10- cellphone

6 0 0
                                    

Happy reading ...

****************************************


Nadischarge na ako sa ospital. tinutuhanan talaga nila mommy at daddy ang pag adopt sakin, kaya dinala nila ako sa kanilang bahay. Nong una nag hesitate akong pumasok kasi naninibago ako sa environment pero pinagpatuloy ko na lang. Malaki ang bahay samantalang yong sa amin maliit lang, kasya kami ni lolo.

"we're home! I hope you like it here dear" sabi ni daddy na nakabuka yomng arms niya sabay ngiti sakin. nag smile na lang ako kay daddy at iginiya nila ako sa aking bagong kwarto. pinat ni mommy yong shoulders ko at umalis sila para magpahinga.


"totoo ba to? lolo miss na kita. May purpose ba ang pagkamatay mo? Oo nakuha ko na ang pinakainaasam asam ko na magkaroon ng buo na pamilya pero kailangan bang isakripisyo pa ang buhay mo? Kong alam ko lang na mawawala ka nang dahil sa kahilingang yon ay sana di ko na lang hiniling yon lolo. Kasalanan ko to lolo. Sorry lolo. Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko at ang sumasagasa sayo. Magtotoos kami pangako ko yan lolo. Sa oras na malaman kong sino siya magbabayad at magbabayad siya sa pagkawala mo" a tear fell from my eye at hinug ko ang malaking teddy bear na nasa gilid ng bed ko. Malaki siya 30" tapos kulay brown na may green scarf sa leeg.


Kinabukasan ay pumasok na ako sa school. Tinanong nila ako kong bakit ako absent nong mga nakalipas na araw ay wala akong imik. Di rin ako umiimik pag kasama ko sina bessy at tummy. Inaasar at sinusungitan ako ni damuho pero hinahayaan ko lang siya kaya sina bessy lage ang nagkakapikonan kasi pinagtatanggol niya ako sa pangit na yon. Pagkauwi ko ay pumasok ako sa kwarto. May nakita akong baul sa paanan ng aking kama. andun na rin yong karton at iba kong mga gamit. Sa taas ng baul ay may papel na may sulat

"nak, pinakuha namin sa mga katulong at driver yong mga gamit mo. pasensya ka na ha at kailangan naming umalis ng daddy mo. We will be away for a week kasi pupunta kaming Europe for business matters at yong sa adoption mo ay ang lawyer na namin ang bahala don. Mag iingat ka at kong may kailangan ka ay sabihin mo na lang sa mga katulong natin sa bahay at sila na ang bahala sayo. Nag iwan din kami ng credit card para may magamit ka kong pupunta ka ng mall - love mommy" hay, nagbago na talaga ang buhay ko at the same time masaya ako. kasi may nag aalala nang mommy para sakin kaso busy nga lang, atleast meron. Binuksan ko ang baul. Kinaykay ko yon. May nakita akong photo album, envelops at cellphone? MAY CELLPHONE SI LOLO?!! at agad ko yong kinuha at pinindot. Naka off siya, naghanap ako ng charger pero walang charger don 'paano nagkakaroon ng cellphone si lolo ni di nga siya marunong gumamit ah? nakakapagtataka naman' sabi ko sa aking isipan. Umalis ako. Dala dala ko ang phone at nagtungo sa mga katulong sa bahay.

"Ate, excuse po. May charger po ba kayo sa ganitong model ng cellphone?" tanong ko sa kanila.

"patingan nga. ay oo hija meron ako nito. teka lang at kukunin ko. mag antay ka na lang dito sa kusina" sabi niya at iniwan ang dalawa pang kasama niya.

"bakit hija asan ba ang charger ng cellphone mo?" tanong nong isa pang katulong nila mommy.

"ah eh kasi po nasira ko po kasi nong Sabado habang naghaharutan kami ng bestfriend ko" pagsisinungaling ko sa kanya.

"ganun ba ? sayang din yon hija wala ka nang gagamitin" sabi niya at nag smile na lang ako

"o hija o. saktong sakto at magkapareha tayo ng cellphone" sabi niya

"maraming salamat po" nag bow ako at tumakbo patungo sa kwarto ko.


Dali dali kong chinarge ang phone. in-on ko yon at tinignan ang background picture. 'pamilyar sakin tong babaeng to ah' pumunta ako sa inbx at nakita ko ang mga pangalan na nakasulat sa nag message kay lolo. Sa gulat ko ay napaawang ang akong bibig. "Merna Alumbre" nasabi ko rin ang pangalan niya. namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. PANGALAN YON NI NANAY!! binasa ko ang last na text niya. "tay! nabalitaan ko po ang nangyari sa inyo. Patawarin nyo po ako tay. Wala po akong magawa. Iki-claim ko sana ang mga bangkay nyo kaso kin-laim na tong batang babae na inalagaan nyo. Patawarin nyo po ako" sabi niya sa text. Umagos ang mga luha ko. 'batang babae? anong ibig niyang sabihin?' nalilito ako sa sinabi niya. binasa ko pa yong ibang text niya.

"tay, diba sabi ko naman sa inyong ipamigay mo ang babaeng yan sa sanggol pa siya. Bat di po kayo nakikinig sakin? tapos ngayon sasabihin mong hinahanap nya ako? Di ko kailangan ang batang yan" sabi pa ni nanay. Ang sakit. Bakit siya ganon? buong buhay ko pinangarap ko na makasama siya pero ayaw niya pala sakin?

"tay, may pinadala po akong pera sa bahay nyo. Iniwan ko po sa mesa" laging pinapadalhan ni nanay si lolo ng pera? how come na di ko alam?

"tay! diba nag usap na tayo dati pa? na wag na wag mong sasabihin sa batang yan ang totoo. manganganib ang buhay mo. Di magdadalawang isip ang amo ko na patayin ka. Please po tay makinig ka sakin" hindi hit and run ang nangyari kay lolo?

"tay! umalis na po kayo sa bahay! Nalaman ng amo ko na ilalantad mo sa tunay na mga magulang ng batang yan ang totoo. PAPATAYIN KA NILA" at nahulog ko ang cellphone na hawak hawak ko. nanginginig ang mga kamay at labi ko sa imprmasyong aking nalaman. MURDER ANG IKINAMATAY NI LOLO!


**********************

ZUP ZUP ZUP ! natapos din ang chapter 9

- angee xoxo :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reality I dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon