Bagot na bagot akong tumulala sa harapan ng whiteboard habang nilalaro ng kanang kamay ko ang ballpen na hawak. Ramdam ko na ang pagkulo ng tiyan ko sa gutom dahil sa hindi pagkain ng agahan sa bahay dala ng pagmamadaling pumasok. Nalate ako ng gising.
Dapat pala ay hindi ko muna talaga hinawakan ang computer ko, eh. Masyado akong nalibang kaka-Valorant kagabi. Tsk.
Nagpaparecite ang teacher na nasa harapan, wala doon ang aking interes. Mabuti na lang at iba ang tinatawag nito, nagsawa na yata siyang tawagin nang tawagin ang mga kaklase kong napakaaktibo sa recitation, syempre kasama na ako roon.
"Mr. Takahashi? Nasaan sina Montano, Borromeo at Javier?" dinig ko pang tanong ng guro sa isa sa mga kaklase naming hindi ko naman kilala, wala akong pakialam.
"Nasa meeting po for varsities, Miss."
Bagong lipat ako sa international school na 'to at tatlong araw pa lang ang nakakalipas nang nagsimula ang pasukan. Bagaman naninibago ako sa environment at paraan ng pagtuturo ng school na 'to kaysa sa nakasanayan ko sa public school, hindi naman ako nahirapan mag-adjust kahit papaano.
Si Don Mariano, ang boss ng nanay ko ang siyang nagpumilit sa akin na mag-aral sa school na 'to. Kaclose na namin ito ng aking mga kapatid. Nag-insist pa siya na ipapahatid-sundo ako ng kanyang driver sa school, kapalit daw 'yon ng serbisyo ni mama sa kanya.
Nagtuloy lamang ang guro sa discussions hanggang sa tumunog ang bell para sa lunch break. Nag-iwan pa ang teacher namin ng homework bago ito umalis sa harapan namin. Some of my classmates are disappointed. It's just the third day, but some of our teachers are giving us a lot of activities to take home. Maybe because we are graduating high school next year.
Hindi ko pa man naaayos ang mga gamit ko pero nagmamadaling lumabas ang mga kaklase ko. Dinig na dinig ko pa ang sigawan sa labas, may solar eclipse raw na magaganap ngayong araw. At hindi ko alam ang tungkol don, kahit mahilig ako manood non!
Lumabas na lang ako sa room bitbit ang bag ko, may kukunin akong gamit sa locker ko pagkatapos ko kumain para sa susunod na subject namin after lunch. Ang nadadaanan kong mga estudyante ay puro eclipse ang pinag-uusapan, nagsisimula na 'yon ngayon at wala akong balak manood ngayon mismo.
Mas uunahin ko muna ang gutom ko. Mamaya pa naman mawawala ang eclipse.
Dumeretso ako sa cafeteria para kumain. Ang cafeteria ng school na 'to ay malaki at malawak, napakaraming mahahabang upuan at mesa kagaya ng mga nakikita ko sa American movies. Walang binatbat ang canteen sa dati kong school na mukhang sari-sari store ang itsura, pero nuknukan ng mahal ang presyo ng mga items. Umorder na lang ako ng chicken at spaghetti saka naupo sa pwesto na medyo malayo sa tao.
Habang kumakain ay biglang nagsitilian ang mga babae na para bang sinisilihan ang mga pwet nila sa sobrang lakas ng mga tili nila. Dumating ang mga lalaki na mukhang kinababaliwan ng mga babaeng 'to sa school. Wala naman sana akong balak na titigan sila pero napansin ko ang isa sa kanila.
Lalaking malapad ang balikat, matangkad at tan ang skin. Nagmumukha siyang intimidating dahil sa mga mata niya na may resemblance sa wolf. Gwapo.
Pinuri ko man ito sa isip pero wala pa rin akong interest sa kanya, sadyang malakas lang ang dating niya kaya ko siya napansin. May mga kasama siyang tatlong lalaki, may bata pang asungot sa likod na sunod nang sunod sa kanila. Pumunta ang limang lalaking 'yon sa table ng dalawang babae at isang... lalaking hindi ko malaman kung bakla ba o ano dahil panay ang pagkilos nito na parang babae.
Halos lahat yata ng kumakain na estudyante na naroon sa table nila ang mga paningin, mostly mga babae. Panay ang mga pacute nila bagaman sure na sure akong hindi naman nila nakikita 'yon dahil ang limang lalaki na yon ay mukhang nandoon sa iba nilang kaibigan ang atensyon. Muli kong sinulyapan ang singkit na moreno sa grupo nila pero nabigla ako nang makita kong nakatingin ito sa akin. Nag-iwas lamang siya ng tingin nang mapansin ko ito. Iniisip pa yata nito na crush ko siya, assuming.
BINABASA MO ANG
ECLIPSE
RomanceA typical story between a varsity player, Sirius Montano, and a competitive student, Grey Sy, from the same strand that met under the solar eclipse.