BIKGV-28

3.8K 126 1
                                    

Pabalik na ako sa room namin dahil galing akong library ng makasalubong ko si Ma'am Aguas. Masama ang tingin nito sakin pero agad rin iyong naglaho at napalitan ng ngiti ng makitang nakatingin na ako sa kanya.

Pagtataka at konteng kaba ang naramdaman ko dahil sa naging tingin nyang iyon. Balak ko lang sana itong batiin pagkatapos ay dumeretso na sa room namin pero tinawag ako nito kaya huminto ako at muling lumingon sa kanya.

"Can I talk to you for a second?" Nakangiting anito. Tumango ako kay Ma'am at sinundan ito ng maglakad ito papunta sa office nya.

Pagpasok namin don ay inilapag nito sa table nya ang dala nya bago naupo sa upuan.

"Take a seat Zerah." Sumunod naman ako dito at naupo.

"Bakit nyo po ako gustong makausap?" Tanong ko ng makaupo ako.

"I just want to make something's clear." Sagot nito.

"Ano po iyon?" Ngumiti ito sakin bago sumandal sa upuan nya.

"You know you're not doing well in my subject, right?" Deretsong sabi nito.

"Pero ma'am --" Hindi ako nito hinayaang magsalita dahil nagsalita na ulit ito.

"But we can still settle this Zerah." Anito bago ako binigyan ng kakaibang ngiti na nagpakaba sakin. Hindi ako umimik kaya nagsalita ulit ako.

"You said there's nothing between you and Grey, am I right?" Tanong nito na tinanguan ko naman.

"LIAR!" Halos mapatalon ako sa kinauupoan ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Ma'am Aguas at paghampas nya sa kanyang mesa. Galit itong nakatingin sakin kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot.

"Ma-ma'am..." Nauutal na usal ko.

"You can't fool me Zerah. I know what's going on between you and Grey." Nagtatangis bagang na anito.

"N-nagkakamali po k-kayo." Nanginginig sa pagtanggi ko.

"Mali ako?" Tanong nito at tumayo sa kinauupoan nya. "Mali ako Zerah?" Tanong pa nitong muli bago humakbang papalapit sakin.

"Sinasabi mong mali ako?" Anito at yumuko papalapit sakin. Marahan nitong hinaplos ang buhok ko pababa sa leeg ko bago pinadausdos ang daliri nya sa suot kong necklace.

"Sabihin mo nga ulit na mali ako." Marahang bulong nito habang marahang hinahawakan ang kwintas na suot ko.

Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa takot kay Ma'am Aguas. Kilala ko sya bilang isa sa pinakamababait na teacher pero hindi ko lubos maisip na ganito pala talaga sya.

"N-nagkakamali p-po ka--"

"SHUT UP!" Muling sigaw nito at marahas na hinila ang necklace na suot ko.

"Aray!" Napasigaw ako dahil sa sakit ng ginawa nito. Naramdaman kong medyo humapdi ang leeg ko dahil sa ginawa nya.

"Pretty necklace..." Anito habang hawak ang naputol kong kwintas. "This was supposed to be mine." Mahina pero may diing sabi nito.

"Ma--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may kumatok sa pinto ng office ni Ma'am Aguas.

Sabay kaming lumingon dito at iniluwa nito si Sir Sapao na nakangiti.

"Sir Sapao..." Nakangiting Ani ni Ma'am Aguas ng makita si Sir.

"I'm sorry for the distraction Ma'am Aguas but I really need to talk to you right now, this is an important matter." Ani Sir at lumapit kay Ma'am.

"No worries Sir, take a seat." Nakangiting sabi ni Ma'am.

Bumaling naman ito sakin at ngumiti. "This is your necklace Zerah, next time be careful with your things okay?" Mabait na sabi nito. Kinuha ko naman sa kanya ang kwintas pero hindi ako sumagot sa sinabi nito.

Bumped Into Khione Grey Vasille (GxG) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon