[3] "Umbrella"

19 2 0
                                    

Hay! Naiinis tlaga ako sa sarili ko! Hindi ko man lang sya naabutan. Hanggang ngayon kasi, mahal na mahal ko pa rin si Joy.  

Ako nga pala si Allen... 

Nakita ko si Joy kanina sa may wishing well nang simbahan at nung nakita nya ako, bigla na lang syang umiwas sa akin at tumakbo. 

Ikukuwento ko na lamang sa inyong lahat ang estorya namin.
High school kami nun at schoolmate ko sya, si Joy. Matagal ko na syang gusto, pero ni minsan... hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na maka-usap sya ng personal kaya, naging kuntento na ako sa pagtanaw sa knya sa malayo... Lagi nga syang nadadapa ehh, kasi minsan, napaka-dami nyang dalang libro. 

Sinubukan ko pa ngang magpapansin sa knya noon at minsan pa nga ehh.. tumabi ako sa knya sa canteen, kumakain sya habang nagre-review. Ibang klase tlaga sya, nagmu-multi-tasking :) Bilib na bilib na ako sa knya. Inlove na yata ako.... Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya nung mga oras na iyon kaya napa-tingin na rin sya sakin. Ang ganda-ganda ng mga mata nya 

*__* ... 

"Excuse me, may problema ba?" 

"H—Ha?"
Nakakahiya tlaga, na-utal pa ako >,<. 

Kinikilig kasi ako eh.. Anubayan! Para tuloy akong bakla! 

"Kanina ka pa kasi naka-titig sakin." 

"Ahm, wala naman.. Ang sipag mo kasing mag-aral. Ako nga pala si Allen :) " Oyy~~ Dumada-moves ako! YAHOO! 

"Joy Marie Salvacion, Joy nalang for short :) "
Wooaaahhh... ang lambot nang kamay nya, nakaka-kuryente. 

Pagkatapos nyang magpakilala, tumahimik ulit at biglang may lumapit na isang lalaki. Teka... si John?? 

"Joy, tara?"
Ngumiti lang si Joy sa knya. Kilala ni John si Joy???? 

"Ahh.. John, si Allen nga pala. Allen, si John, boyfrnd ko."
Aray! Sapul sa puso naman ang narinig ko!  

"Dude, nandito ka rin pala?"
Inakbayan ako ni John kaya napa-ngiti na lang ako nang pilit. 

"Sige. alis na muna ako, pare. Nice to meet you nga pala, Joy."  

Na-una na akong umalis, hindi ko nga alam kung bakit ehh.. Siguro.. ayaw ko lang na makita si Joy at John na magkasama, hindi ko talaga alam na may boyfrnd na pala sya at si John pa? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa John nayun, kaklase ko sya at kahit papaano'y may pinagsamahan rin kami noon kaya alam na alam ko na ang pagkatao nya. 

When I met Joy kasi,,, everything changed. I learned how to love because of her. Ang bait-bait nya kasi. By looking at her, my world stops and it only revolves around her.
Oo na! Alam ko naman na masyado na akong corny. Ganito talaga ako ma-in love ^__^....
I'll just wait for the right time, baka mapansin na nya ako kahit may bf na sya. —


————— 

Lumipas ang isang araw, napa-daan ako sa carpark nang school namin nang .... narinig ko si John na nakikipag-usap sa mga kabarkada nya,,,, 

"Ano, pare? Bibigay na ba?"-kabarkada 1 

"Malapit na...."-John 

"Naku! Baka naman matalo ka sa pustahan natin ah! "-kabarkada 2 

"Hindi yan... hinalikan ko nga si Joy kagabi ehh, bibigay na sana kung hindi lang nag-ring ang phone."-John 

"Tsk-tsk! Mukhang kino-kontra ka nung cellphone, hahahahahaha!!!!"-kabarkada 3 

If We Fall in Love...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon