PROLOGUE

6 0 0
                                    

DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This novel is written by me and also I would like to tell my young readers to skip some 18+ contents in my novel but I know you're not going to follow it. I hope you enjoy.

Warning : Wrong grammars and spellings. Correct me for my mistakes.











                             ***

“Julia. Siyam na taon na ang nakalipas, magmove-on ka rin 'pag may time” sabi ni Gaile habang inaayos ang kaniyang papeles. Umirap ako at tinutukan nalang ang aking ginagawa, puro sermon lang naman ang aabutin ko sa kaniya kapag sumagot pa ako.

“Tigilan mo nga 'yan si Julia, Gaile Shin. Paano iyan makakamove-on, eh may anak sila. Kahit ano'ng gawin mo riyan, hindi niya susundin 'yan!” suway naman ni Trishia sa kaniya. Si Trishia lang talaga ang kumakampi sa akin dahil si Roxie ay wala na rito sa bansa. Nauna pa'ng ikasal sa akin!

“Iniisip ko lang naman 'yong bata eh. Siyempre siyam na taong gulang na rin si Kaizer, hindi natin maiiwasan ang pagtatanong niya tungkol sa kaniyang ama. Maghanap ka kase ng ipakikilala mo riyan sa anak mo Julia” bulaslas niya.

I let out a heavy sigh before looking at her. “Para'ng ang dali naman na humanap, Gaile. Kaizer will understand it soon, sasabihin ko naman 'pag nagkataon” sabi ko na ikinabuntong hininga niya.

“Gaile has a point, Julia. Mangungulila si Kaizer, ano nalang ang iisipin noong bata? Hindi natin siya mapipigilang mainggit sa ibang bata na may ama. Hahanapin at hahanapin niya ang kalinga ng isang ama. Marked my words, Julia” Trishia uttered. Bumalik nalang kami sa aming trabaho dahil hindi na ako sumagot, nakakasawa rin ang sermon 'no!

Nang maglunch time ay sabay kami ni Trishia at Gaile na pumunta sa cafeteria sa second floor. Bumukas ang elevator at bumungad sa akin ang lalaking kanina ay pinag-uusapan lang namin. He's here? He's back!

“Hoy Julia. Matunaw 'yan, tara na mukhang hindi naman siya affected sa 'yo” napahigpit ang aking kapit sa aking suot na skirt dahil sa aking nararamdaman. Nakamove-on na dapat ako hindi ba? And what is he doing here? He's not supposed to be here! Kompanya 'to namin!

“All you have to do is come inside the elevator. Do it quickly, I have something important to do” walang emosyong saad ng lalaki. Labag sa loob akong pumasok sa elevator kasunod ng aking mga kaibigan. Siya dapat ang makaramdam nito dahil maling kompanya ang pinuntahan niya!

“Julia. P'wede ka naman na huminga eh, hindi mo kailangan na pigilan” bulong ni Gaile sa akin. Napairap nalang ako at  deritsang tumingin sa harapan. Nasa likuran lang namin ang lalaki kaya oras na mapaatras ako ay siguradong sa kaniya ako dederitso, but that's not gonna happen.

*Ting!

Bumukas ang elevator. Lalabas na sana ako nang hilain nila ako pabalik at sabay sabing, “May sasakay. Nasa fifth floor pa lamang tayo, 'wag kang magmadali”

Malalim na buntong hininga ang aking ipinakawala at dahan-dahang umatras para may space ang papasok. Nakakahiya naman anak ako ng may-ari nitong kompanya magsusuplada ako dahil lang sa elevator. Space, kailangan ko rin naman iyon ngayon eh.

“Ouch.” daing ng nasa aking likuran. Napapikit ako sa inis at labag sa loob na humarap sa kaniya.

“Ay sorry. Sadya” peke akong ngumiti sa kaniya at ibinalik ang tingin sa unahan bago umirap. Kainis!

“Ano ka ba naman Julia. May regla ka ba ngayon? Ayos-ayusin mo nga ugali mo, lagot ka kay tita.” banta niya. Nakarinig ako ng tunog nang telepono, hindi sa akin iyon. Hindi sa unahan. Sa likuran!

