"Forever fail."
Julia Lei Perspective
Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ni Alvin kanina. May nagawa na naman ba ako? Nawala lang siya kanina, ngayon nagkaganyan na siya.
"Lei, nandito na sundo mo." ang bungad ni papa pagkababa ko sa hagdan.Dali dali akong naglakad papunta sa pintuan para silipin kung nasa labas na nga si Gian.
"Nandito siya Lei. Anong tinitignan mo diyan?" natatawang sabi ni Kuya. Nakaupo sila sa sofa. Ang tanga ko ni hindi ko man lang napansin si Gian sa Sala. Mukha tuloy akong ewan sa may pinto.
Lumapit ako sa kanila at narinig ko agad si papa na sinabing, "11:00 dapat nakauwi na yan." May pagbabanta sa boses niya. Napakunot ang noo ko "psssh hahaha" Ayun nagtatawanan sila ni kuya. Parang mga baliw lang. Tinignan ko si Gian at saka ngumiti, grabe nakakahiya yung ginagawa nina papa sa kanya.
"O sige na umalis na kayo para makabalik din kayo ng maaga." Tumayo na si papa at hinatid kami sa labas. This is it. Chin up Julia. Chin up.
"Thank you po sir. 11:00 pm." huling sinabi ni Gian bago kami sumakay sa sasakyan nila. This is my first time na lalabas ng hindi sina papa at kuya o si Nick ang kasama ko. Iba ngayon dahil si Gian 'to. Sana maging maayos yung gabing 'to. Dahil kinakabahan na talaga ako.
"Hey, relax ka lang, parang binuhusan ka ng malamig na tubig." bigla akong napalingon kay Gian, tama siya. Wala naman sigurong dapat ikakaba. Sa kanila lang naman kami magdi-dinner. Maliban sa kanya, mama lang niya ang kasama niya sa bahay. Ano kayang personality ng mama niya?
One, baka sobrang strikto. Yung tipong teacher sa taray na sobrang mapili sa babae. Two, pwede ding sobrang bata pa yung tipong parang kapatid lang niya si Gian, tama tama malakas ang pakiramdam ko na ganito yung nanay nya. Sana nga.
Pero teka, pwede ding yung tipong hindi nagsasalita at masama kung tumingin. Erase erase. Hindi naman siguro ganun. Mabait naman kahit papaano si Gian kaya hindi ganun.
"Anong iniisip mo?" nabigla ako sa bulong ni Gian. Akala ko si-- hindi ko muna babanggitin yung pangalan niya ngayon.
"Wala, umm naisip ko lang na parang masyado namang maaga na ipapakilala mo ako agad sa mama mo e hindi naman tayo." hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya ang gwapo niya kasi ngayon.
"Bakit? gusto mo maging tayo na?" nakangising sabi nitong kausap ko.
"Ah hindi hindi gano'n yung ibig kong sabihin." tumawa siya at nagseryoso ulit.
"Gusto lang kita ipakilala, masama bang ipakilala na kaibigan kita? At saka matagal ka ng kilala ni mama." medyo napangiti ako sa huling sinabi niya,
Napalingon ako sa bintana at nakita ang isang malaking bahay. Parang mall, ang haba. Plain white lang ang pintura at may garden.
"We're here." lumabas na si Gian at pinagbuksan ako. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko. Sana yung pangalawa kanina ang personality ng mama niya. Sana maging okay ang gabing 'to, nasira na ni Mr. Whitey kanina ayoko nang madagdagan pa. Sinabi ko nga palang hindi ko muna babanggitin ang pangalan niya.
"Relax, kasama mo ako." nakaramdam ako ng assurance sa sinabi ni Gian. Well, come to think of it, wala naman akong dapat ikatakot diba? Magkaibigan lang daw, "friends" kaya dapat hindi ako kabahan dahil hindi naman ako girlfriend na naghihintay ng approval ng nanay niya.
Sinalubong kami ng mga kasambahay nila. Bumati sila at bumati din ako siyempre.
Sumenyas sa kanya si Gian at parang nagets naman agad nung kasambahay nila, "Nandoon po sa garden hinihintay na po niya kayo kanina pa."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a GHOST?!
RomansaLife is short as they always say. Paano kung may makilala kang isang tao na magpapabago sa buhay mo? Pero mawiwindang ka dahil hindi siya normal kagaya mo. Because he is actually a GHOST! A ghost without his memory, a ghost who only remembers his...