"Mrs. Magbanua, kapag hindi kayo nakapagbayad ngayon ay mapipilitan akong ipakulong kayo." Seryoso na banta ng isang lalaki na kaharap ngayon ng Ginang, halata ang takot sa mukha nito dahil sa banta ng lalaki.
"Sir, huwag naman po! Magbabayad din naman ako pero sa susunod na balik mo!" Todo pagmamakaawa naman ang Ginang.
"Ilang ulit mo nang sinabi iyan. Pera ang kailangan ko hindi ang alibay mo." Napatiim-bagang ang lalaki.
Isang daang libo ang utang ng Ginang na hanggang ngayon ay wala pa sa kalahati ang babayaran nito.
"Pangako po, Sir, magbabayad ako sa susunod———"
"Nay, wala na po tayong bigas." Mula sa loob ng bahay ay lumabas ang isang dalaga, si Disney.
Sa edad na disi-otso ay hindi man lang nakapagtapos ng Elementarya ang dalaga, dahil sa ayaw na siyang paaralin ng kaniyang Ina. Idinahilan ay ang kahirapan daw nilang mag-ina.
Kung kaya't nagdalaga siya na salat sa talino pero magaling sa gawaing bahay. Magaling din siyang magluto, lalo sa mga kakaning paninda.
Kaya lang kung minsan ay kinukuha ng kaniyang Nanay ang perang naiipon niya. Minsan ay pinagbubuhatan pa siya ng kamay kung maliit lamang ang kinikita niya.
"Edi manghiram ka sa kapitbahay, stupida!" Galit na hiyaw ng Ginang sa dalaga at pinanlisikan pa ito ng mga mata, napayuko naman ang dalaga.
"Hindi na po magpapahiram ng bigas si aling Lidia, Nay. Limang kilo na daw po kase ang utang na'tin sa kaniya." Mahinang sambit ng dalaga, parang maiiyak na sa galit ng Ina.
"Walang silbi! Edi magutom ka diyan, buwisit!" Masamang duro ng Ina sa dalaga, nais naman niyang gumaralgal sa hiya sa harap ng lalaki.
Taimtim naman nakamasid ang lalaki sa dalagang nakayuko.
"Magbabayad ba kayo ngayon o tatawag na ako ng pulis-——"
"Sir! Huwag naman po maawa kayo sa'kin!" Ang nanlilisik na mukha ng Ginang ay napalitan ng pagsusumamo habang nakatingin sa lalaki.
"Walang problema kung magbabayad ka ng utang." Seryoso pa din ang mukha ng lalaki, tsaka naiinip na.
Matagal nanahimik ang Ginang at para bang may iniisip ito. Ilang minuto ay napatingin muli sa lalaki.
"Kunin mo na lang ang anak ko, Sir. Siya ang ipangbabayad ko sa'yo!" Nakangising saad ng Ginang na kinasalubong ng noo ng lalaki.
"Pera ang kailangan ko hindi tao." Tiim-bagang na sagot ng lalaki, hindi nagustuhan ang sinabi ng Ginang.
"Sariwa at bata pa ang anak ko, Sir! Pwede mo naman siyang ibenta ng mas malaki pa kaysa sa utang ko!"
"N-nanay.. huwag mo po akong ibenta, Nay.. pangako po na dadamihan ko po ang pagkuha sa paglalabada.. huwag mo lang po ako ibenta, Nay.."
Garalgal na pagmamakaawa ng dalaga sa Ina nang marinig ang sinabi nito na ibebenta siya sa lalaking naniningil ng utang nito sa turko.
"Aba'y, wala ka naman silbi dito! Di nga makabili ng bigas at ulam iyang paglalabada mo! Ako pa itong nagpapalamon sa'yo, gaga ka!"
Pagduro ng Ina sa anak nito. Hindi pagmamahal kundi pagkamuhi ang nanaig sa puso ng Ginang, ito lang naman kase ang dahilan kung bakit nagkaleche-leche ang buhay nito.
Magpapakasal na sana kase ang Ginang sa nobyo nitong isang Kano, ngunit nalaman ng binata na nagdadalang-tao siya sa ibang lalaki, kung kaya't nakipagkalas ang binata sa kanilang relasyon.
"K-kinukuha mo po kase ang sahod ko para sa sugal-——"
"Aba! Sinisisi mo pa ako, gaga ka?!" Sa galit ng Ginang ay pinuntahan nito ang dalaga at saka sinampal bago sabunutan ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
LANCE CORDOVA
General FictionDahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang Ina ay ang dalagang si Disney ang ipinalit sa utang nito. Sa edad na disi-otso ay sapilitang ikinasal ang dalaga sa lalaking naniningil ng utang ng kaniyang Ina. Kay Lance Cordova, na isang makisig at gwapo...