Chapter 11 MarCko's Date (Iyko and Margaux)

265 6 1
                                    

Iyko's POV

Papasok nako sa bahay nila Margaux hala! Paano ko ba siya yayain kung palagi kaming may bangayan ! Tss

Bahala na si Batman._

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito ha! Abnormal ka talaga !" Pang bungad ni Margaux.

"Di naman masamang hangin ang nagdala sakin dito eh, yung kotse ko, paa at puso pati narin ang utak ko ang nagdala dito sa akin. Di naman na bago yun eh"

Bigla siyang namula sa sinabi ko hahaha.

"Tara na"

Sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya, pero binitawan niya rin

"Ayoko nga!"

"Kanina lang kinikilig ka tapos ngayon ayaw mo na?" Pang aasar ko sakanya

"Pogi mo ha, kapal mo bahala ka!"

"Salamat!"

Sinaraduhan niya ako ng pintuan pero pumasok ako sa kabilang pintuan nila hahaha.

Tinuro ng katulong nila kung saan siya nag kwa- kwarto kaya umakyat ako dun sa bedroom niya.

Nakita ko siyang nagsusuklay habang naiinis, kung ano ano pang sinasabi hahaha.

"Akala mo kung sino, pogi lang siya yun lang yun. Mayaman, pogi medyo matalino siya pero may sayad urgh! Ano ako easy to get lang? Tss.!"

"Salamat!" Nginitian ko siya

"Ba- Bakit ka nandito sa kwarto ko!!"

"Mag Iinarte ka pa tara na!"
Binuhat ko siya pababa hahaha sigaw siya ng sigaw.

Sinakay ko siya sa kotse haha

"Hoyy Ibaba moko dito! teka marunong kaba mag drive!" -Margaux

"Sumama ka nalang !"

"Hindi naman ganito yung gusto kong maging date eh !!"

For sure magugustuhan niya kung saan kami pupunta. Napaka rami niyang reklamo hanggang sa nakatulog nalang siya. Ang ganda niya lalo. Masungit pero okey narin.

Sa wakas nakarating kami sa MOA Sa may Seaside.

Maganda ang view dito.

"Where are we now?"

"You can open your window"

"MOA? Gusto ko pumunta sa Star City, Wag kang mag rereklamo. Sapilitan moko dinala dito kaya sumunod ka sakin"

Para siyang bata haha

"Tara na nga"

"Ikaw pa napilitan?"

S T A R C I T Y

"Ang gaganda ng mga lights lalo na gabi. Wait, Nasaan yung phone ko!!?"
Kinapa niya bulsa niya

"Naiwan ko!!!"

"You can borrow my phone, if you want"

"Pahiram nga"

Binigay ko yung phone ko.

"Gusto moko pero di ako ang wallpaper mo!"

"Akin na papalitan ko na!"

Inagaw ko sakanya yung phone ko at ipinalit ko yung picture niya sa wallpaper ko

"Happy?"

Courting the Bitch Sister of the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon