7

27 1 2
                                    


************

Chapter 6

"WAAAAHHHHHH" nagising ako sa sigaw na yon. Pagmulat ko ay mukha ni..ni Shanon? Ang nabungaran ko. Ganon din siya. At..at NAGKAYAKAP kami? Seryoso? Paano?

*FLASHBACK*

Walang hiya naman ang tadhana ! napaalis pa ako sa loob ng silid aralan nang dahil sa unggoy na to. Bwiset siya? Kung makasigaw ba daw naman? Baliw ata. Mahina lang naman ang pagkakurot ko ah? OA lang masyado. Hmp! Siya na makinis. Kutis babae -_- at ako? Wag na nga lang. sinusundan ko siya ngayon. Kesa naman mag solo flight ako? Kami nga dalawa ang pinalabas diba?

*lakad*

*lakad*

*lakad*

"why are trailing me?" tanong ni unggoy

"correction, tailing po. Not trailing. Mukha kang amerikano di ka marunong sa grammar?" pang cocorection ko sa kanya. Totoo naman diba?

"sino naman may sabi sayong ang mga amerikano sumusunod sa ensaktong grammar sa English? Uso na yon no" pagdadahilan nya. Nasa likuran pa rin ako pero humarap siya so para nasa harapan na ako niya? Hahah.

"ah basta mali ang English mo!" defend ko pa din sa sinabi ko

"whatever, mga Pilipino pasikat" sabi nya. Whatttttt? Anong sabi nya?

" ANO?????????? SINONG PASIKAT????????" oopsss. Sorry naman. Bugso ng damdamin eh. Napasigaw ata ako?

"ikaw" kalma lang nyang sabi? Ang kapal ng mukha! Ahas siya ah. Kung makakakita talaga ako ng ahas ibubuhol ko talaga silang dalawa. Kainis. Pero Kurt, mag isip ka nga? Bakit naman ahas -_- ? aba malay ko. Yon lang lumabas sa utak ko eh.

"URGHHHH" sigaw ko na lang. nafrufrustrate ako ! grabe naman makabara ah? Bakit nabara ako? Naglalakad pa din siya. Nakapunta kami sa likod ng school. Seryoso? Bakit may damuhan dito? Parang don lang sa story ni purpleyhan na a ride to love ah? Hoy sino man ang manunulat nito wag ka naming magnakaw ng idea ng iba. Plagiarism yon eh. Ayokong makulong ha? Out ako dyan. Anyway. Nagugutom na ako. Bakit ba lakad ng lakad ang unggoy na ito? Wala akong baon eh. Kasi naman hindi ko pa inabot yong baong bigay ni mommy. Di rin ako nakabili sa cafeteria kasi diba sinusundan ko siya? Anong oras na ba? Hala? 10 pa lang? ano ba.

Huminto si unggoy. Magpapahinga ata siya. Pero mali ako eh. Humiga siya at natulog? Grabe. At ako ngayon? Op?

*sundot*

*sundot*

Sinundot ko siya. Naka upo na rin ako katabi niya. Malamang. Alangan naming nakasundot ako na malayo diba? Malapitan dapat.

"hmm" murmur niya.

"wag kang matulog unggoy, wala akong kausap" sabi ko.

"kelan pa ako nakigpagusap sayo?" tanong nya na nakapikit. Ang sungit.

"uhm, ngayon?" pilosopo kong sabi

"ewan ko sayo" sabi niya at hindi na umimik pa. AMBORINGGGGG

*AFTER 2 HOURS*

Ang boring talaga. Masundot nga "ue unggoy gising" sabi ka na sumusondot pa rin.

"hmm. Wag ka nga" sabi niya at umupo. Ang pula ng mga mata niya. Parang adik lang.

"Kanina ka pa natutulog eh. Anong oras na oh?" reklamo ko sa kanya

"hmm, alas dose" pamimilospo niya. Kainis. Binatukan ko. Bahala siya

"aray! Wag ka ngang mambabatok. Feeling close ka naman." Sabi niya. Inirapan ko na lang. ang sungit eh.

Maya maya ay inilabas na nya ang lunchbox niya. *kruu kruu* grabe gutom na talaga ako. Kumain pa talaga ako ng damo kanina para lang mawala gutom ko. Pero herbal kinain ko ah? Hindi ako kambing o baka. Iba pa naman laman ng utak nyo. Tumabi ako sa kanya. Naweweirduhan siya sakin pero wala na akong paki alam pa. binuksan na niya ang lunchbox at kinuha ko agad ang kutsara nya. Mwahahaha. Beybi pakapalan na ito ng mukha. Wohoho.

The Reality I dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon