Warning: (This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this
story to an actual living or non-living is definitely coincidental.
Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do
not continue reading if you are below 18 years of age.)"Ah Jess... ah.. sorry nga pala nung..." sabi ko "shut up!" sabi niya sa akin na tumahimik nalang ako "ayun ang bahay nila" turo ni Igme sa amin kaya niliko ko sa kaliwa ang kotse at pinarada ito sa harapan mismo ng bahay nina Charito. "Wala atang tao" sabi ni Igme dahil kita naming patay tung ilaw ng bahay "tao po! tao po!" tawag pansin ko sa loob ng bahay pero walang sumasagot "kinsa ang gipangita ninyo? (sino ang hinahanap niyo?)" tanong nung ale sa kabilang bahay. "Hi, magandang gabi po, mga teachers po kami ni Charito" pakilala ni Jessica sa amin "ah teachers" sabi nung ale "opo manang, me tao po ba sa kanila?" tanong ko "umalis sila sa lunes na ang balik nun" sabi nung ale sa amin "ganun po ba? saan po sila nagpunta?" tanong ni Jessica "sa lola niya sa Lantap" sagot niya "ganun po ba? sige manang salamat po" sabi ko sa kanya at umalis nalang kami. "Malas naman" sabi ni Igme na napatingin ako sa paligid at kita kong closed community sila "safe siya dito" sabi ko sa kanila kaya bumalik nalang kami sa kotse at umalis na kami.
Tumunog ang phone ko kaya pinarada ko sa gilid ng kalye ang kotse bago ko ito sinagot "Good evening Sir!" bati ko kay Sir Raymund "Agent Marasigan, kasama mo ba si Dr. Dela Rosa?" "opo Sir, nasa tabi ko siya" sagot ko "good, na send na ng sweeping team ang forensic report nila pati narin ang mga pictures ng crime scene" "nasa daan pa kami ngayon Sir. Pagdating namin sa bahay iopen po namin yung file" pinaalaam ko sa kanya ang location namin. "Good, about dun sa pictures na pinadala mo sa akin kanina about dun sa club" "yes po Sir?" tanong ko "the local agency will take care of it" inform niya sa akin "that's good news Sir" sabi ko sa kanya. "Anong pictures?" mahinang tanong ni Jessica sa akin na sininyasan ko siyang mamaya nalang "Agent Marasigan, about dun sa dalawang hinihinalaan nating suspects nasa custody na namin sila" balita niya sa akin "kelan niyo po na apprehend yung dalawa?" tanong ko "after school hours, ayaw naming ipakita sa mga istudyante ang activity natin" sagot niya.
"But these two are only suspicious people na me records, we can't rest until we officially capture the culprit behind these crimes" sabi niya sa akin "agree po ako Sir" sagot ko sa kanya "ah Dr. Dela Rosa" tawag niya kay Jessica. "Yes Sir?" "please be patient just a lil bit, sooner or later mahuhuli narin namin ang me sala" sabi ni Sir sa kanya "don't worry Sir, I can stretch my patience" sagot niya na tumingin ito sa akin kaya nginitian ko lang siya. "That is good to hear Dr. Dela Rosa" sabi ni Sir at nagpaalam na ito sa amin at matapos ang conference namin bumalik na kami sa daan at umuwi ng bahay. Pagdating namin sa kwarto kinuha ko agad ang iPad para buksan ang pinadala ng sweeping team sa amin at binigay ko ito kay Jessica since siya ang expert, hinayaan ko lang siyang tingnan ang mga litratong pinadala sa amin habang ako naman busy sa pagbabasa ng report ng sweeping team. "Oh GOD!" sabi ni Jessica na agad akong lumapit sa kanya "bakit?" tanong ko "tingnan mo ito!" sabi niya sa akin at pinakita sa akin ang litrato sa iPad.
"Ano ang nakikita mo?" tanong ko sa kanya "wait, kunin mo yung file ng mga biktima dali!" utos niya sa akin kaya kinuha ko agad ito at binigay sa kanya na hinahalukay niya ang maraming litrato at nung makita na niya ang hinahanap niya tinabi niya ito sa iPad at pinakita sa akin. "Nakikita mo ba?" tanong niya sa akin na tiningnan ko ang litrato sa iPad at yung litrato sa kamay niya "me similarity sila" sabi ko "tama, pero tingnan mo sa gilid" turo niya sa litrato "tingnan mo dito sa iPad" turo niya "perfect match!" sabi ko "tama ka Anton, ito ang primary crime scene!" sabi ni Jessica sa akin na napangiti ako sa tuwa. "Magandang breakthrough ito sa kaso" sabi ko sa kanya "oo, pero.." sabi niya "pero ano?" tanong ko "sa limang kaso apat ang tumugma maliban sa isa" sabi niya sa akin "bakit? kanino ang naiba?" tanong ko na pinakita niya ang kay Charito "hmm... oo nga no" sabi ko dahil magkaiba ang background at sahig sa crime scene ni Charito.
YOU ARE READING
Cold Case (Complete Chapter)
Fiksi Umum(This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this story to an actual living or non-living is definitely coincidental. Vulgarity of such words were used for further collaboration