The best.
"Ano yun?" tinignan ko siya hanggang sa maka-upo siya. Kitang kita ang suot niyang damit dahil sa puti nito.
"Ang alin?" Sagot niya. Minsan ganyan talaga siya sumagot, maikli pero gusto mo pa din siyang kausap.
"Yung kanta. Yung kinanta mo."
"Yun ba? Hindi ako yung kumanta. Pinagsasabi mo." umiwas siya ng tingin at binaling sa ibang direksyon ang mga mata niya.
I rolled my eyes. Edi siya nang mataray. Ganyan naman talaga simula noon. Hindi ko nga din alam kung bakit naalala ko siya kanina. Weird.
"E saan galing yung kanta?" Tanong kong muli sa kanya. Humarap na siya habang nagstretch ng katawan.
"Hindi mo ba naririnig? Ayan, galing diyan." tinuro niya yung isang side ng plaza kung saan may nagaganap na mini concert galing sa isang live band. I shook my head for being such a stubborn. Hindi ko man lang napansin sa kakaisip kanina.
"Ako naman ang magtatanong, bakit umiiyak ka?" Tinignan niya ang mukha ko dahilan para yumuko ako. Panigurado tatawanan niya ako kapag nalaman niya ang dahilan. Sasabihin niya na I told you so at kung anu-ano pa.
"Wala, wala." Ako naman ang umiwas ng tingin sa kanya. Ayoko siyang tignan dahil baka maiyak na naman ako.
"Hindi ka kasi nakinig saakin." Hinintay kong matawa siya pero hindi man lang siya tumawa kahit kaunti. "Akala mo siguro hindi ko nakita, nakalimutan mo pa ngang magbayad sa taxi diba?" seryoso pa din ang boses niya.
"Paanong—-"
"I told you I'm your star. Hindi mo man nakikita pero nandiyan." Yumuko ako ulit pagkatapos niyang sabihin yon. Tama siya, magtataka pa ba ako e matagal na niyang ginagawa
ang bagay na yon."Ikaw din, masakit sa loob 'yan kapag hindi mo pa nilabas." sumenyas siya tungkol sa pag-iyak ko. Ayoko umiyak sa harap niya dahil kung nakinig lang sana ako sa kanya hindi ako sana nagkakaganito.
"I'm sorry." he said. Napatingin ako agad sa kanya.
"No, no. Bakit ka nagsosorry?" I said. Hindi ko napansin na nakatingin na pala ako sa kanya.
"Sinumpong na naman ako kanina ng mood ko. Nabadtrip ka tuloy." Ah I remembered that moment kanina noong pinapili niya ako. At some point nainis ako doon pero mas nakakainis ang nangyari kina Gian.
"Ako ang dapat magsorry." Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko. "I told myself na hindi na ako aasa kay Gian pero umasa pa din ako and I'm sorry kung hindi ako nakinig sayo noong sinabi mo na wag na akong pumunta doon. I'm sorry kung hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin ang paghahanap sa mga magulang mo, I'm sorr——"
He smiled.
That smile of him na ngayon ko palang nakita.
"I accept your apology." again, he smiled.
Bakit ang bait bait niya saakin? Lalo akong naguguilty kase palagi niya akong nililigtas at tinutulungan pero siya hindi ko man lang matulungan ng maayos. Maliit na bagay lang naman ang hanapin ang mga magulang niya pero hindi ko pa magawa. For the first time naawa ako sa kanya dahil narealize ko ang palagi niyang sinasabi saakin na ako lang ang kakilala niya dito at ako lang ang nakakakita sa kanya.
Hindi ko alam ang mangyayari kung wala si Alvin sa mga panahon na kailangan ko ng tulong.
"I'm sorry, hindi kita matulungan." I cried. Hindi ko na mapigilan.
"Walang kaso saakin 'yon Julia. Basta huwag ka lang malungkot. I told you na ang mga kagaya mo hindi dapat nalulungkot." he paused. "So ngayon, pwede na ba tayong bumalik sa dati? Huwag yung ganito na malungkot ka."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a GHOST?!
RomanceLife is short as they always say. Paano kung may makilala kang isang tao na magpapabago sa buhay mo? Pero mawiwindang ka dahil hindi siya normal kagaya mo. Because he is actually a GHOST! A ghost without his memory, a ghost who only remembers his...