CHAPTER 2

7 4 1
                                    

                        CHAPTER 2
              * LA CASA DEROUV *

Habang nagsasaya silang lahat, ako naman naka tingin lang sa labas ng glass nitong bus. "Do i really need friends here? Parang lahat naman sila lampa." Bulong ko.

Hindi naman sa ayaw ko, pero di lang kasi ako sanay na makipag kaibigan kahit kanino. Sanay akong mag isa at hinahayaan lang kaya ako nandito. Di din naman ako pupunta dito kung wala akong rason. Napa pikit nalang ako para diko na maalala ang bagay nayon.

"Ano ba Joseph, wala kabang pamilya? Lagi kanalang inom ng inom twing gabi! Wala pa tayong kain oh!" Sigaw ni Mama.

"Ih ano bang paki mo? Ako naman ang nagtatrabaho para sa iniinom ko, kung gusto nyo ng makakain magtrabaho rin kayo!" Sigaw naman ni Papa.

Napaiyak nalang ako sa sitwasyon namin, ganito naman palagi wala ng nagbago, tas kina-umagahan magsosorry si papa tsaka sasabihing di na ulit iinom. Paulit-ulit nalang. Kaya napag pasyahan kong pumunta sa Bahay ng Jowa ko malapit lang din naman yun, alam ko sya lang ang makakapagpapa-kalma sakin. Dahil bukod sa di ako pala kaibigan, sya lang ang taong pinagkaka-tiwalaan ko sa lahat. Napag ke-kwentohan ko rin sya ng mga nang-yayari sa bahay namin. I swear ang bait nya.

"Leah, Leah si Jean to." Sabi ko sabay katok ng Boarding house nya, oo naka boarding house lang sya since nag aaral sya ng college.

Wala akong nahitang sagot kaya binuksan ko nalang ang pinto ng boarding house nya. Total ganon naman talaga kaming dalawa. Pagpasok ko ng bahay nadatnan ko ang napaka gulong sala nila na para bang nikawan siya, with that thought kinabahan ako kaya dumiretso ako ng kwarto nya, at halos manlumo ako sa nakikita ko. Napa iyak nalang ako dahil si Leah nakikita kong duguan na sinadya talagang saksakin. Tapos yung kwarto nya Magulo rin.

"Leah, Mahal a-anong na-nangyari di-dito Mahal! Bat ka maraming dugo dyan Mahal!" Sigaw ko nalang. Diko alam ang gagawin ko, inuna ko syang pinuntahan tsaka pinulsuhan kung wala naba talaga sya. May kunti pa syang pulso kaya sumigaw na ako ng "Tulong! Tulungan nyo kami!" Malakas kong sigaw kaya marami agad ang naka dinig, kadalasan sa kanila tumawag ng ambulansya. "Wala bang may alam sainyo ng first aid? O kaya Cpr? Nauubosan na sya ng hininga please!" Sigaw ko pa kasi nagchi-chismisan pa sila.

"Kawawa naman ang batang yan, napaka bata pa para mamatay."
"Halatang ninakawan ihh, medyo may kaya rin kasi ang pamilya nito."
"Kawawa naman yung isang babae, kaano-ano nya ba yan?"
"Magjowa yan sila ihh. Lagi ko yang nakikitang magkasama. Sayang lang parehas silang Babae."

"Ano ba! Di nyo talaga kami tutulungan? Magchichismisan lang ba talaga kayo dyan? Tulungan nyo naman kami please. Please lang, ayokong nahihirapan ang babaeng Mahal ko ihh." Iyak na ako ng iyak dahil parang wala akong kwentang girlfriend dahil sa nangyayari ngayon.

"Tulong, tulungan nyo kami please, tulong."

"Hey Jean, Jean wake up. Nana-naginip ka." Rinig kong sabi ng isang boses babae. Kaya minulat ko ang mata ko.

"Naka tulog pala ako." Nasabi ko nalang.

"Kanina kapa naka tulog, tas bigla nalang kaming nakarinig ng hikbi mula sa inuupoan mo, kaya tinignan ka namin tsaka nakita naming binabangungot ka kaya ginising nalang kita." Sabi naman nung gumising sakin. Si Manilyn ata to.

HELP! (On-going)Where stories live. Discover now