PROLOGUE

10 0 0
                                    

Prologue

Sometimes I wonder why would people get back together just for the sake of their kids.

"Babae mo na naman?! Akala mo hindi ko alam na nag-uusap kayo kapag nasa trabaho ako ha?!" sigaw ni mama.

"Ano na naman ba 'to?! Naririnig ka ng mga anak mo! Mahiya ka naman!" sigaw pabalik ni papa.

"Ako pa talaga ang dapat mahiya—"

I just wish they would stop acting like we're happy just because we're reunited and complete once again.

"Ate, nagaaway na naman ba sila mama at papa?" tanong ng kapatid ko.

"Hindi ka pa nasanay", sagot ko sa kanya. Hindi na bata ang kapatid ko para itago ko sa kanya ang nangyayari at pagtakpan ang magulang namin. Nasa high school na siya at ako'y magtatapos na ng junior high. Hindi na bago sa amin ang ganitong ganap sa bahay.

"—Tangina ka!" si mama pagkalabas na pagkalabas niya pa lang sa loob ng bahay. Naabutan niya kami ng kapatid ko na nakatayo sa labas ng bahay.

"Aalis ako" sabi niya matapos matigilan nang makita kami. Sigurado pupunta na naman siya sa kaibigan niya at ike-kwento ang pag-aaway nila.

"Sige" sagot ko at pasok sa loob ng bahay. Tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ako huminto o lumingon man lang. Narinig ko na kinausap niya ang kapatid ko tungkol sa pagaaway nila ni papa.

Pagpasok ko sa loob ng bahay naabutan ko si papa na nagliligpit ng damit niya at nilalagay sa bag niya na lagi niyang dala tuwing umaalis at umuuwi siya dito.

"Paano si nanay?" tanong ko habang abala siya sa pagsalpak ng mga damit niya sa loob ng bag.

Natigilan siya sa ginagawa. Ngunit saglit lang dahil lumingon siya kaagad sa akin na may awa sa mga mata.

"Magpapadala ako ng ibibigay sa mag-aalaga sa kanya. Hindi ko masasama si nanay dahil wala rin akong maayos na matuluyan sa Maynila" sabi niya at nagpatuloy sa pagaayos ng damit at sinara ang bag.

"Pilay siya. Gustuhin ko man na ako ang patuloy na mag-alaga sa kanya, kailangan ko ring mag-asikaso para sa pasukan. Hindi ko rin mahaharap kung sino ang magaalaga kay nanay" paliwanag ko.

"Ikaw na muna ang bahala sa lola mo. Magpapadala naman ako ng pera pambili ng mga kakailanganin niya" paliwanag niya rin habang abala siya sa pagsusuot ng sapatos.

"Kamusta kayo ni mama?"

I know it was a stupid question to ask. Halata naman na hindi sila maayos pero pinipilit pa rin nila. Dahil lang sa gusto nila na buo ang pamilya namin.

"Maayos kami. May hindi lang pagkakaintindihan"

Bakit kasi hindi mo na tigilan na kausapin ang babae mo dati. Gusto kong isaboses ang laman ng isip ko pero hindi ko na tinuloy.

"Ganon ba. Mag-ingat kayo sa biyahe. Ako nang bahala kay nanay at on leave naman si mama kaya may katulong din ako sa pag-aasikaso sa bahay bago makahanap ng kasambahay at magaalaga kay nanay".

"Salamat anak. Alis na ako, sabihin mo na lang sa mama mo at baka nakila Dorothy na naman siya" at humalik siya sa pisngi ko bago nagpaalam din kay nanay na nasa kwarto nito bago lumabas ng bahay.

I have so many regrets in life and one of those is wishing that our parents get back together again.

"Nagkabalikan na kami ng mama mo, nak" isang araw ng tumawag si papa.

"Talaga?" tuwang tuwa ako na sagutin ang tawag at marinig ang ibinalita sakin ni papa. Napahinto ako sa pagsasampay ng mga damit na pinalabhan sa akin ng kapitbahay. Pandagdag na kita na rin ito para sa mga gastusin sa school.

"Oo, uuwi kami diyan ng mama mo sa susunod na linggo para magkita kita tayo ng kapatid mo" bakas ang tuwa at saya sa boses ni papa. Maging ako ay natutuwa. Sa wakas, pagkatapos ng anim na taon magiging buo na uli kami.

"Masaya ka ba na nagkabalikan kami ng mama mo anak?" tanong ni papa pagkatapos ko sabihin na aabangan namin sila sa susunod na linggo.

"Siyempre naman, 'pa", sa garalgal na boses na tugon ko habang lumuluha.
"Masayang masaya", may ngiti sa mga labing dagdag ko pa.

"Masayang masaya ka talaga 'no?" ang kaibigan kong walang ginawa kung hindi asarin ako.

"Gaga, siyempre alam mo naman sitwasyon sa bahay. Air breather ko ang pagkawala sa kulungan na 'yon" sagot ko sa kanya habang sabay kami na naglalakad sa campus.

"Grabe ka naman 'te! Parang sobrang sama naman ng lagay mo sa bahay niyo" si Angela na nakanguso pa. Palibhasa buhay prinsesa ang babaeng 'to sa kanila kaya hindi niya alam kung gaano kahirap ang sitwasyon ko sa bahay.

Dalawang taon na at mas naging maayos ang lagay namin simula ng naghiwalay uli si mama at papa.

Dalawang taon. Tumagal ng dalawang taon ang pagtitiis nila sa isat isa para lang daw sa kapakanan namin.

Totoo pala yung mga napapanood at nababasa ko noon. Na hindi basehan ang pagkakaroon ng kumpletong pamilya kung hindi rin naman kayo masaya. I learned it the hard way. I have to experience sleepless nights, depression, and stress all over just because of our situation.

May dahilan talaga siguro noon kung bakit sila naghiwalay at kung bakit naghiwalay uli sila. I'm not even sad about them being separated again. It kind of, relieved me. Because no more shouting, arguing and blaming.

Hindi ko na sila maririnig na magsumbatan sa isat isa. Because honestly, every night I blame my self of what we've become. If only I didn't wish for them to be together again since God knows how long, hindi na sana mangyayari pa ang mga bagay na nangyari sa pamilya namin.

Hindi sana nawala si nanay dahil sa pagkamatay sa sama ng loob, hindi sana nalulong sa bisyo si mama sa paginom ng alak na naging dahilan ng pagtigil niya sa trabaho at hindi sana aalis si papa at pupunta sa ibang bansa at doon na magtrabaho at manirahan.

Hindi sana kami nagkawalay ng kapatid ko na piniling tumira sa isang apartment malayo sa amin at magtrabaho para tulungan ang sarili niya.

Hindi sana ako nagtatrabaho habang nag-aaral para lang may pangtustos kami sa araw araw ni mama habang wala siyang trabaho. Nagpapadala naman sakin si papa, pero hindi iyon sapat dahil hinahati ko rin 'yon at ipinapadala sa kapatid ko.

But I guess it's for the best. Maybe there is a reason why we are experiencing all of this. I just wish that after everything, we can find happiness again.

I can find happiness again.

After all the shit I've been through being the eldest and a daughter in the family, maybe I deserve to be happy too, right?

But I guess, fate just want to fuck my life so bad.

When I thought everything will go well for me.. I fell in love.

"Danielle, I love you. Do you love me too?" we're in the gymnasium and currently it's the end of our basketball league and infront of me is the MVP of our winning team and also the guy I like and courted me for more than two months. Now he's asking me one question. 

A question that make me ask myself too.

But before I can even think through.. I just hear my self saying—

"Yes" and the crowd cheer for us. Timothy stood up and hug me so tight that he even lifts me up.

"Thank you" he whisper in my ear that makes me smile and hug him back.

But when I open my eyes, I saw him with a small smile on his face. When he saw me looking at him he mouthed 'congrats' and turn his back, leaving the gymnasium by himself.


When Series Book 1: When Everything Goes Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon