my profession on this" sabi niya sa akin na napangiti nalang ako.
"Anton" tawag sa akin ni Igme "babalik lang ako" paalam ko kay Jessica "bakit? saan kayo pupunta?" tanong niya sa akin "titingnan ko lang yung lumang gusali, baka kasi me umaaligid dun" sabi ko sa kanya "sasama ako" sabi niya "hindi! delikado nga" sabi ko "basta sasama ako!" sabi nito na nauna pa itong naglakad papunta sa damohan kaya wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya. Yumuko kami ni Jessica nung lumabas na kami sa damohan at tumitingin-tingin kami sa paligid para masiguro naming walang tao "ano ba ang gagawin mo?" tanong niya sa akin "titingnan ko lang sa taas kung me tao bang pumunta dun after ng gabing yun" sabi ko sa kanya. "Anton!" tawag sa akin ni Igme na lumutang ito palapit sa amin "bakit?" tanong ko "mga kaluluwa nakatayo lang sa labas ng gusali" sabi niya sa akin "me sinasabi ba sila sayo?" tanong ko "ganun parin Anton, kamatayan" sabi ni Igme na kinikilabotan si Jessica "sabi ko sayong sa bahay ka nalang eh" sabi ko kay Jessica na sinuntok ako sa braso.
"We need to go back" sabi ko sa kanila na tumayo na kami at nagulat nalang kami nung me narinig kaming mga yapak "me tao" mahinang sabi ni Jessica sa amin "Igme tingnan mo kung sino" utos ko sa kanya na hinawakan ko sa kamay si Jessica at nagtago kami sa likod ng malaking puno. "Nakikita mo ba?" tanong ni Jessica sa akin nung sumilip ako sa gilid ng puno "walang tao" sabi ko "ano ang ginagwa niyo dito?" nagulat kami pareho ni Jessica nung marinig namin ito at paglingon namin si Alan pala na nakatayo na sa likuran namin. "Pare, ikaw pala" sabi ko sa kanya "ano ang ginagawa niyo dito?" tanong niya uli sa amin na kita kong me dala itong maliit na bag "ah.. ano pare.. ah.." di ako makapagsalita ng maayos na tumingin siya kay Jessica at natawa nalang si Alan. "Kayo ha? hahaha alam ko yan, ginawa na namin dati yan ni Leslie" sabi niya sa amin na napangiti nalang kami "Wag kayo dito, maraming langgam dyan dun kayo oh!" turo niya sa kabilang puno "mas maganda dun kasi tago at walang makakarinig sa inyo dun" sabi niya sa amin na bigla nalang itong umalis.
"Pare saan ka pupunta?" tawag ko sa kanya na lumingon ito "lalayo lang muna ako, nakakainis na sa bahay!" sagot niya na tuloy lang ito sa paglakad palayo sa amin "Anton!" tawag sa amin ni Igme "huli kana!' sabi ni Jessica sa kanya. "Saan ka ba nagpunta?" tanong ko kay Igme "tiningnan kung sino yung nag-ingay kanina" sabi niya sa amin "alam na namin" sabi ko sa kanya na lumabas kami ni Jessica sa likod ng puno at naglakad pabalik sa bahay. "Si Alan?" takang tanong ni Igme sa amin "oo, di mo ba nakita?" tanong ni Jessica "paano naging si Alan eh yung ingay nasa gitna ng damohan hindi sa gilid" sabi ni Igme na napatigil kaming dalawa ni Jessica at nagkatinginan kami. Tumakbo agad ako pabalik dun sa puno at di ko na nakita si Alan kahit na hinabol ko ito sa daan na dinaanan niya kanina nawala na talaga ito. "Anton! ano ang nangyari sayo?" tanong ni Igme sa akin "si Alan.. hindi ko na makita" sabi ko sa kanila "baka malayo na kaya di mo nakita" sabi ni Jessica sa akin "dalawng minuto palang ang nakakalipas nawala na agad?" tanong ko sa kanya na napaisip sila ni Igme.
YOU ARE READING
Cold Case (Complete Chapter)
Ficción General(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Vulgarity of such words were used for further collaboration