Chapter 1
Hindi ako yung tipo ng tao na ginagawang big deal lahat ng bagay. Isa na doon ang pagaaral ko ngayong college at pagkuha ng kurso na hindi ko alam kung gusto ko ba. Inuuna ko ang pagiging praktikal dahil hindi ko kayang kumuha ng kurso na napakamahal at hindi ko mababayaran ang tuition.
Bukod sa hindi naman katulad ng high school na walang masyadong pinagkakagastusan, napakaraming bayarin sa college bukod pa sa tuition at miscellaneous fees. Pinagkakasya ko ang kinikita ko sa isang café kung saan ako nagtatrabaho para sa school at ang pinapadala ni papa para sa gastusin sa bahay.
Bukod pa roon, hinahati ko ang pinapadala ni papa na sampung libo kada buwan at ipinapadala rin sa kapatid ko na bumukod na dahil sa hindi ko rin malamang dahilan.
Siguro gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. O ayaw niya lang makita si mama na panay ang inom tuwing naaabutan namin siya sa bahay.
"Pasok na ko, ma" paalam ko kay mama. Nakahiga pa siya at abala sa cellphone niya.
"Sige. Ingat." aniya habang abala pa rin sa kanyang cellphone. Hindi na nag-abalang lumingon pa sa gawi ko.
Dumiretso na ko sa pinto at lumabas ng bahay. Maliit lang ang bahay namin, ang humahati lang ay ang pagitan ng kusina at sala. Ang pintuan namin papasok ng bahay ay sa bandang kusina at pagpasok sa kusina makikita ang pinto kung saan bubungad ang sala namin at ang pinagtutulugan. Walang dibisyon kaya naman kita agad pagpasok ang kama.
Paglabas ay nagabang na ko ng masasakyan na tricycle papunta sa PIU. Ang eskuwela na pinapasukan ko. Papunta roon ay madadaan ko rin ang apartment na tinutuluyan ng kapatid ko.
Tinignan ko ang oras sa aking cellphone.
6:45am.
Alas siyete ang klase ko at sampung minuto lang ay makakarating na ko sa school. Balak ko pa sanang daanan ang kapatid ko pero mukhang wala na kong oras dahil bukod sa mal-late na ko sa klase kapag ginawa ko iyon, wala pa ring dumadaang tricycle.
Maya-maya ay napaigtad ako ng may bumisina.
"Danielle, papasok ka na?" si Ajax. Isa sa naging kaklase ko ng dalawang taon sa Senior High. Hindi ko alam kung saan siya nakatira ngunit sa pagkakaalam ko, hindi rito banda ang bahay niya.
"Ah..oo"
Naging magkaklase kami pero hindi kami gaanong naguusap. Sa lahat ng kaklase ko siguro. Dahil bukod sa ang daming nangyari noon, wala rin akong interes na makipag kaibigan.
Bukod kay Angela.
"Sabay ka na? Papasok na rin ako e" sabi niya pa kaya napatingin ako sa motor niya. Big bike. Sanay naman ako sumakay at hindi rin naman ako takot dahil marunong din naman ako magmaneho ng motor kaso..
"Ah..hindi na. Naka skirt kasi ako" sagot ko na lang. Hindi ko na sinabi na hindi naman kami close para sumakay ako sa motor niya.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.
6:48am.
At tinignan ko din si Ajax nang mapansin kong sumilip din siya sa cellphone ko.
"Mal-late ka na" sabay nguso niya sa cellphone ko.
Nag-isip pa ko saglit at tinignan ang daan. Sinundan din niya ang tingin ko at nang mapagtanto kong wala talagang dadaan na tricycle..
"Sige, sabay na ko" ani ko at lapit sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagsabi 'Yes!' niya nang papalapit ako.
Tinignan ko muna siya bago umangkas. Nagkatitigan kami saglit nang magsalita ako.
"Sasakay na ko"
Kumurap siya ng dalawang beses at tarantang inayos ang pagkakatayo ng motor dahil nakapahalang ito at mahihirapan akong sumakay kung sakali.
"Ah.. ayos na" aniya at umangkas na ko sa likod niya. Nakatagilid akong sumakay dahil nga sa skirt ko.
Nakaangkas na ako at nagaabang na paandarin niya ang motor. Inayos ko sa balikat ko ang tote bag na dala ko.
Ilang sandali pa ay hindi niya pinapaandar ang motor na ikinataka ko kaya naman tumingin ako sa kanya at ikinagulat ko na nakalingon pala siya sa akin kaya nagkatinginan kami.
"Humawak ka" at sabay iwas niya ng tingin.
Nagtataka man ay sinunod ko ang utos niya. Maya maya pa ay lumingon na naman siya na agad kong ikinagulat dahil mukhang naiinip siya.
Tinignan niya muna ako bago niya nilingon kung saan ako nakahawak.
Tinignan ko rin ang kamay kong nakahawak sa pinaka likuran kung saan may bakal ng motor sa banda ng tail light.
"Nakahawak na ko" ani ko dahil naiinis na ko sa paglingon lingon niya. Hindi ko lang pinapahalata sa mukha ko at nanatiling kalmado upang hindi mapansin ang pagkakairita.
Saan ba niya gustong humawak ako? Sa baywang niya?
Napahawak siya sa noo niya.
"Suit yourself" aniya at abot ng helmet niya na sinabit niya pala sa handle at sinuot.
Pagkatapos noon ay pinaandar niya na ang motor.
Thank God. Talagang mal-late na ko dahil tatakbuhin ko pa ang building namin. Nasa third floor pa naman ang room ko.
"Thank you" pasasalamat ko pagkababa ko sa motor niya.
Ibinaba niya ako sa kabilang kalsada sa tapat ng gate ng University kahit na sinabi kong ayos lang na sa malapit na coffee shop lang dahil hindi magandang tignan na magkasama kami at nakasakay ako sa motor niya.
Ang dami pa namang nagpapakalat ng kung ano dito sa PIU.
"Your welcome. Pasok ka na" aniya sabay ngiti ng tipid sa akin.
Tinignan ko siya bago tumingin sa paligid. Napaka raming estudyante na nakatingin sa aming dalawa. O sakanya lang. Nawala sa isip ko na sikat nga pala siya dahil member siya ng band dito sa University.
"Mauna na ko" at bago pa man siya makapagsalita ulit, may motor na huminto sa gilid namin at nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari..
Hinampas siya ng bote sa ulo ng lakaking nakahelmet pa na angkas ng motor!
"AAAHHH! Si Ajax!" tilian ng mga nakakitang estudyante.
Nakatayo lang ako at tulala habang nasa harap ko si Ajax na walang malay at ang mga guards na lumapit para tulungan siyang dalhin sa ospital.
Hinanap ng paningin ko ang nakamotor at ang angkas niya na humampas ng bote sa ulo ni Ajax.
Nang nakita kong papalayo na sila at halos hindi na masagap ng paningin ko...
Tinayo ko ang natumbang motor ni Ajax. Nagtatakang tumingin sakin ang dalawang guard na nakaluhod sa tapat ni Ajax na nakahiga sa gilid ng kalsada.
"Anong gagawin mo, miss?" tanong sakin ng guard at nang mapagtantong gagamitin ko ang motor ni Ajax para habulin ang may gawa nito sa kanya, agad niya akong pinigilan.
"Miss!" habol niya at ng isa pang guard. Ngunit wala na silang nagawa nang sumampa ako sa motor at pinaharurot ito.

BINABASA MO ANG
When Series Book 1: When Everything Goes Wrong
Teen FictionA girl that wants nothing but freedom. She used to be a positive person and always look on the bright side in life. But one day, she just find herself drained and empty.