Cold Case Chapter 6

6 2 0
                                    

Warning: (This is a work of Fiction. Any resemblance of any material used in this
story to an actual living or non-living is definitely coincidental.
Vulgarity of such words were used for further collaboration. Please do
not continue reading if you are below 18 years of age.)

Lunch break at nagkita kami ni Jessica sa cafeteria ng school at sabay kaming kumain kasama ang mga ibang teachers na nakipag kwentohan pa sila sa amin at panay tanong nila kung kelan kami kinasal, ilang taon kaming mag-on bago kami nagpakasal, bakit wala pa kaming anak, mga tanong na pilit naming iniiwasan dahil baka kasi magkamali kami ng sagot at patay ang cover namin. Buti nalang at tinigilan na nila kami at hinayaan na nila kaming kumain "ang gulo ng mga tao dito" sabi ko kay Jessica "hmmm.. they are only curious that's all" sabi niya habang sumusubo ito ng pagkain. "So, wala pa bang balita galing kay papa?" tanong ni Jessica sa akin na nilagay ko malapit sa bibig ko ang kutsara ko at sabing "wala pa, it will take time para iprocess ang mga nakuha nila, maghintay lang tayo" sabay subo ko sa pagkain ko.

Biglang nagvibrate ang phone ko na nasa loob ng bulsa ko kaya kinuha ko ito at binasa ko ang text message ni Sir Raymund "ano ang sabi?" tanong ni Jessica na nakatingin lang ito kay Charito na nakaupo sa pangatlong mesa mula sa amin. "Paano kaya ito" sabi ko nung matapos kong basahin ang message ni Sir Raymund "bakit?" tanong ni Jessica "ah... kunan ko daw ng pictures ang mga taong malapit kay Charito" sabi ko sa kanya na kita kong nag-isip ito at parang nakaisip ata siya ng paraan na kinuha ang phone ko at tinulak ako ng konti at kinunan ako ng picture. "Yan!" sabi niya na binalik niya sa akin ang celfon ko at kita ko ang mukha ko na parang nagulat ako at sa gilid nito mukha ni Sir Mariano, Home Economics teacher "ganyan!" sabi ni Jessica sa akin na natawa nalang ako "smart... very smart honey" sabi ko sa kanya na bumalik ito sa pagkain niya at nagsimula akong mag selfie sa cafeteria namin na kinuna ko talaga ang mga taong malapit sa kinauupoan ni Chartio pati narin ang mga teachers na kasama namin.

Bumalik na kami sa klase at tumalab narin ang antok ko bandang alas kwatro ng hapon, buti nalang huling klase ko na ito at pagkatapos pwede na akong umuwi at matulog. Pagkatapos nung huling klase ko nagligpit na ako ng gamit at lumabas sa classroom ko na kita kong nagsiuwian narin pala ang ibang teachers nung pumunta ako ng faculty room "hi" bati ko dun sa secretary ni ma'am Rowena. "Hello, how's your first day?" tanong niya sa akin "it was fun!" sagot ko na tumingin ako sa paligid "can I help you?" tanong niya sa akin "ah, hinahanap ko lang kasi ang asawa ko" sabi ko sa kanya "ah hehehe hindi pa siguro tapos ang klase niya" sabi niya sa akin "baka nga, sige salamat ha and sorry to disturb you" sabi ko sa kanya "no it's ok, Sir Hernandez" sabi niya na kinagat pa nito ang ibabang labi niya na napangiti nalang ako at lumabas ng faculty room.

Pumunta ako sa classroom ni Jessica ng mapansin ko si Charito na nakaupo sa hagdanan, nilapitan ko siya at binati ko ito "hi" sabi ko "hi Sir!" bati din niya "di ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya "ah.." di ko alam kung sasagotin niya ako dahil nagtatagalog kasi ako. "It's ok" sabi ko nalang sa kanya na naging awkward tuloy kami sa isa't-isa. Napansin kong nabigla ito at nagmamadaling tumayo "sige Sir" sabi niya na nagmamadali itong naglakad palayo sa akin. "Ano kaya ang nangyari dun?" tanong ko sa sarili ko "Anton" tawag sa akin ni Igme na kita kong nakalutang ito sa kaliwa ko "oh Igme, saan ka ba nagpunta?" tanong ko sa kanya "haayyy yung misis mo pinatambay ako sa klase niya" sabi niya sa akin. "Teka Anton, bakit biglang umalis yun nung dumating ako?" tanong ni Igme sa akin na napakamot nalang ako sa ulo at niyaya siyang pumunta sa klase ni Jessica.

Pagdating namin sa classroom ni Jessica nakita namin itong nagliligpit narin ng gamit niya at bitbit nito ang lesson plan at attendance book ng klase niya "tara, uwi na tayo" yaya niya sa amin na ngumiti pa ito kay Igme at sabi "I want to know more, about the after life.. about.. death" sabi ni Jessica na napalingon sa akin si Igme at sabing "Anton, pwede ko na bang idisconnect ang link niyo?" "do that and I will kick your asses" banta ni Jessica sa amin na natawa nalang ako. Nung palabas na kami ng gate nakita ko si Charito na nag-aabang ng masasakyan "siya ba si Charito?" tanong ni Jessica sa akin "oo" sagot ko na lumingon si Charito sa amin na kita naming nagulat ito at agad na sumakay sa tricycle. "Ano ang nangyari dun?" tanong ni Jessica sa akin "di ko alam, ganun din siya kanina nung.." bigla kong naalala ang nangyari kanina "shit.. bakit di ko nakuha kaagad" sabi ko "ang alen?" tanong ni Jessica sa akin na kita naming dumaan ang tricycle sa harap ng kotse namin "pareho kaming dalawa" sagot ko kay Jessica.

Cold Case (Complete Chapter)Where stories live. Discover now