ALAS OTSO na ng umaga nang magising si Natasha, napagod siya sa biyahe. Pati si Levi ay tulog pa rin hanggang ngayon. Marahan siyang bumalikwas at sinipat ang kaniyang cell-phone, nakalagay ang oras sa screen kaya halos mataranta siya nang maalala na ito ang unang araw nila sa Camarines Norte. "Jesus," sabi niya saka tumayo at sinuot ang tsinelas na nasa paanan niya.
Pinuntahan niya ang balkonahe ng kaniyang bintana at sinilip ang nasa labas. Nandoon pa ang kotse at ang van, siguro'y hinihintay na siya ng kaniyang mga tao. Dali-dali siyang naghilamos at nagpalit ng suot, bahala na kung hindi man siya maligo, fresh naman ang mukha niya.
"Okey na siguro 'to," aniya saka pa sinuot ang isang sando na kulay itim at isang shorts na parang nasa bahay lang siya.
Marahang niyugyog niya si Levi na noo'y nagising na rin. Agad din nitong hinanap si Lala na iniwan nila kay Donatela. Kinarga niya si Levi habang papalabas na sila.
"Good morning madam," bungad ni Donatela na nakasuot ng simpleng T-shirt at fitted jeans. Nakapuyod ang buhok nito habang nakasuot ng salamin. Marami itong dalang papel.
"Good morning," tugon niya saka pa ibinaba si Levi sa couch.
"For signature po ito madam, mga permit po ito from DENR, para po maka-operate po tayo sa mga tourist spots." Tumaas ang kilay ni Natasha.
"Sino naman ang nag-suggest na mag-pictorial sa labas?"
"Si Flex po, sabi niya maganda ang outdoor photoshoot, kaya napag-usapan na rin namin kanina na doon kukuha sa batuhan, doon sa may dagat."
"Nasaan sila ngayon?"
"Nandoon po, kasama ang team."
"As early this time?"
"Opo, kanina pa sila ng seven." Pahayag pa ni Donatela na hinihintay ang kung anumang request niya.
"Kumain na ba kayo?" tanong niya kay Donatela.
Tumango lang ito at nagsalita. "Tapos na po, kaninang six, hindi na po namin kayo ginising kasi po baka napagod kayo sa biyahe, iyon din ang sabi ni Flex, so ano po madam, ano po ang breakfast na gusto ninyo?"
"Hotdog po ate Donatela," bara pa ni Levi. Kinukusot nito ang mga mata. "Okey, Lev, hotdog sa'yo, ano ang gusto mong drinks? Gatas ba?" Tumango ang paslit bilang pagsang-ayon.
"Kayo po madam?"
"Just a sandwich will do." Tipid niyang sambit saka pa kinuha ang mga papel at umupo sa isang mesang nandoon. Agad niyang pinirmahan ang mga papel para matapos na ang activity nila sa lugar. Tinitikis niya ang sarili na huwag mahumaling lalo pa't kasama niya ang lalaking nagbibigay sa kaniya ng isang damdaming hindi niya maintindihan.
Bakit pa kasi sumama ka di'ba? Litanya ng isip niya habang pinipirmahan iyon.
"Mom, what's bothering you?" Sambit ni Levi sa ina. Umiling si Natasha at nagsalita. "Nothing," pagkakaila niya.
"No, mommy you're bothered, look what you've done to the papers!" Nagulat siya sa sinabi nito.
She widely open her mouth and formed 'O' hindi kasi niya napansin ang ginagawa. Akala niya'y pinipirmahan niya ito.
"You're ruining it," sabi pa ni Levi na halatang nababahala.
"Oh my god, I don't know what I'm doing," ani niya saka pa pinagdikit-dikit ang papel na napunit niya.
"Are you hungry, mommy?"
Umiling siya.
"You miss something?"
Umiling siya.
"Or someone? Natigilan siya sa sinabi ng bata. Hindi man niya aminin pero parang dismayado siya ngayong araw na hindi bumungad si Flex sa kaniya. Parang na-badtrip siya lalo pa't nauna na pala silang kumain at naiwan sila sa stay-in area ng grupo. Nayayamot siyang napahilamos sa sariling mukha. She's going insane, hindi naman siya gan'on karupok para maging affected sa presensya ng binata. But how come, pati muni-muni niya ay occupied na rin ng mukha nito.
"Something wrong?" Tanong ni Donatela na dala ang makakain nila. Nagulat pa ito ng makita ang pinoproblema ni Natasha.
Marahang nilapag ni Donatela ang tray at nagsalita. "Napunit po, madam?"
Tumango siya at nagsalita. "Hindi ko sinasadya."
"Naku, okey lang maam, may copy pa po ako sa kwarto. Don't worry." Agap naman ni Donatela na nahihiwagaan sa amo. Gumagamit kasi ito ng mga salitang hindi nito ginagamit noon.
Hindi ko sinasadya..
Hindi ko sinasadya..
Hindi ko sinasadya..
Parang nabatubalani si Donatela sa oras na iyon. Naiwan sila sa lobby area kaya nag-umpisa nang kumain si Levi. Walang gana naman si Natasha na tulala pa rin sa set-up nila ngayon.
Ano ba kasing gagawin ko dito?
Bakit ba kasi ako sumama?
Kinakastigo ni Natasha ang sarili habang kinakagat ang sandwich nang makita ang pigura ni Flex. Nakahubad ang pang-itaas nitong bahagi at halatang basa ang katawan, parang galing ito sa tampisaw. He waved her and walked straight to the bathroom. Parang naging mannequin naman si Natasha na natigil sa pagkagat ng sandwich.
"Mom, are you okey?" Tanong pa ni Levi sa kaniya. She didn't respond, kaya ang paslit na rin ang tumapik sa pisngi niya.
"Mom, you're cheecks are red. May allergy po ba kayo sa sandwich?" dinig niya sa paslit, unintentionally she choked herself.
"Mommy? Mommy, help!" sigaw pa ni Levi na natataranta sa pangyayari. Agad na dumulog si Flex na tarantang dumating. Nakatapis lang ito ng towel, which makes Natasha more tense.
Umubo nang umubo si Natasha to the point na umusod si Flex sa likod niya at idiin ang likuran niya. "Iluwa mo! Iluwa mo!" sambit pa ni Flex habang tarantang idinidiin ang likod niya. But the most intense feeling made Natasha more anxious, tumatama kasi sa likuran niya ang bagay ni Flex. God gracious! Nakatapis lang ito ngayon ng towel, at nasa harapan siya ng anak niya!
Pumikit na lamang si Natasha habang umuubo. "Kuya! Mommy is dying!" sigaw pa ng paslit habang yakap ang aso nito.
"Mommy! Don't leave me! I will drink more milk for you!" naiiyak na saad ni Levi.
"Levi, give me your milk!" Litanya ni Flex at agad na pinainom iyon kay Natasha. Nagsitapon ang mga gatas sa harapan nito, but he doesn't care as long as masalba si Natasha na noo'y hindi makahinga.
Nang mainom ni Natasha ang isang basong gatas ng anak niya'y doon siya guminhawa. "Oh god," sambit pa niya nang makalanghap na siya ng hangin.
"You fine?" Nasa harapan niya si Flex habang nakatayo, pumantay ang paningin niya sa harapan nito, gayong nakaupo siya at nasa harapan niya ang sentrong bahagi ng binata.
Naaasiwa siya. God gracious! Baka mabilaokan na naman ako sa hotdog na 'to! Ani niya sa sarili.
"Kuya, thank you po," madaling niyakap ni Levi si Flex na rason upang kamuntikan na itong mahubaran sa harapan niya mismo.
"Damn!" impit ni Flex habang binawi ang kamay ng paslit, napapikit naman si Levi na halatang nabigla dahil nayakap nito ang pwet ni Flex.
"I'm s-sorry po," dinig pa ni Flex mula sa paslit. Tanaw pa niya ang dalawang kamay nito na nakatabon sa kaniyang mata. Impit na pinipigilan naman ni Natasha ang sarili na hindi mabiyak ang tawa niya that time. Flex is very ashamed of what happened. Madali itong nawala sa paningin nila lalo pa't dumating na rin si Donatela na walang kaalam-alam sa pangyayari. Hawak lang nito ang phone na parang may ka-chat.
Tumigil ito sa harapan nila at napasipat sa kanilang mukha.
"What is happening? Bakit nakatabon ang mata mo Levi? At bakit basang-basa ang mommy mo? Did you throw your milk to her?" naguguluhang ani ni Donatela.
"No, I'm not...kuya Flex did!" litanya ni Levi. Natasha saw that time how Donatela's face was, para itong natameme sa narinig.
"Hindi, mali ang iniisip mo, Don. Flex saved me from being chocked." Nakita niyang tumango-tango ito at patay-malisyang naglakad palayo, pero bigla lang itong bumalik at nagsalita.
"Madam, nakalimutan ko, your flight for London will be on Thursday. Tumawag po si Sir McKenzie, about po umano sa data ng company."
Tumango lang si Natasha but in the other hand, Levi turned his sad face.
"Aalis ka na naman?" Mapait siyang ngumiti.
"I need to, baby. Mommy must work for your future." Ani niya sa paslit.
"But I want you to stay," hikbi ni Levi.
"Shh, don't cry, babalik naman si mommy, pagkatapos e."
"Ayokong mag-isa mom, I'm scared." Ani ng paslit na bumulahaw na ng iyak. Hanggang sa may marinig silang boses sa kung saan.
"Ako, sasamahan ko si Levi." Baritonong boses nito na sinipat ni Natasha, it was Flex. Nakabihis na ito at preskong-presko ang mukha.
"Siguro'y pwede naman akong maging driver ninyo, 'di ba...madam?" tanong ni Flex kay Natasha na hindi pa rin sumagot.
"Hindi naman mataas ang singil ko, pwede na kahit...thank you." Ani nito na matamis na ngumiti sa harapan niya. Kumindat pa ito na siyang ikinangiti na rin niya. Iba rin ang bilib ng higanteng 'to, ang hanep! Sambit ni Natasha sa sarili na kahit hindi man siya magsalita, botong-boto naman siyang maging driver niya si Flex lalo pa't magaling itong magmaneho. Biyaheng langit!
...itutuloy.
BINABASA MO ANG
Once Upon a Natasha [complete]
RomanceWarning : Matured content | Sexual Languages and Strong Violence | Rated 18+ | Hard-core SPG "Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko?" ani Natasha sa mababang boses. "Then don't hold yourself, I'm just here." Tugon nito na kinuha ang palad ng ginang...
![Once Upon a Natasha [complete]](https://img.wattpad.com/cover/221380527-64-k344866.jpg)