CHAPTER TWO

8 0 0
                                    

Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama nang matapos ko gawin lahat ng homework at activities na inuwi ko sa bahay. Lahat 'yon ay mahirap, nagpatulong pa ko kay Kuya Blue sa homework ko sa biology. Bagaman mas maluwag ang school na 'to kaysa sa dati kong pinapasukan, pakiramdam ko ay doble-doble na agad ang ginagawa ko, nakakastress. Laki rin ng pasasalamat kong hindi ako irregular kahit transferee ako. Lahat kasi ng subjects na nakuha ko na sa previous school ko ay nakuha na rin ng mga kaklase ko ngayon.

Tinignan ko ang orasan, alas nuebe na ng gabi. Masyado akong naging abala sa homework and activities, nakalimutan kong kumain ng dinner pero hindi ako nakaramdam ng gutom. Ang isip ko ay okupado pa rin ng nararamdaman ko kanina kahit abalang-abala ako.

Ang bagay na 'to ay wala sa aking plano. Gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral para makaalis na ko ng Pilipinas at doon na ko maninirahan sa ibang bansa habangbuhay. Ang lovelife ay wala man lang sa mga plano ko sa sarili kong buhay, mas mahalaga ang sarili ko kaysa mag-isip kung kailan ako magkakaboyfriend. Pero ang isang 'to ay hindi ko pwedeng balewalain dahil involved ang feelings ko dito.

Sa dami ng mga manliligaw ko mula ng tumuntong ako ng highschool, ni isa sa mga 'yon ay wala akong natipuhan ni isa. Ang iba nga ay panay pa ang hatid at sundo sa akin. Pati sa pagbibigay ng kung ano anong snacks ay consistent sila. Meron pa ngang lalaki na apat na taon na nanligaw sa akin kahit paulit-ulit ko na siyang nireject dahil nagsasayang lang sila ng oras sa akin.

Kinuha ko na lang ang phone ko na nasa ulunan lang ng kama ko para magcheck ng chismis sa Facebook. Pero gusto ko rin agad itapon 'yon dahil pagkabukas ko pa lang ng app ay sumabog ang notifications ko dahil maraming tao ang nag-add sa akin... sa hindi ko malamang dahilan. Inis kong tinurn off ko ang notifications ng Facebook bago muling buksan ang app. Wala na ang notifications, pero tuloy tuloy lang ang pagbuhos ng friend requests sa account ko.

Tinignan ko kung sino ang mga nag-add sa akin at doon ko nakita ko ang mukha ni Sirius. Doon ko lang din nakita na nakafollow pa siya sa akin nang tignan ko ang profile niya. Mukhang alam ko na kung bakit dumagsa ang friend requests sa account ko, ang mga may crush kay Sirius ay mukhang pinag-aadd ako!

Parang nadagdagan lamang ang stress ko dahil doon. Inaccept ko na lang ang request ni Sirius sa akin saka muling pinatay ang phone ko para matulog. Pero hindi agad ako pinatulog ng isip kakaisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kanina. I'm really confused, gusto ko na ngang katukin ang isa sa kambal para magtanong.

At isa pa ay naroon ang takot ko na masaktan. Si Kuya Red na kakambal ni Kuya Blue ay nag-eemo sa isang tabi dahil ang babaeng gusto niya ay may gusto sa ibang lalaki. Samantalang si Kuya Blue ay nireject ng nililigawan niya. At si mama naman ay mukhang wala ng balak mag-asawa, masyado siyang loyal sa tatay namin kahit patay na ito. Paanong hindi ako matatakot sa simpleng kalabog na 'yon sa dibdib ko? Baka kung saan pa 'yon mapunta kapag hindi ko 'yon pinigilan. Kapag nagtuloy tuloy 'yon ay malaki ang possibility na masaktan lang ako.

Imposible naman 'yon. Ako? Magkakacrush sa ganong kagwapong lalaki? Baka may sakit lang ako, need ko yata magpacheck up kapag cleared na ang sched ni mama!

Paulit ulit kong inisip kung bakit ganon ang nararamdaman ko hanggang sa makatulugan ko na lang ang pag-iisip tungkol sa bagay na 'yon.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda papasok sa school. Sasabay kami ng bunso naming kapatid sa kambal sa pagpasok. Wala ang driver na maghahatid sa amin. May pupuntahan ang don kasama si mama at ito lang ang available na driver

"Akala ko ba maaga ang klase niyo? Bakit ang tagal niyo naman? Umuwi-uwi pa kasi, may sarili namang condo," naiinip na reklamo ko sa kambal nang makalabas sila sa bahay. Sabay naman nila akong tinignan ng masama. Nasanay na talaga akong sync sila kumilos kapag magkadikit sila.

ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon