CHAPTER THREE

3 0 0
                                    

"Wow! Amoy adobo, pahingi!" palahaw ni Zeke nang ilabas ni Sirius ang dalawang bento box mula sa kanyang thermal bag. Ang huli ay agad na tinapik ang kamay ni Zeke nang mapansin ni Sirius na kukunin nito ang kanyang baunan.

"Wag ka ngang epal, bubuksan ko na nga!" asik ni Sirius. "Mangunguha ka lang ng ulam sa akin, eh. Wala ka bang pagkain sa bahay niyo?" dagdag tanong niya pa pero hindi sumagot si Zeke. Nakatingin lamang siya sa baunan ni Sirius at parang bata na naghihintay na makuha ang pasalubong niya.

Tatlo lang kaming natira sa table nilang magkakaibigan. Ang iba ay umoorder ng food sa counter dahil wala silang mga baon na pagkain for lunch. Kaming tatlo lang nina Sirius at Zeke ang may baon na food, although kanin lang naman talaga ang baon ni Zeke at mukhang manghihingi lang siya ng ulam sa mga kaibigan niya.

Nagliwanag ang mukha ko sa masarap na amoy ng pagkain nang buksan ni Sirius ang isa sa mga baunan niya. Rice, adobong baboy, grilled chicken and salmon, steamed broccoli at mixed fruits ang laman ng baunan na 'yon. Si Zeke ay hindi na nakapaghintay, binuksan niya ang isa pang baunan ni Sirius. Puro dessert naman ang laman non. Isang slice ng chocolate cake, muffin, limang pirasong chocolate chip cookies at isang maliit na bar ng milk chocolate.

"Grabe, daming pabaon ng parents mo sayo, ah?" pang-aasar ni Zeke kay Sirius. "You're well loved, pare." Napailing na lang ako nang i-headlock pa ni Zeke ang ulo ni Sirius saka ginulo-gulo ang buhok nito.

"Get off me, fucker!" asik ni Sirius sa kaibigan.

Nahinto lang sila nang dumating pa ang iba nilang friends. Sina Zeke at Sirius ay agad na tumayo nang makita nilang nahihirapan sina Heather at Aphrodite sa tray na dala-dala nila, ingat na ingat silang maglakad sa takot na matapon nila ang drink na nasa tray nila. Silang dalawa ang nagdala ng tray ng dalawang babae sa table nila.

Nang maupo ang lahat ay nagkaroon ng nakakalokong katahimikan. Ramdam kong nagkakailangan pa kaming lahat, maski nga paglunok nila ay naririnig ko pa. Nang tignan ko si Sirius ay ngumiti siya sa akin. Sina Zeke, Heather at Aphrodite ay nagthumbs up sa akin habang nakangiti. Ang tatlo pang lalaking kaibigan ni Sirius ay tinignan ako na para ba akong alien na nakiupo sa table nila.

"So..." pambabasag ni Sirius sa katahimikan naming lahat. Bumaling siya sa akin saka ngumiti. "Grey, sila nga pala ang friends ko." Pagkasabi niya non sa akin ay bumaling naman siya sa mga kaibigan niya. "And guys, this is Grey, my new friend. Sinabay ko na siya sa atin para mameet niyo rin siya. Hehe.

Tinignan ko ang bawat isa sa kanila pero natigilan din nang naglahad ng kamay sa akin 'yong lalaking inakala kong bakla kahapon. "Hello, Grey. I'm Kristoffer but you can call me Toffer, the pinakagwapo sa buong circle of friends namin."

Naiilang kong tinignan si Toffer dahil nahanginan ako sa sinabi niyang 'yon.

Hindi ko pa man naaabot ang kamay ni Toffer nang biglang alisin ni Zeke ang kamay nito. "Kahanginan mo, gago. Ako kaya pinakagwapo dito!"

"Epal ka, Zeke! Ako kaya 'yon, fuck you!"

"Ako nga sabi! Ulol!" Hindi talaga napapatalo si Zeke. Nagtinginan pa sila ni Toffer ng masama at akala ko ay magsasapakan na sila dahil lang sa maliit na bagay na 'yon pero ilang segundo pa lang sila nakakatinginan nang tumawa nang malakas sina Toffer at Zeke.

Anak ng... mga may sapak sa utak!

"Wag mo pansinin 'yang dalawang 'yan."

Nawala ang atensyon ko kina Zeke at Toffer nang magsalita ang lalaking may salamin. "Nice to meet you, Grey. I am AJ, a smarty pants and a jock at the same time." Inilahad niya ang kamay sa akin na agad kong tinanggap. Hindi siya nakangiti at blangko lang ang pagkakatingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ECLIPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon