CHAPTER 2

7 0 0
                                    



Chapter 2

Mabilis kong pinaandar ang motor dahil hindi ko na mahahabol pa ang nakamotor na humampas kay Ajax kung iisipin ko pa kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ko.


Diretso lang ang kalsada, tingin ko dumaan ang mga ungas sa kanto ng school kung saan bihira lang may dumaan na sasakyan.


Bukod sa masikip at liblib ang daan, wala ring tao sa lugar na iyon kaya nasisiguro kong sa abandoned na junk shop sila pupunta.


Paano ko nalaman? Tambayan ko lang naman yun noon at marami na akong na-encounter na mga basag ulo na doon naglalagi at minsan pa'y may nangyayaring initiation.


Pinarada ko ang motor tatlong metro mula sa abandonadong junk shop.



Papalapit doon ay may narinig akong pagtatalo.



"—gago ka! Ang sabi mo kakausapin mo lang!! Saan nanggaling yung boteng pinang hampas mo?!" sigaw ng lalaki.


"Hindi na importante yun, pwede ba?! Ang mahalaga nakaganti ako!" sigaw pabalik ng kausap niya.


Dahan dahan akong naglakad papalapit sa garage door dahil doon nanggagaling ang boses nila. Nakataas ito, tama lang para makapasok ang tao.


"Sinamahan kita kasi akala ko maniningil ka lang! Sabi mo maniningil ka!!"


"Nasingil ko na! Ano bang akala mo?"


"Gago! Akala ko naman pera! Ganon ka ba maningil? Tangin—"



Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay agad kong sinipa ang sikmura niya.


Napaupo siya at nakahawak sa sikmurang tumingala sa akin.


"AAGHHH! Putang—" nanlalaki ang mga mata niya ng makita ako.



"Ate?!" sigaw niya at biglang napatayo sa gulat.



"Oo, gago ka!" sabay batok ko sa kanya.



Tinignan ko ang kasama niya at nakatalikod na ito at mukhang tatakas.



"Saan ka pupunta, ha?!" hinila ko ang t-shirt niya mula sa likuran ng batok niya at nang makalapit ay sinikmuraan ko siya gamit ang tuhod ko.



Ang mga gagong 'to?! Akalain mo nga namang ang kapatid ko at kaibigan niya ang siraulong nanakit kay Ajax!





"Sorry na, Ate Elle" pakiusap ni Alex.


"Eh sabi kasi ni Alex maniningil siya. Sinamahan ko, akala ko naman pera ang sisingilin—"

"Manahimik ka" napinto siya ng ambahan ko siyang sisipain uli sa sikmura.


Nakaluhod sila sa harap ko habang nakatayo ako at tinatanong sila kung bakit nila ginawa yun kay Ajax.


Nahuhulaan ko na kung paano napasama itong kapatid ko. Sa sobrang katangahan, hindi niya na inalam ang sitwasyon at um-oo lang dahil akala niya ay pera ang sisingilin nila.



Haaay, hindi ko alam kung paano siya nabuhuhay mag-isa kung ganito siya katanga.


Ayon kay Alex, nagkainitan daw noon sa drag race... hindi dahil natalo siya kaya niya nagawang hampasin ng bote sa ulo si Ajax, kundi dahil hinalikan ng girlfriend niya si Ajax.


Nanalo si Ajax sa drag race at ng natapos ang race ay sinalubong siya ng mga taga suporta niya.



In short, mga 'babae' niya. Pero ang nakakagulat ay tumakbo daw papalapit ang girlfriend nitong si Alex kay Ajax at hinalikan ito.



Mukhang hindi alam ng babae na kasali si Alex sa race, at mukhang hindi rin alam ni Ajax na may boyfriend ang humalik sa kanya.


Dahil hinawakan pa raw niya ito sa baywang at gumanti ng halik.



"You do realize na kasalanan ng girlfriend mo, right?" ani ko kay Alex.



Pero hula ko na hindi makukubinsi itong si Alex na walang kasalanan si Ajax dahil 'di niya naman alam na may boyfriend ang hinalikan niya, dahil mukhang baliw itong si Alex sa girlfriend niya.


I mean, hindi ko naman maipagkakaila na may itsura naman si Ajax.


Matangkad si Ajax, siguro mga nasa 6ft siya. Moreno, matangos ang ilong. Manipis at mapupulang labi na lagi niyang kinakagat at dinidilaan. May ahit din ang kaliwang kilay niya, alam ko dahil sa aksidente 'yon. Sharp jaw, hooded eyes, musculine but he's not all muscles.



Pero kung physical features lang ang pag-uusapan, maraming may itsura sa campus.



Pero hindi lang dahil doon kaya maraming nahuhumaling sa kanya. Bukod sa miyembro siya ng banda sa PIU, matalino din ang kupal. Kasama siya sa mga with high honors noong senior high at nagt-take siya ng engineering course ngayon.


Hindi ko lang alam kung anong major dahil hindi ko naman tinatanong at inaalam dahil wala akong pake.



"Hindi lang naman kasi yun ang unang beses" sagot ni Alex.


"Hindi lang unang beses na nangaliwa yang girlfriend mo?" saad ko.


"Pfff—" nagpipigil ng tawa ang kapatid ko ng balingan ko siya



"Isa ka pa" sabay sipa ko sa tuhod niya na kanya namang dinaing sa sakit. "Kung hindi ka ba naman gago, dapat inalam mo ang sitwasyon hindi yung basta ka na lang um-oo!" sigaw ko sa kanya.


Hindi siya nakasagot kaya binalingan ko uli si Alexander.


"Ano? Hindi unang beses na nagcheat ang girlfriend mo?"


"Hindi yun Ate" nakayukong aniya. Hindi makatingin sa akin.


"Eh, ano?!" singhal ko sa inis. Aambahan ko na siya ng sipa dahil hindi siya makasagot.


"O-Oo na ate! Eh, sabi niya mukhang interesado daw sakanya ang gagong yun dahil nagrereply daw sa mga chats niya"


"At kayo pa noon? Eh, gago ka pala!" sabay sipa ko sa tuhod niyan


"Aray Ate!" daing niya at himas sa tuhod niyang sinipa ko.


"Masasaktan ka talaga! Alam mo na palang ganon ang nangyayari, hindi mo pa hiniwalayan! Hinampas mo pa ng bote sa ulo si Ajax, eh kung napatay mo yun?!"


"Masamang damo yun Ate Elle. Hindi yun bastang mamamatay" sagot niya pa! Aba't ang gunggong na 'to.


"Sumama kayo sakin" sabay hila kong pareho sa manggas ng t-shirt nila para tumayo sila.


"S-Saan tayo pupunta Ate Elle??!" nauutal na tanong ni Alex.


"Hindi mo naman kami isusumbong sa pulis, d-diba?" ang kapatid ko. Huminto ako sa paglalakad at paghila sakanila. Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin.


"Pupunta tayo sa ospital" ani ko at patuloy na naglakad palabas ng junk shop. Dumiretso ako sa motor ni Ajax.


"A-Ate, teka" habol sakin ni Alex. Nakita kong dumiretso si Danny sa motor ma tingin ko'y kay Alex, dahil wala naman siyang motor sa pagkakaalam ko.


"Ano?" sumakay na ko sa motor at hinintay ang sasabihin niya.


"I-Isusumbong mo ba kami sa pulis?"


"Hindi ako ang magdedesisyon niyan" at ini-start ko na ang motor.


"Ha?" nalilitong aniya.

"Pupunta tayong ospital at hihingi kayo ng tawad kay Ajax. Siya na ang bahala kung magsasampa siya ng kaso sa inyo, o hindi" sabi ko ng diretso sa kanya. Nakita kong pinaandar na rin ni Danny ang motor at itinabi ito sa akin.


"Sumakay ka na Alex. Magkita tayo sa ospital, titignan ko pa ang lagay ni Ajax. Sumunod kayo doon" sinamaan ko pa sila ng tingin bago ko pinaharurot ang motor at pumunta sa ospital kung saan dinala si Ajax.


When Series Book 1: When Everything Goes Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon