XII: Impotence

56 6 35
                                    

STAYING alive, that's a greatest gift from above. Knowing who'd die next, that's a curse nobody wanted to ever have.

You only realized life's too short, when you'd the capacity to know someone's death  was too soon.

“Hi Ms. Kallia,” someone called me that's why I recoiled from my seat.

Nang lumingon ako, nakita ko si Evo at ang Ronan na kaibigan nila ni Mavence.

Tinitigan ko lang sila nang walang reaksyon. Ano bang nakain ng mga ito at kinakausap na naman ako ngayon?

“Kallia right?” I heard Ronan spoke. “I guess this is yours, nahulog mo ‘to yesterday.”

Napatayo ako sa bench na kinauupuan ko. I saw him handed to me a red ballpen. The one I bought from the university store yesterday. Nahulog ko yata ‘to dahil sa pagpapanic.

“Oh! Thanks!” I took it from him.

Tinalikuran ko na sila pero nagsalita ulit si Ronan.

“It’s nice to formally know you, Kallia.”

I didn't respond and I walked away. I wasn't comfortable seeing and getting close with that Ronan guy, knowing that sooner or later, he'd probably die.

Pero bakit wala akong naamoy na kahit ano sa kanya? Nagkamali lang ba ‘yung last time?

I massage my temple as I entered inside the room 206. Sa pagpasok ko pa lang, mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

I sat down opening my book. May ilang minuto pa bago magsimula ang klase, kaya naisipan ko na lang munang magbasa.

“Good afternoon sir!” bati ng mga kaklase ko sa kakapasok lang namin na professor.

Mabilis kong isinara ang libro at itinuon ang atensyon ko sa professor namin sa harap.

“Sir! Wala pa po ang ibang classmates namin,” sabi ng isa kong classmate.

I looked around and there were only six of us. Maybe my other classmates were still in the cafeteria. As far I could remember, lagi namang late si sir sa klase namin.

What happened? Maaga yata ang dating niya ngayon?

Our professor didn't not answer, instead he wrote something on the board. I gaped when I saw him plastered that weird smile in his face, then he immediately left us.

“Death is uncanny?” I read what's written on the board.

“Ano ‘yang isinulat ni sir?” nagtatakang tanong ng classmate ko.

“Kaya nga, anong nangyari sa kanya, nag-walk out naman agad,” dagdag ng isa.

Pakiramdam ko, nanlamig na naman ang buong katawan ko. Parang namamanhid ang mga kamay ko.

“Guys! Bakit kayo nandito, hindi niyo ba alam na absent si sir ngayon,” sabi ng kakarating lang na isa ring classmate namin.

“Anong absent, e’ pumasok siya kani-kanina lang ah, then he just left a minute ago,” hindi ko na napigilang sumagot.

“Ano ba naman Kali, nasa out of the country trip si sir, kakapost lang niya sa socmed niya oh,” he even showed to us the photos of our professor.

My hands trembled when I saw exactly the same clothes that our professor was wearing in the photo and in person a while ago.

“Kung hindi si sir ‘yong kanina? Eh sino ‘yun?” napatayo silang lahat maliban sa’kin.

“Ang creepy dito, tara na guys labas na tayo,” sabi ng isa kong kaklase at mabilis silang lumabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scintilla and ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon