Kabanata 2

778 46 6
                                    

LANCE'S povs:

"Kiss me, wife." Utos ko habang nakatitig sa nag-aanyaya niyang labi.

Nakita ko naman ang pagtuod ni Disney pero unti-unti din niyang nilapit ang mukha sa'kin, nakatihin siya dahil sa tangkad ko.

Agad ko nang hinapit ang beywang niya at kusang inangkin ang labi niya. Tangina! Ang lambot ng labi niya!

Nagulat siya sa ginawa ko pero agad din napahawak sa balikat ko. Gumalaw ang labi ko na siyang kinawaang ng bibig niya, dahilan para makapasok ang dila ko sa loob at agad na sinipsip ang dila niya.

"Ahm!" Ungol niya na kinangisi ko at pinaglaruan ang mainit niyang dila. Sinipsip ko pa nang manggigil ako.

Tangina! Disney! Ang sarap mo!

Alam ko na ngayon lamang ako parang naulol sa labing ito, sa katawan ng asawa ko-—-asawa ko!

May karapatan ako na angkinin siya dahil asawa ko naman siya, legal kaming mag-asawa. Akin na siya.

Ginala ko ang isang palad at pinisil ang iba't-ibang parte ng malambot niyang katawan. Tinatablan na ako ng pagnanasa sa katawan ko!

"A-ah!.. L-lance!.." Malakas ang ungol niya nang mariin kong pisilin ang pisngi ng pang-upo niya.

Sa gulat niya ay nakagat pa niya ang balikat ko, ngumisi lang ako. Mas uminit ang pagnanasa ko nang marinig ang nakakaakit niyang ungol at pagsambit sa ngalan ko.

"Disney.." Hinawakan ko ang panga niya at pinatitig sa'kin. Namumungay ang mga mata niya at alam ko na nahihiya din siya.

"L-lance..." Nakaakit ang pagsambit niya sa ngalan ko.

"Yes, Baby?" I smirked.

"M-maghahoneymoon na ba tayo?"

Muntik na akong mapaubo sa narinig ko, walang kamuwang-muwang ang pagkakasabi niya na parang balewala lang iyon, habang ako ay nagpipigil.

Tumikhim ako bago ngumisi tsaka balewalang binuhat siya at dinala sa ibabaw ng lamesa dito sa kusina.

"Gusto mo maghoneymoon na tayo?" Nanunukso ang titig ko, pinamulahan siya ng mukha bago yumuko.

"A-ano kase-——"

"Saan mo nakuha iyon?" Napakainosente ng asawa ko sa bagay na iyon. Swerte ko at ako ang nakauna sa lahat ng mga una niya, pinagmamalaki ko ang bagay na iyon.

"K-kay L-linda.." Utal niyang sambit.

Si Linda ay naging nobya ko noon ng halos dalawang taon at dalawang beses lang may nangyari sa'min. Hindi ako ang nakauna dito at alam ko na madami na din itong naging karelasyon. Pero magkaibigan pa din kami ni Linda hanggang ngayon.

"Paano mo siya nakilala?" Inangat ko ang baba niya para tumingin siya sa'kin, naiilang pa din siya sa'kin.

"Sa parke, bumili siya ng kakanin sa'kin." Napakurap siya.

Mahina kong pinisil ang baba niya.
"Masarap ba?"

"A-ang alin?"

"Ang halik ko." Ngumisi ako ng mag-iwas siya ng tingin sabay tango niya ng mahina.

"O-oo..." Pagkasabi niya ay akma kong hahalikan ang labi niya nang mabulabog kami ng malakas na katok mula sa pinto. Paulit-ulit ito sa pagkatok at parang nagmamadali.

Tangina! Mapapatay ko kung sino man ang hinayupak na istorbo!

"Sandali!" Galit kong sabi na agad naman nakababa si Disney sa lamesa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LANCE CORDOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon