Chapter 06
Faye and Yaya Celsa
Natuloy nga kami ni Hale at ng mga bata sa pamamasyal sa mga sikat na pasyalan sa Vigan. Dinala ko na rin ang phone ko na bigay sa akin ni Hale para makapag-picture din for memories. Kasama din namin sina Yaya Celsa para may tumingin din sa kambal bukod pa sa driver at ilang bodyguards. Palaging may kasamang driver/bodyguard si Hale kapag umaalis siya ng bahay at pupunta sa trabaho o kung saan pa. Maging ang mga bata ay may bodyguards din sa pagpunta nila sa school. I think it's understandable since Hale wasn't a small time businessman. His company was already big aside pa sa mga minana niya rin na mga ari-arian sa pamilya niya.
"Give me your phone, I'll take your pictures." ani Hale.
Medyo nahihiya naman akong binigay sa kaniya ang phone ko. We were currently at Calle Crisologo. Ako pa talaga ang nag suggest na pumunta kami rito dahil nabasa ko na ito noon sa isang libro. Kilala ang Vigan for its well-preserved Spanish colonial town, historical tourist spots, at masarap din talaga ang pagkain at delicacies nila dito. Kaya nga pakiramdam ko ay busog na busog pa rin ako sa kinain namin kanina dito. Masarap ang Empanada nila 'tsaka Bagnet. Natuwa talaga ako sa pamamasyal namin.
Pumuwesto na ako doon matapos kong ibigay kay Hale ang phone. Pagkatapos ay kinunan na niya ako ng pictures. I just hope I wasn't too awkward in those shots dahil nahihiya rin talaga akong mag-pose. At siguro hindi rin ako marunong. Pero gusto kong magkaroon ng pictures that I can keep for memories.
"Here, look at it." Binalik sa akin ni Hale ang cell phone ko pagkatapos.
Tiningnan ko naman ang mga kuha niya sa akin na mukhang ang gaganda pa ng anggulo. Siguro ay pwede rin palang Photographer si Hale? Hindi ako familiar sa pagkuha ng pictures pero nakikita kong maayos naman ang mga kuha ni Hale. Ang talented naman niya. Kahit ang dami pang mga tao dito ay hindi iyon naging sagabal para makakuha siya ng magagandang pictures. Sana nga ayos lang talaga na nandito kami ngayon sa mataong lugar at hindi naman maging threat sa safety nina Hale at ng kambal.
"Sir Hale!" May iilang tao din na lumalapit sa kay Hale para bumati. May mga matatanda at mas bata rin. Kilala pala talaga ng mga tao dito ang pamilya nina Hale and they respect them. Napangiti nalang ako sa kabaitan na pinapakita ng tao kay Hale at sa pamilya niya. Tingin ko naman ay deserve din iyon ni Hale who was also politely giving back the kind greetings.
"I'm tired." Narinig kong reklamo na ni Gelo. At sinundan pa iyon ni Angel na nagsasabi na rin na pagod na siya. Sabagay ay mukhang kanina pa nga kami namamasyal.
Lumapit ako sa kambal at nginitian silang dalawa. "Pasensya na at mukhang natagalan tayo dito dahil sa akin... Uh, saan n'yo gustong sunod na pumunta?" I tried asking them.
Gelo shook his head. "I want to go home."
"Me, too." segunda rin ni Angel sa kakambal.
I sighed a little. And then I stood up properly after talking to them. Pagkatapos ay nilingon ko naman si Hale na mukhang tapos na rin makipagbatian sa mga tao. Lumapit na ako agad sa kaniya. Sinalubong naman niya ako. "Uh, Hale, pagod na ang mga bata kaya mas mabuti sigurong tapusin na natin ang pamamasyal at umuwi na..." I told him.
Hale looked at the twins who both looked away when their dad looked their way. Nang binalik sa akin ni Hale ang tingin niya ay ngumiti siya sa akin kahit mukhang may pag-aalala rin sa mukha niya. "Are you satisfied with today's visits to few places here? Konti pa nga lang ang napupuntahan natin."
Pero umiling na ako kay Hale. "Ayos na ako. Nag-enjoy na ako, Hale. Dapat siguro iuwi na natin ang mga bata at parang mas lalo pang dumadami na rin ang mga tao dito." I looked around.
BINABASA MO ANG
Our Married Life
RomanceThinking about how her future probably would end up, Lizette proposed a marriage of convenience to the esteemed businessman, Hale Salcedo. Liz is a love child and when her birth mother died of sickness she lived with her father and its family. Now...