Chapter 1

2.5K 38 1
                                    

Another day, another sakit ng ulo na naman!

Napaunat ng sariling kamay si Tiffany Saavedra aka Tiffany, the only girl of Saavedra clan.

"Oh my God! Late na 'ko sa exam namin! Finals pa naman," pag-aalalang sabi ni Tiffany sa sarili sabay tingin sa relo. Napakamot na lang siya sa ulo dahil late na siya that time!

Sakay si Tiffany ng isang taxicab. Papunta siya sa Xavier Holy University para mag take ng final examination nila. Pero mukhang male-late na talaga siya. Alam niyang ganito ang mangyayari. Paano ba naman ay routine na niya ito. Mula pa first year at hanggang ngayon na fourth year na ay lagi siyang late. Sa kabila nito, swerte pa rin siyang hindi bumabagsak sa kahit isang subject. Napakatalino kasi nitong babae.

"Mamang driver, pwede pakibilisan nang kaunti? Male-late na po kasi ako eh. Dodoblehin ko po pamasahe ko," ani pa niya rito.

"Sure na sure, iha. Hawak ka nang mahigpit d'yan at paliliparin ko ang pedicab na 'to!" tugon ng driver. Ginawa nga ng driver ang sinabi nito. Umabot hanggang 100 kph ang takbo ng pedicab.

Sa bilis ng takbo ay halos lumipad pati kaluluwa ni Tiffany. Napakagaling umilag ng mamang driver sa lahat ng sasakyan. Buti na lang at magaling magmaneho ang driver, at nakarating sila ng ligtas. Subalit kahit mabilis na ng takbo nito ay late na talaga si Tiffany.

"Heto ho!" Pagkaabot ng pamasahe sa pedicab driver, agad na tumalon si Tiffany at patakbong pumasok sa loob ng campus. Malayo pa ang building ng department nila mula sa entrance gate. Male-late pa siya nang dagdag na 10 minuto kung sa kalsada ng campus dadaan kaya diretsong gitna ng oval siya tumakbo. "Naku, h'wag naman sana!"

Sa malayo ay kitang-kita siya ng mga mag-aaral na nasa grandstand. "Uy tingnan n'yo oh, late na naman si Tiffany!"

Aliw na aliw ang mga ito habang nanonood sa bilis ng takbo ni Tiffany na sa sobrang bilis ay pwede nang pang laban sa olympics. Alam rin kasi nilang late na ito sa klase kaya ganoon nalang kung siya ay makatakbo. Malapit na sana siya sa department building nila nang 'di niya napansin ang isang bato na nakausli sa daan. Sa kasamaang palad ay naapakan ito ni Tiffany kaya siya nadapa. Lalapitan sana siya ng mga nakakita sa kanya pero parang walang nangyari at nakatayo siya kaagad.

Determinado talaga siyang makakuha ng final examination. Paano ba naman ay may isang pinaka-importanteng tao ang nangako sa kanya ng kasal pagkatapos niyang makapag-aral, ang fiancé niyang si Carlo. Habol ang hininga at hindi pa makatakbo nang mabilis, dahan-dahang umakyat si Tiffany sa hagdanan. Hanggang sa makarating na siya sa classroom nila. Nagtinginan ang lahat ng nasa loob ng classroom sa kanya. Imbis na mahiya ay dali-dali siyang pumasok sa loob at umupo.

Nang makita siya ng proctor ay sinabi nito, "Miss Tiffany Saavedra, you're 30 minutes late! Lagi ka na lang ganyan! Kailan ka pa ba magbabago? Kapag naranasan mo nang bumagsak sa isang subject?" Sumbat ng proctor sa kanya.

"Sorry Ma'am, ang laki kasi ng campus," hinihingal na paliwanag ni Tiffany.

"That's so unreasonable! I've heard that a thousand times from you! But okay, sige take this paper. You now only have 30 minutes to answer the exam," ani nito. Buti na lang considerate ang proctor. Kahit 30 minutes late na siya ay pinakuha pa rin ng exam final exam. Nakahinga siya ng maluwag, pagkatapos ay tiningnang ang papel. Wala s'yang choice kung 'di bilisan ang pagsagot para makahabol sa na-missed niyang oras.

Lumipas ang dalawampung minuto, isang item na lang ang hindi nasasagutan ni Tiffany. Ang bilis nga naman talagang magprocess ng utak nito!

Hindi nakapagtataka dahil siya ang pinakamatalino sa klase. Consistent dean's lister siya sa kursong Electrical Engineering mula pa noong first year. Lagi nga lang late.

Mini-maintain ni Tiffany ang grades para makatulong sa magulang dahil sobrang mahal ng tuition fee. Maswerte naman ang magulang niya sa kanya dahil wala na silang inaalala pang bayarin sa matrikula. Bukod pa rito namamasukan din siya bilang part time crew sa isang restaurant, ang Sherlock Cafe. Dito niya nakilala si Carlo. First year pa siya nang namasukan doon. Nakilala niya bilang kasamahan si Carlo as waiter noon.

Sa simula ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Magkasundo sila sa lahat ng bagay at laging nagdadamayan sa isa't isa. Akala ni Tiffany na kaibigan lang ang turing ni Carlo sa kanya hanggang sa nagtapat ito at nagkapalagayan ang loob nila sa isa't isa. Nahulog ang loob ni Tiffany kay Carlo at kalaunan ay naging magkasintahan silang dalawa. Sa unang taon ng kanilang relasyon inakala ni Tiffany na simpleng tao lang si Carlo, iyon pala ay may inililihim ito sa kanya.

Isang araw, may lalake at babae na bumisita sa restaurant at hinanap si Carlo. On duty si Tiffany noon. Napansin niyang magagara ang kasuotan ng mga ito.

Nabigla siya nang sinalubong si Carlo ng babae at niyakap ito. Narinig niyang tinawag ni Carlo ang babae na "Mom" at "Dad" naman ang lalake.

Mga magulang pala sila ni Carlo ang mga ito. Ang ikipanagtaka niya ay bakit mukhang mayayaman ang mga ito. Kung gayon ay mayaman ang pamilya ni Carlo at hindi man lang niya ito nalaman. Nanliit siya sa sarili at gusto na sana niyang umalis dahil nakakahiya sa mga magulang ni Carlo. Na-realize din niya na hindi pa nga niya lubos na nakikilala ang kasintahan. Naisip niyang makipaghiwalay kay Carlo pagkatapos na ito ay makausap ng mga magulang. Kaya hindi na lang siya umalis at hinintay na sila ay matapos.

Habang nagpupunas ng lamesa ay tinawag siya ni Carlo. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at hindi na alam ang gagawin kung lalapit ba siya sa kanila.

"Babe!" tawag pa nito sa kaniya.

Nanatili lang si Tiffany sa kanyang kinalalagyan kaya lumapit na si Carlo sa kanya. Inalalayan siya nito at lumapit sila sa kinaroroonan ng mga magulang niya. Habang papalapit sila ay kung ano-ano na ang naiisip ni Tiffany. Nai-imagine niyang sasampalin siya ng mama ni Carlo.

"Mom, dad, this is Tiffany, my girlfriend..."

Nagbalik lang ang kanyang diwa nang sinabi ni Carlo na mag relax lang siya dahil mabubuting tao ang mga parents niya. Lalo siyang nabigla nang ipinakilala siya ni Carlo bilang girlfriend sa mga magulang niya. Hindi niya maubos maisip na gagawin iyon ni Carlo that time.

Sa pag-ooverthink, inakala niyang magagalit ang mga magulang nito dahil sa simpleng babae lamang siya gaya ng mga nangyayari sa soap opera. Nagulat na lang si Tiffany nang niyakap siya ng mama ni Carlo at masayang-masaya na nakilala siya.

"We are glad to see you, iha." Halos sabay ng dalawang matanda.

Matagal na palang alam ng mga magulang ni Carlo ang relasyon nilang dalawa at masaya sila para sa kanila. Noon din niya nalaman na sila pala talaga ang may-ari ng Sherlock Cafe. Nagtrabaho lang si Carlo bilang waiter para mas lalo pang malaman ang pinaka epektibong paraan sa pagpapatakbo ng mga restaurant nila.

Nahihiya man sa sarili ay binalewala na lang ni Tiffany dahil ramdam naman niyang tanggap siya ng pamilya ni Carlo at mahal na mahal din niya ito. Sa sandaling 'yun ay nagbalik sa kasalukuyan ang guniguni ni Tiffany.

"Relax lang Tiffany, kaya mo 'to. May limang minuto pang natitira. Last na lang 'to, hindi ka dapat mag-miss nang kahit isang item," Encouragement ni Tiffany sa kanyang sarili para makompleto ang pagsagot sa mga items ng exam.

The Maiden [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon