I'm used to it.
Julia Lei Perspective
Ilang araw ang lumipas at papalapit na ang midterm exams. Naalala ko pa na noong unang exams namin, nakilala ko ang isang ghost. Nakakatawang isipin dati naiinis ako sa kanya noon. ngayon, nasanay na akong nandito siya. Palagi kong kasama.
Ilang ALBERTO na din ang hinanap namin pero wala ni isa sa mga 'yon ang nagsabing kilala nila si Alvin. Nakakawala ng pag-asa. Pero sinimulan ko 'to, dapat tapusin ko.
Idagdag pa ang biglang pagdating ni Lauren Coangco. Yes. She's totally back. Kadepartment niya si Gian. (Obvious ba). Palagi naman akong sinasabayan ni Gian sa canteen kaya palagi ding nakikita ni Lauren. I agree sa sinabi ni Bea at Iris, Aaminin ko na medyo lumalala nga ang ugali ng babaeng 'yon.
Ano nga ba ang paki alam ko? Wala naman akong dapat ikainis diba?
Nakikita na din si Alvin nina Papa at Kuya. WEIRD diba? pero biglang isang araw nalang nagkaganun na.. Kung bakit? hindi ko din masasagot 'yan. Nakwento din namin siya kay mama. Madalas na niyang kausap si kuya. Sila na, sila ng close. Tuwing gabi palagi pa din kami sa balcony.
Pero ang tanong ngayon, paano kaya namin makikita ang parents ni Alvin?
"Nakuha mo pa talagang mag-isip isip dyan?" Agad akong umayos ng pagkakaupo, inayos ko din ang pwesto ng kamay ko na nakasalumbaba kanina. Well, I'm thinking.
"Masama ba?" Sagot ko kay Iris.
"Eh kung lumabas ka kaya sa room na'to at tignan mo kung anong meron sa labas." What does she mean? Ano naman ang dapat kong makita sa labas.
I just gave her a bored look.
"Juls!!!" Napatingin ako sa likod ni Iris. Nakita ko si Bea at Nick na nagmamadaling lumapit sa pwesto namin.
Ano bang meron?
"Girl, labas ka dali." This time hinihila na ako ni Bea.
"Ni ayaw ngang tumayo niyan e." Kwento ni Iris kay Nick.
"Ano ba kasing meron ha?" Nagpumiglas ako. "Sige na. Heto na." Tumayo ako at tinignan silang tatlo na sinasabing eto na o. Lalabas na po.
Malapit na ako sa pinto ng classroom nang marinig ko ang mga sigawan sa labas ng room.
Ano na naman kayang tsismis ang gusto nilang makita ko. Tinignan ko ulit sila na may malalaking ngiti sa mukha.
Binuksan ko ang pinto at lumantad saakin ang isang malaking teddy bear.
Ito na ata ang pinakamalaki. Parang kasing laki ko na. Nakabalot sa isang transparent na plastic cover at may ribbon sa itaas.
"Kanino 'to? Ang laaaaakiiii." Amaze na amaze na sabi ko. Wala namang ibang sinagot sina Nick kundi sign language na hindi rin namin alam.
Dumami ang mga tao sa paligid. Ano bang meron at napaka-eskandaloso naman nitong teddy bear na'to?
Nabigla ako nang biglang gumalaw ang malaking teddy bear. Whoa. Akala ko may buhay. Nausog ito sa right side at may lumabas mula sa likod nito.
"Hi Lei"
Well, I guess this is just a dream. Natulala ako sa nakita ko. Paanong bibigyan niya ako ng ganito kalaking teddy bear?
"A-aa-a" bakit hindi ako makapagsalita?!
"I know it's not your birthday today." nakatingin siya ng diretso saakin medyo natawa pa siya. "But I want to give this to you." Hindi ako makatingin sa kanya. Parang anytime mahihimatay ako 'pag napatingin ako sa chinito niyang mata.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a GHOST?!
RomansaLife is short as they always say. Paano kung may makilala kang isang tao na magpapabago sa buhay mo? Pero mawiwindang ka dahil hindi siya normal kagaya mo. Because he is actually a GHOST! A ghost without his memory, a ghost who only remembers his...