Pasensya na po sa sobrang late na update. Busy lang po sa paghahanda sa JS. Si Adler po yang nasa gilid.
VOTE-VOTE DIN PAG MAY TIME =]
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Adam's POV
Hindi ko pa rin pinapansin si Adler kahit nakatayo na siya sa harap ko. Nagpapatugtog pa rin ako ng gitara na parang walang tao sa gilid ko.
Bumuntong hininga muna siya tsaka nagsalita. "You have to talk to me, Adam" sabe saken ni Adler.
"I don't want to." Pagmamatigas ko tsaka nilakasan yung pagtugtog ng gitara.
Umupo si Adler sa katabi kong couch. "It has been 2 years," malungkot na pagkakasabi niya.
"It's too soon Adler" sabe ko ng may halong sama ng loob sa kanya.
"You think so?" pagkasabe niya nun saken ay biglang kong hininto ang pagtugtog ng gitara. Naiinis ako sa kanya ng malaman kong hindi pala talaga siya nagbibiro ng sinabe niyang magpapakasal na siya.
Hindi ako makapaniwala that my brother would agreed to an arrange marriage.
Adler's POV
Pumunta ako sa silid ni Adam at nakita ko siyang nagpapatugtog ng gitara niya. Alam kong masama pa rin ang loob niya saken.
Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "You have to talk to me, Adam."
"I don't want to." sabe niya kasabay ng paglakas ng tugtog niya sa gitara.
Umupo ako sa katabing couch niya. "It has been 2 years," malungkot kong pagkakasabe.
2 taon n rin ang nakakalipas simula ng mawala si Maryse. 2 taon na rin akong ganito. 2 taon na rin akong nangungulila.
"It's too soon, Adler" sagot niya.
"You think so?" pagkasabe ko nun ay bigla nyang hininto ang pagtugtog niya.
Pumayag ako sa isang arrange marriage dahil alam kong makikinabang ng husto ang kompanya ng step-father namin na si Keith Castronuevo kung magpapakasal ako kay Glanys Castaneda Tiamson. Pero bukod dun, gusto kong subukan.
"She's a Castaneda and a Tiamson. Both family are formidable players in the business world. They are included in the top ten wealthiest family in the country"
Muntik ng maihampas saken ni Adam ang gitara niya.
"Marriage is not about business mergers. Naririnig mo ba Ang sarili mo ngayon Adler? Pakakaslan mo Ang babaeng Hindi mo pa nakikilala?" sermon saken ni Adam.
"Kaya nga kikilalanin ko muna sya. Kaibigan ko Ang kuya niya. Tulad mo, tutol rin Siya sa gusto Ng lolo niya at ni Tito Keith. Naiintindihan ko naman kung Bakit. She's his baby sister and he knows about Maryse. Pero Wala namang masama Kung susubukan namin ni Glanys na kilalanin Ang isa't isa." Nagkibit balikat ako. "Malay mo?"
Adam's POV
Nahihirapan talaga akong maniwala na Pumayag Si Adler sa gaanong arrangement. Sa aming dlawa, ako ang madaling mauto kahit noong mga bata pa kami. Ako rin Ang padalos-dalos. Hindi nagpapamanipula Si Adler kahit kanino. Kahit pa sabihing malaki Ang utang na loob namin Kay Tito Keith, Hindi naman yata tamang kabayaran Ang future ni Adler.
Marriage was not a joke.
.. And he was still in love with Maryse.
"Ito ba ang paraan mo ng pagbabayad ng utang na loob kay Tito Keith?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/2031637-288-k379262.jpg)