BIKGV-31

4.2K 129 8
                                    

Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog. Kanina pako pagulong gulong dito sa higaan ko pero ayaw talagang pumikit ng mata ko.

Inabot ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Alas tres na ng umaga pero dilat na dilat parin ang mga mata ko.

Muling bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Grey kanina. Hindi ko nakausap si Ate tungkol sa bagay na iyon. Iniiisip ko na baka galit sya o nagtatampo pero wala namang kakaiba sa pakikitungo nya sakin.

Gusto kong paniwalaan ang lahat ng sinabi ni Grey pero gusto kong sa ate ko mismo manggaling iyon.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kaninang madaling araw dahil sa pag iisip. Magtatanghali na pero babangon palang ako dahil sa pagpupuyat ko.

Pagbaba ko ng sala naabotan ko ang nag iisang katulong namin dito sa bahay na naglilinis. Binati ko lang ito ng magandang umaga bago dumeretso sa kusina.

"Oh bakit ganyan ang itsura mo?" Sinulyapan ko si Ate na kakagaling lang sa labas ng magsalita ito.

"Bakit ate? Anong mali sa itsura ko?" Tanong ko dito at sinulyapan ang sarili ko.

"Natulog kaba Sissy? Muka kang zombie na naglalakad." Maarteng sagot nito na ikinabusangot ko.

"Mabuti pa kumain kana lang dyan at magtatanghali na. Mamaya andito na yung sundo mo." Anito at ipinaghanda ako ng pagkain.

Nagugulohan naman akong lumingon sa kanya. Sinulyapan ko rin ang kalendaryo para tingnan kung anong araw ngayon at nakitang holiday kaya walang pasok.

"Wala naman akong lakad ate kaya anong sinasabi mong susundo?" Kunot noong tanong ko.

Huminto ito sa ginagawa nya at kunot noong lumingon sakin.

"Hindi nya ba nasabi?"

"Anong sinasabi mo ate? Hindi kita maintindihan." Nakakunot paring tugon ko.

"Mukang nakalimutan nyang sabihin." Anito bago umirap sa kawalan. "Basta kumain kana dyan pagkatapos ay maligo at tutulungan kitang mag ayos mamaya okay? Tataposin ko lang yung ginagawa ko sa labas." Dagdag pa nito.

"Bilisan mo na dyan ah!" Sigaw pa nya habang palabas ng pinto.

Nagtataka kong sinundan ito ng tingin at pilit na iniiisip kung anong gusto nyang sabihin. Nagugulohan man ay sinunod ko nalang ang sinabi nito.

Pagkatapos kong kumain ay naupo muna ako saglit sa harap ng tv at nanuod ng tv show. Pagkalipas ng ilang minuto ay naligo na ako kagaya ng sabi ni Ate.

Saktong nagsusuklay ako sa harap ng salamin ng pumasok si ate sa loob ng kwarto ko.

"Ito ang suotin mo Sissy." Inilapag nito sa kama ko ang kulay peach na dress.

"San ba tayo pupunta at bakit kailangan kong suotin yan Ate?"

"Anong tayo? Kayo lang." Sagot nito at kinuha ang suklay sa kamay ko. "Wag kanang maraming tanong dahil aayosan pa kita."

Hinayaan ko lang si Ate na gawin ang gusto nyang gawin sakin. Matapos nitong patuyoin ang buhok ko ay nilagyan nito ng konteng make up ang mukha ko.

Pinapanuod ko lang si Ate sa salamin habang seryosong inaayos ang buhok ko.

"Ate..." Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang usapan tungkol kay Grey.

"Hmm?" Tanong nito habang abala parin sa ginagawa nya sa buhok ko.

"Tungkol kay Grey... ate." Saglit itong huminto a ginagawa nya. Napansin ko ang biglang paglungkot ng mata nya pero agad rin iyong nawala ng sumulyap sya sakin sa salamin at ngumiti.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon