BIKGV-23

4.4K 132 6
                                    

Tinakpan ko ng unan ang ulo ko para hindi marinig ang maingay na tunog ng cellphone. Hindi ko alam kung sino ang tatawag ng ganito kaaga. Hindi man lang ba nila naisip na nakakaistorbo sila ng tulog? Inaantok pa ako!

Ilang saglit na huminto ang cellphone ko ng muli nanaman itong magring. Inis akong gumulong patagilid at muling tinakpan ng unan ang tenga ko.

"Zerah kanina pa nagriring ang cellphone mo!" Rinig kong sigaw ni mama galing sa labas ng kwarto pero hindi ko iyon pinansin.

"Tanghali na Zerah hindi kaba papasok?" Awtimatikong nagmulat ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Mama.

Tiningnan ko ang relo at nakitang alas syete na. Mabilis akong bumangon at tiningnan kung sinong tumatawag sa cellphone ko. Sinagot ako ang tawag habang mabilis na naglalakad papuntang banyo.

"Asan kana? Malapit ng magsimula ang klase bilisan mo!" Malakas na pagkakasabi ni Sydney sa kabilang linya.

"Shaglit lang." Sagot ko dito habang nagsisipilyo.

"Ano? Malilate kana bilisan mo!"

Hindi na ako sumagot kay Sydney at pinatay nalang ang tawag. Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain ng marami at kumuha nalang ng pandesal at uminom ng konteng gatas.

Mabilis ang naging kilos ko habang nag aayos ng sarili. Tiningnan ko ang relo at nakitang 7:30 na, start na ng klase namin. Sana ay makasakay agad ako para hindi ako malate masyado.

Mabilis kong dinampot ang bag ko sa sala bago nagpaalam kay Mama.

"Alis nako ma!" Paalam ko dito.

"Ingat ka Anak!" Rinig kong sigaw nito galing sa kusina.

Mabilis akong lumabas para ng bahay at laking gulat ko ng makita ang pamilyar na kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin.

Nang makalapit ako dito ay bumukas ang pinto sa driver seat at lumabas si Grey na nakauniform na din.

"Good morning baby." Nakangiting bati nito.

Ngumiti naman ako dito at binati sya pabalik. "Good morning too."

"Shall we go?" Tanong nito na tinanguan ko naman.

Medyo mabilis ang pagmamaneho ni Grey. Marahil ay alam nyang mahuhuli na ako sa klase. Dahil nagmamadali narin ako ay hinayaan ko nalang ito.

Pagkapark nya palang ng kotse sa parking ng sasakyan ay inalis ko na agad ang seatbelt at bumaba na ng kotse. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito. Bumaba na rin ito kaya nagpaalam na ako sa kanya.

"I'm sorry Grey pero kailangan ko ng mauna. Late na kase ako sa first class ko." Paghingi ko ng tawad dito.

"Hatid na kita." Pagpepresenta nito.

"Hindi kapa ba late?" Tanong ko dito.

"May 45 minutes pa ako bago ang first class ko." Sagot nito sakin.

Sinamahan ako ni Grey papunta sa room ko. Nauna akong maglakad sa kanya habang nasa likod ko naman sya dahil nagmamadali ako.

Pagdating ko sa tapat ng room namin ay agad kong pinagsisisihan na nagpahatid ako kay Grey. Huminto ako sa tapat ng pinto at ganun din si Grey.

Napalingon samin ang karamihan sa mga kaklase ko at ganun na din ang teacher namin ngayon. Si Ma'am Aguas ang nasa loob ng room namin na dapat ay si Sir Sapao.

"Pumasok kana. Text me if you have free time. I'll drive you home later." Mahinang sabu ni Grey na tinanguan ko nalang.

"G-good morning Ma'am." Nauutal na bati ko ng pumasok ako. Pansin kong hindi maganda ang tingin samin ni Ma'am pero napilitan itong ngumiti ng batiin ko.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon