CHAPTER 7
*YOU ARE HER?*"Hey ano na? May nahuli naba kayong isda?" Tanong ni Lyka.
"MERON AKO!!" Sabi naman ni Ronnie. I cannot blame him since magaling talaga syang lumangoy at magkasama silang namana ni Zeke.
"Kaso yung nahuli namin dipa sapat para sating lahat, we have to work hard." Sabi naman ni Zeke na sinang ayunan ko.
"Alam ko na, kami ni Manilyn pupunta sa kakahoyan, baka sakaling may mga prutas dun" Sabi ni Lyka, kaya biglang nangunot ang noo namin.
"Alam nyong masyadong mapanganib sa kakahoyan diba?" Tanong ko naman kaya nginitian kami ni Lyka.
"Kaya nga kami ni Manilyn ang pupunta dahil kami ang malakas sa mga babae dito, bantayan nyo nalang muna yung matitira." Sabi ni Lyka
"Tsaka mas mabuting kami nalang yung pumunta para iwas perwisyo" sabi naman ni Manilyn. Magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni Ann.
"Sasama ako" sabi nito kaya tinignan ko sya, minsan lang kasi sya mag salita sa mga ganto.
"Dito ka nalang" sabi naman ni Manilyn na may bahid ng pag aalala ang boses. Natural yun dahil kahit ako nag aalala rin sa pwedeng mangyari sakanila, dagdag mo pa yung nangyari kagabi kay Aly.
"Kaya ko ang sarili ko. Tara na." Sabi naman ni Jean, kaya wala na silang nagawa dahil nanguna na ito sa paglalakad. Tinanaw nalang namin sila habang naglalakad sila papunta sa kakahoyan.
"Maka kita kaya sila Ng pagkain dun?" Tanong sakin ni Aly, ng naka tingin sa mga mata ko.
"Just trust them" sabi ko naman at pumunta ulit sa Dagat.
"Lucas" tawag sakin ni Aly kaya tumingin ako sakanya, nakita ko namang nakatingin rin samin si Shine, habang si Claudine naman nakatingin kila Ronnie.
"Bakit Aly may masakit ba sayo?" Tanong ko, umiling naman ito.
"I'm just worried" sabi nito
"Wag kang mag alala alam mo namang malalakas sila kahit babae sila, Maggiging ok sila." Sabi ko tsaka ngumiti para naman di mahalatang nag aalala din ako sobra.
"Hindi sa kanila" sabi nito tsaka tumingin sakin. Alam ko yung type ng tingin nya kaya ngumiti ako.
"Dating gawi Aly" sabi ko naman "Punta na ako dun, tutulungan ko pa si Crys mangisda ihh" sabi ko tsaka pumunta kung san banda si Crys.
"Ano bro may nahuli kana ba?" Tanong ko, umiling naman ito.
"Tignan mo nga to, pano tayo makaka-huli ihh wala tayong pain dito sa lambat na ginawa natin." Sabi naman nito, tsaka winagayway ang lambat.
"Marunong ka lumangoy diba?" Tanong ko kaya tumango sya. "Mga hanggang ilang segundo ka pwedeng sumisid sa dagat ng di humihinga?" Tanong ko naman kaya nag isip ito.
"Mga 14 seconds lang" sabi nito kaya napatango ako. "Anong plano mo?"
"Simple lang, kung ayaw nila magpa huli ng gani-ganito lang mama-mana nalang din tayo gaya nila Ronnie." Sabi ko kaya napa tango sya. Lumangoy naman kami papunta sa pwesto nila Ronnie, kaya nagulat sila nung nakita nila kami.
"Sasama kami sainyo" sabi ko nalang Kaya Tumango sila.
Habang namamana kami, marami talagang isda pero yung malalaki ang huhulihin namin, para naman malaman talaga, nung naka huli kami ng tatlo saka kami umahon. Hindi talaga madali ang paghuli namin kasi mailap ang mga isda tsaka minsan nauubusan kami ng hininga kaya yung ibang gusto namin panain ay mawawala. Naka ngiti naman sila ni Claudine, Shine, at Aly pag ahon namin.
YOU ARE READING
HELP! (On-going)
Mystery / Thriller"Welcome to La Casa Derouv!" We first call this "ADVENTURE" but then as the time goes by something's weird is happening. "Asan si Lyka?" "Help!!!" Basta ang alam lang namin napunta kami sa lugar na di kasama sa dapat naming puntahan. "Sampo kayong p...