Chapter 3
Nakasunod sakin ang dalawa papunta sa room kung nasaan na-admit si Ajax.
Ayon sa nurse na nakausap namin, nawalan ng malay si Ajax dahil sa lakas ng impact ng paghampas sa ulo niya at bukod sa maliit na hiwa sa sintido niya at pagdudugo, wala naman nang ibang naapektuhan sa ulo niya.
Sinamaan ko ng tingin ang dalawa sa likod ko ng nakarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni Ajax.
Napayuko sila sa tingin ko.
"Kakausapin ko muna siya. Maghintay kayo dito, tatawagin ko kayo pag puwede na kayong pumasok" at pinihit ko na ang pintuan papasok sa kwarto ni Ajax.
Naabutan ko siyang nakaupo at sa kanyang tabi sa kaliwa ay babaeng nakatayo at may dalang prutas.
"Ah.. nakakaistorbo ba 'ko?" tanong ko dahil pareho silang natigilan sa mukhang paguusap nila at napatingin sakin.
"No, it's okay. I was just on my way out" ani niya sa akin na may maliit na ngiti at baling kay Ajax. "Take care, okay?" at halik sa pisngi nito. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Y-Yeah. Thanks, Shana" awkward. Mukhang 'di siya sanay na may nakakakita sa kanila ng girlfriend niya ah?
Pagkadaan niya sa harap ko ay ngumiti siya at binuksan ang pintuan sa likod ko at lumabas.
Habang naglalakad naman palabas si Shana ay nakatitig sakin si Ajax kaya hindi ko rin maiwasang tumingin sa kanya.
Tinaasan ko siya ng kilay ng medyo tumagal na ang tingin niya at lumapit na ako sa kama kung saan siya nakaupo. Umiwas siya ng tingin.
"Kumusta?" tanong ko.
Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Humalukipkip ako sa harap niya at hinintay ang sagot niya. Anong nakakagulat sa tanong ko?
"Maayos naman" mukhang nakabawi siya sa pagkakagulat. Weird talaga nito.
"Ang ulo mo?" at inabot ko ang sintido niyang may benda.
Pagkahawak ko sa kanyang sintido ay napaiwas siya kaya binawi ko ang kamay ko.
"S-Sorry, I'm fine really"
"That's good to hear"
May kumatok sa pinto kaya napabaling kaming dalawa doon.
"Uhh.." si Alex. Nakasilip silang dalawa sa pinto at siguro'y inaabangan ang pagtawag ko sa kanila.
"By the way, I found the culprit" sabi ko kay Ajax.
"Ha?" he looked confused.
"Pumasok kayo" tawag ko sa dalawa at sumunod naman sila. Dahan dahan silang naglakad papalapit kung nasaan ako. At nang nasa tabi ko na silang dalawa at nagsimula na kong magpaliwanag kay Ajax.
"So you're telling me that... it's just a misunderstanding?" tanong sakin ni Ajax.
"Probably. But them hitting you is not. Kaya nandito sila ngayon para mag-apologize" at siniko ko si Alex na katabi ko.
"A-Ah.. Pasensya ka na, Ajax. Matatanggap namin kung kakasuhan mo kami" nakayukong aniya.
Tinignan ko ang kapatid ko na nakayuko rin at wala atang balak humingi ng tawad kay Ajax.

BINABASA MO ANG
When Series Book 1: When Everything Goes Wrong
Teen FictionA girl that wants nothing but freedom. She used to be a positive person and always look on the bright side in life. But one day, she just find herself drained and empty.