BIKGV-19

4.9K 163 9
                                    

Pagkatapos naming maligo ni Sydney ay bumalik na kami sa kwarto namin. Kakatapos ko lang magbihis at magpatuyo ng buhok. Abala si Sydney sa kanyang laptop habang ako naman ay nakahiga lang at nakatulala sa ceiling.

Pagkatapos ng ginawa ni Grey kanina ay hindi na ako nito muli pang pinansin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nito kinakausap. Tuwing magtatama ang mga tingin namin ay mabilis syang umiiwas at tuwing nasa malapit naman ako ay agad syang lalayo.

Kanina habang nasa lobby kami ay muli ko syang nakita pero hindi ako nito pinansin. Sinubukan ko syang ngitian pero umiwas lang sya ng tingin at umalis na kasama ang iba nanamang babae. Hindi na iyon ang kaninang kasama nya pero mukang may gusto sa kanya ang babaeng iyon. Mahigpit ang mga kapit nito sa braso ni Grey katulad noong isang babae kanina at panay din ang haplos nya sa mukha at katawan ni Grey na parang nang aakit.

Aaminin kong hindi ko nagugustohan ang mga ginagawa sa kanya ng mga babaeng kasama nya. Pakiramdam ko ay nag iinit ang ulo ko tuwing didikit ang katawan nya sa mga babaeng iyon. Hindi ko mapigilan na hindi mainis kapag naiisip ko na hanggang ngayon ay magkasama parin sila. Ganito rin ang naramdaman ko noong makita ko si Grey at si Ma'am Aguas na naghahalikan.

Gusto kong kausapin si Grey dahil hindi ako mapakali pero ayoko rin syang kausapin dahil naiinis ako sa kanya. Ewan ko ba, masyadong magulo. Basta.

"Zerah bar tayo." Tumingin ako kay Sydney na ngayon ay nakatayo na pala sa gilid ng kama ko.

"Bawal tayo ron Syd."

"Walang bawal bawal Zerah." Sydney replied and rolled her eyes.

"Pero masyadong maingay don kaya dito nalang tayo." Hindi ko pa nararanasan magbar at ayoko ring subukan. Ayoko kase sa lugar na masyadong maingay.

"Kung ayaw mo ede ako nalang." Tila nagtatampong sagot nito.

"Dito nalang kase tayo." Subok na pagpilit ko dito.

"Wag na, ako nalang ang pupunta don mag isa tyaka andon din naman si Grey pati yung kasama nya, so... sige ako nalang." Sagot nito habang palabas ng kwarto.

"Teka!" Parang biglang nagbago ang isip ko ng sabihin nya na andon si Grey pati na ang babae nito.

"Bakit?"

"Sasama ako."

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Sasamahan lang kita."

Sabay kaming bumaba ni Sydney at pumunta sa bar ng resort. Pagpasok palang namin ay rinig na rinig ko na agad ang ingay ng malakas na tugtog. Pakiramdam ko ay nahihilo ako dahil sa malikot na ilaw sa dance floor. Maraming tao sa loob ng bar at halos lahat sila ay nagsasayaw.

Haharangan sana kami ng bouncer habang papasok pero agad din itong umatras ng makitang kasama ko si Sydney. Inikot ko ang paningin ko para hanapin kung nandito ba si Grey pero hindi ko ito nakita.

"Lika don tayo." Hinila ako ni Sydney papunta sa bar counter pagkatapos ay tinawag nito ang isang waiter.

"Ahm..kahit anong ladies drink." Nakangiting sabi nito sa waiter. "Sayo?" Baling na tanong naman nito sakin.

"May juice ba dito?" Naiilang na tanong ko na tinawanan naman ni Sydney.

"Meron naman po." Sagot ng waiter.

"Kung anong sakin yun nalang din ang sa kanya." Tugon ni Sydney sa waiter.

Pinanuod ko muna ang mga nagsasayaw sa dance floor habang hinihintay ang drinks na inorder ni Sydney. Patingin tingin din ako sa mga table kung andon ba si Grey o yung babaeng kasama nya kanina pero ni anino nila ay diko makita.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon