4

10 0 0
                                    

Nagtago kami. Langyang damuhong yan. Sinundan pa talaga kami dito sa hardin? Bakit kaya siya andito? Nakita ko naman na hindi cya estudyante kasi naka civilian wear lang siya. Hindi siya naka school uniform obviously.

"bat hindi mo pinigilan sarili mo bessy? Ayoko pang mamatay sa ginawa mo" bulong ko sa kanya.

"sorry naman. Ayoko kasi na may nang aagrabyado sayo" aww. Tweet tweet. Kaso hindi ngayon ang oras para maging sweet!

"shhh, hinaan mo boses mo at baka marinig tayo" bulong ko padin. Biglang

"HOY! Anong ginagawa nyo dyan?" Linktek!

"WAAAAAAAAAH!!!" sabay naming sigaw dalawa ni bessy.

"langya ka bakit ka nanggugulat unggoy ka!!!" hinahampas hampas ko. Lintik sumabog kaluluwa ko non.

"sa ano nga ang ginagawa nyong dalawa ba ha?" tanong uli ni Gerald.

"nagbulong bulongan gusto mo ? psh . wag ka ngang maingay, *hila paupo* nagtatago kami kasi may balahurang demonyo ang naghahanap samin"

*confused look here*

"ano bang pinagsasabi mo dyan ha shana? Wala naming ibang tao dito sa school kundi tayo lang."

*goose bumps here*

nagkatinginan kami ni bessy

"WAAAAAAA" langya, anong ibig sabihin nito ? na minumulto kami? Maya maya may narinig kaming sumigaw

"WHERE THE HELL ARE THOSE CRAZY BITCHES!!" tinakpan ko ang bibig ni bessy hinawakan ni Gerald ang mga kamay nya. Mahirap na. baka magsalita at sugurin nitong amazonang to. Double dead na talaga kami nito pag nagkataon. Hindi pala kami minumulto kasi totoong tao yun. Haaay

"meron ngang tao rald, wag ka ngang manakot.Akala ko pa namang minumulto kami pucha" Napamura ako ng di oras.

"sencya naman. Diko napansin e" maya maya may humila kay bessy patayo. Wala na patay na talaga kami. Padilim na kasi mga 5:45 pm na kami natapos.

"THERE YOU ARE!!" sabi nya na naka smirk. Mahigpit ang pagka hawak nya sa braso ni bessy.

"AND SO?" palaban na sagot ni bessy.

"SO? YOU ARE GOING TO PAY FOR WHAT YOU DID!!!" taray, walang katapusang englishan na ba to mga tol? Easy nga, naubusan nako ng English e. Refill pls.

"I DID NOTHING ON YOU BASTARD SO I GUESS I DON'T HAVE TO PAY ANY??" wala na. out of place na talaga ako nito.

"YOU THINK SO? THINK ABOUT OF WHAT YOU DID EARLIER. I GUESS YOU JUST PUNCH MY EVER FLAWLESS AND HANDSOME FACE"

*wants to vomit*

uh so bakla to? Pucha may flawless pang nalalaman ah. Diba pang babae lang yon?

*touches face*

langya. Nacoconcious tuloy ako sa mukha ko. Flawless ba ako? Di bale titingin na lang ako sa salamin mamaya. Back to reality, ayan na, sumagot pa talaga si amazonang Kurt

"tss. Are you gay or something? I guess FLAWLESS word is for girls only and not to a guy like you. Oh I must say maybe you really are a gay and just pretending to be a guy *insert smirk here*" hala hala. Namumuo na ang tensyon sa pagitan ni maring Kurt at ni demonic. Oh well, demonic na lang since di ko kilala si damuho e. Si Gerald? Ayon nakikinig lang. never siya sumasawsaw sa usapan ng may usapan. Di ko pa nga nakitang nakipagbasag ulo yan ee. Good boy ata. Ideal guy ko. Hihihihihi :')))) . langya lumalandi ang lola nyo. Diko mapigilan ee. Kasi naman kahit ganyan yang si Gerald gwapo din naman yan ah?. Teka, makikinig muna ako sa usapan ng mga manok dito. *umismid ng konti*

"WHAT DID YOU JUST SAY?? *hablot sa panga ni maring Kurt*"

hala.

"you think I'm afraid of you? Goodness, you must underestimating a girl's ways. *wider smirk here*" si Gerald nakatingin lang. ano ba yan, siniko ko. Aakma na sana siyang tulungan si kurt ng ngumiwi sa sakit si demonic

"OWWW, YOU!! OUCHHH!!! *sabay hawak sa you know*"

"yan. Yan napapala ng mga lalaking pumapatol sa babae. Masakit ba? At tsaka. Wag mo nga akong English englishin, pucha tapos na ang klase. Free na kaming magtagalog. Feel mo naman atang magsalita ng ganyan like heleeer? Pilipinas po to di po ito amerika. Kong ayaw mong mag tagalog bumalik ka kong saang kweba ka galing lintik!!" at tsaka nya hinablot kami ni Gerald sa magkabilang kamay nya. Tumatakbo kami paalis. Nakakahingal na yong takbo namin.Puro na lang kami takbo ngayong araw. napapansin ko lang. kaninang umaga nagtatakbo kami. Tapos ngayon tumatakbo pa rin. Ano ba yan. Nakakaubos ng energy ha.

"teka nga, napapagod na akong tumatakbo, anu ba yan . pwede pahinga?" reklamo ko. Feel ko wala na akong ka oxy-oxygen sa katawan sa kakatakbo.

"psh, cge na nga" at tsaka siya lumingon kay Gerald


"WALANGYA KA BAKIT DI MO KO TINULUNGAN UNGGOY KA KALALAKI MONG TAO! BWISET. SUMASABOG NA KALULUWA KO DON. BUTI NA LANG AT MAY BAON PA AKONG LAKAS AT NASIPA KO PA ANG LINTIK NA*TOOT* NG KAPRENG YON!!" hahaha. nagawa ko pang matawa sa sinapit namin. Yan mapapala mo kay maring Kurt minsan e. Pumuputak ang bibig.

"DI KO NAMAN AWAY YON AH, TSAKA MAG USAP NGA KAYO NG MATINO DI YONG DINADAAN NYO SA BAYOLENTE. TSAKA BLACK BELTER KA NAMAN NA E. KAYANG KAYA MO NA YON" aahh? So ganon? Rumarason?


"DI PORKET BLACK BELTER AKO NG TAEKWONDO AT JUDO E KAYA KO NA YON. KAPRE PO IYON! KAPRE! ANG LAKAS KAYA NG PAGKAHABLOT NYA SA MAGANDA KONG MUKHA. MALAKAS ANG BALAHUBAS NA YON. KAMPON ATA NI SATANAS ATA YON EE. BAKLA KA BA HA?!!" OH? Below the belt na yon (*_*) shockness. Inis na inis na cguro si bessy. Di na niya alam kong anong pinagsasabi niya.

"kong iyan ang iniisip mo. Wala na akong magagawa don" mahinang sagot n Gerald at umalis papalayo samin.

The Reality I dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon