Kabanata 1

678 35 2
                                        

DISNEY

"Suman! Valenciana! Baye-baye kayo diyan! Bili na po kayo!" Ilang oras na akong naglalako nitong paninda ko.

Saglit muna akong napahinto sa isang upuan dito sa parke para punasan ang noo ko at saka leeg, gamit ang towel.

Nakangiting napatingin ako sa dala kong bilao na ilang mga nakabalot na lang ang natira.

"Miss! Anong binebenta mo?" Napatingin ako sa isang babae na biglang lumitaw sa harapan ko, nakatingin siya sa bilao.

"Suman, valenciana at baye-baye. Bili na, Miss. Masarap ito at gawa ko."

"Sige nga, bigyan mo ako ng tigdadalawa sa mga iyan." Sabi ng babae na kilapad ng ngiti ko bago kinuha ang tigdadalawang suman, valenciana at baye-baye. Sinilid ko na din ito sa tiny plastic na dala ko.

"Ito na, Miss." Pagbigay ko ng plastic sa kaniya.

Kumuha siya ng kaheta niya sa bag at kumuha ng isang daan tsaka niya binigay sa'kin. "Here. Thanks.

Pagkuha niya sa plastic at abot ko naman ng pera niya. Sinuklian ko siya ng kwarenta pesos.

"Maraming salamat." Sabi ko at inabot sa kaniya ang sukli niya na agad niyang kinuha at binalik sa bag.

"Diba ikaw 'yong asawa ni Lance na kinasal kahapon lang?" Biglang tanong ng babae na kinahinto ko. Ilang minuto ay napatango din ako.

"O-oo. Bakit?" Tanong ko kase parang kinikilatis ako ng babae. Matangkad ito at nakasuot ng magandang damit.

"Ah, naging ex ko kase siya. Nagulat ako ng husto ng ikinasal siya sa iba." Pagniti nito ng tipid. Hindi naman ako nakapagsalita nang magsalita siyang muli. "Diba dapat nasa honeymoon stage pa kayo? Bakit naglalako ka?"

Natigilan ako at nag-isip kung ano ang ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi, naguguluhan ako.

"H-honeymoon?" Pagklaro kong sabi na siyang kinatango nito.

"Oo, honeymoon. Matapos ang kasal ay naghahoneymoon ang bagong kasal." Malapad ang naging ngiti nito.

"Honeymoon? Wala naman po sigurong pukyutan sa buwan para magkaroon ng honey?" Inosente kong sabi, baka kase iyon ang ibig niyang sabihin. Pukyutan sa buwan? Malabo..

Napakurap ako ng bumungisngis ng tawa ang babaeng kaharap ko. Nakahawak pa siya sa tiyan nito at pailing-iling na nakatingin sa'kin.

"Gaga! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Napapahid ito sa gilid ng magkabilang mata nito. "Honeymoon which means the newlywed couple become intimate with each other. In short, magsesex kayong dalawa!"

Napasinghap ako at takip ng labi ko ng marinig ang bagay na iyon. Iyon pala ang ibig sabihin ng honeymoon—magsesex kami ni L-lance? Jusko!

"P-pasensiya, akala ko kase ay iba." Nahihiyang kong sabi ng mag-angat ako ng tingin. Kita ko na maigi akong tinitigan ng babae.

"Wala pa bang may nangyayari sa inyo ni Lance?" Mataman niyang tanong na kinayuko ko. Namumulang napatingin ako sa mga kakanin ko.

"H-hindi pa.." Napapikit ako sa hiya at init ng mukha ko.

Limang araw na simula noong ibenenta ako ni Nanay kay Lance. Kahapon lang ay kinasal kaming dalawa sa huwes, sa kakilala niyang judge ang nagpakasal sa'min.

Mag-asawa nga kami pero magkaiba ang silid naming dalawa.

Ang bilin niya sa'kin noong dinala niya ako sa bahay niya ay huwag ko daw siyang pakikialaman o ang istorbohin siya, at ang ayaw niya sa lahat ay ang ginagalit siya. Gawin ko ang lahat ng gusto ko, ngunit sa loob lang ng pamamahay niya. Bawal akong lumabas na walang pahintulot niya o hindi ko pinapaalam sa kaniya.

LANCE CORDOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon