My wishlist is a dream come true!
Saturday
Julia Lei's Perspective
I knew it! Sabi ko na nga ba may nakalimutan ako kahapon pa. Jeez. Bakit ngayon ko lang naalala?!
Inayos ko na yung buhok ko at kinuha yung bagpack ko. I know I’m late. Kinapa ko ang bulsa ko.
“What the heck?!” bumalik ako sa kwarto ko at kinuha yung isang cellphone ko. Bakit pa kasi nahulog yung isa nung isang araw!
Lumingon lingon ako sa paligid ng kwarto ko, “wala na sigurong naiwan.” I whispered.
Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. “Me,” He said with a very serious tone.
Him? Bakit naman? “What are you talking about?” nagmamadali kong sinabi. Dire-diretso ako palabas ng kwarto.
“Me, Naiwan. Diba sasama ako sayo?” Oh Alvin. Not now please.
“May sinabi ba akong gano’n?” pababa na ako ng hagdan at sunod pa din siya ng sunod. Wala namang ibang tao dito kaya ayos lang kahit kausapin ko siya.
“Wala, but you told me na sasagutin na natin mga tanong ko.” Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya staring at me like a child. Napaka-moody niya. More of the times para siyang childlike. Pero minsan lang.
“Yes. Sinabi ko nga ‘yon. Pero hindi ba pwedeng gawin ang mga bagay na dapat kong gawin? It takes time.”
I told him. Ngayon ay nasa living room na kami. I stopped.
“Kahit na.” Tumalikod siya at nagkamot ng ulo. Inayos ko na ang bagpack ko at sinuot ang rubber shoes.
“Saan ka ba pupunta? Sasamahan kita.” Pagvovolunteer niya.
“Sa school. May papanuorin ako. Late na ako, aalis na ako.” Binuksan ko ang pinto at gaya ng inaasahan ko, kasama ko pa din siya hanggang sa labas.
Late na ako sa ganitong kalagayan. 9 am ang usapan at it’s already 8:30 am. Kailangan ko pang magcommute dahil wala sina papa para ihatid ako. This is really the disadvantage ng walang sariling kotse.
Tinignan ko ang kasama ko, parang wala lang sa kanya. I know maiinis ‘to kapag nakita niya yung pupuntahan ko.
Buzzzzzzzz buzzzzzzz
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha.
20 Missed calls 10 unread messages
Nanlaki ang mga mata ko. 20 mc? Sino naman kaya ang tatawag saakin ng ganoon kadami?
Dalawa po kasi ang # ko. Itong gamit ko ang alam ng lahat. Yung isa parang extra lang. More on files kasi ang laman ng isa kong cellphone na nahulog sa pool such as pdf etc.
I started to browse at unknown number ang tumawag at nagtext.
WHERE ARE YOU?
Grabe naman ang nagtext na’to. Intense masyado, makacapslock wagas.
10 times niyang inulit ang text at yun din ang number ng tumawag.
Sino ba ‘to?
Oh no.
Don’t tell me,
Si GIAN?
Nagreply agad ako at tinanong kung si Gian nga ang nagtext at tumawag. Pagkatapos magsend, nakakita na din ako ng masasakyang mini bus.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a GHOST?!
RomansaLife is short as they always say. Paano kung may makilala kang isang tao na magpapabago sa buhay mo? Pero mawiwindang ka dahil hindi siya normal kagaya mo. Because he is actually a GHOST! A ghost without his memory, a ghost who only remembers his...