“Hey baby..” bati niya sa kausap. Nakarinig ako ng tili ng isang bata sa kabilang linya, at talaga'ng full volume gamit niya ah? “Yes baby..Dada will go home later. What food do you want to eat?” tanong niya sa kausap. Bahagya akong napairap at nagmadaling lumabas ng elevator, akala mo kung sino!

“Gago may anak!” gulat na sabi ni Gaile. Kahit ako ay nagulat din kanina, pero ano'ng magagawa ko? Sino ba naman ako diba? Ay tunog sad girl. Nevermind.

“Hindi na kataka-taka iyon Gaile. Nabuntis nga si Julia eh” sinamaan ko sila ng tingin nang isali nila ako sa kanilang usapan. Hayop na 'yan!

“Peace.” Trishia smiled as if she's teasing me. “Well. He's back”

“What now? I don't care.” malamig kong turan sa kanila. Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa pero binalewala ko na iyon nang dumating na kami sa cafeteria.

Lumapit ako sa tindera at sinabi ang aming order. Trishia and Gaile were looking for an available seat for us.

“Tatlong menudo, tatlong caldereta, anim na kanin, anim na lumpia, tatlong chicken curry at tatlong coke. Pahatid nalang sa table namin, here keep the change. Thank you” sabi ko at pumunta na sa naka reserve na table namin.

“Iyon pa rin ba inorder mo? Sabihin mo—”

“Oo” I cut Gaile’s word. Tumawa kaming tatlo kahit wala namang nakakatawa.

“Ito na po order niyo madam. Tatlong menudo, tatlong caldereta, anim na kanin, anim na lumpia, tatlong chicken curry at tatlong coke” Saad ng waiter.

“Anim na kanin?! Are you planning to ruin my diet?!” gulat na sigaw niya. Tawa kami nang tawa ni Gaile dahil sa reaksyon ni Trishia.

“Sa akin ang tatlong kanin. Dalawa kay Gaile at isa sa 'yo. Okay na?” sagot ko. She pouted like a baby and started eating her food. Nakakadalawang subo palang ako ng pagkain ay rinig ko na ang mga tilian at bulungan sa paligid.

“He's here Julia, he's here!" kinikilig na bulong sa akin ni Gaile. Alam ko na kung ano ang tinutukoy niya pero hindi ako nagpasindak. Kompanya namin 'to, dapat siya ang mahiya eh!

Some of the people inside were looking at him, halos mapuno na ang cafeteria 2 dahil nagsilipatan ang mga tao na nasa cafeteria 1 dito. Harot niyo, may anak na 'yan at mukhang kasal narin dahil may singsing. Hindi ko maaninag ang kaniyang singsing dahil malayo siya sa aming table. Nasa counter pa lang siya't umoorder, ano ba'ng pake ko? Sabi ko nga wala akong pake.

Nilibot niya ang paningin at sa hindi inaasahan ay huminto iyon sa akin. Agad kong iniwas ang aking titig sa kaniya at kumain nalang ulit, hindi ko yata mauubos ang tatlong kanin gago.

Napatigil ako sa pagnguya nang kalabitin ako ni Gaile na nasa tabi ko. Nagtataka akong tumingin sa kaniya nang ininguso siya sa katabi naming lamesa. Ang alam ko bakante iyon. Tumingin ako sa ininguso at mahinang suminghap nang may nakaupo na roon, nilibot ko ang aking paningin dahil marami pa'ng bakante na lamesa. Sinusundan ba ako nito?

I looked at his left hand pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Ang singsing na suot niya, iyon ang kapares ng singsing na isinauli ko sa kaniya noong naghiwalay kami!

Pero impossible. Baka kapareha lang iyon, in fact wala naman na kami kaya   puwede niya nang ibigay sa iba iyong singsing na dati ay sa akin.

__________

inksworthy updates
facebook : INKSWORTHY WP

ESCAPES FROM THE PAST (COLLEGE DARE'S SERIES)Where stories live. Discover now