Chapter I: Kill her.

39 1 0
                                    

??/??/?? || Saturday || Weather: ??? || Location: ??? || Time: ??? ||

⌦  VAYNE'S POV  ⌫ 

"Where did you get this woman?" tanong ng isang lalaking may maskara ang mga mata. Nagpakilala siya bilang si Ivanovich sa akin kanina. Siya ang head ng CAG (Callous Assassins Guild).

"Ah yan po? Nakita lang po namin yang lumabas ng palengke. May mga bodyguard po siya kaya nagkainteres po kaming kunin siya." sagot naman ng isang lalaking yumuko muna bago nagsalita.

Lumapit sa akin si Ivanovich. Inilapit niya ang mukha niya sakin mula sa likuran ko, "You heard that Vayne? This pregnant woman is just a normal costumer on a normal street. Tingin ko rin ay mayroon siyang pamilyang naghihintay sa kanya sa bahay. Asawang mahal na mahal siya at anak na matagal niyang inalagaan. However..." tumayo siya ng tuwid at tumungo sa babaeng umiiyak habang nakatakip ang bibig ng maruming tela't nakatali ang kamay at paa sa isa't isa. "None of those things should concern you. If you're told to kill, do it without hesitation." sa isang kurap ay binato niya ng kung anong matulis na bagay ang lalaki sa may likuran ko.

Kahit marami na siyang sinabi sa aki'y hindi pa rin ako kumikilos, ramdam ko ang pawis sa kaba na dumadaloy sa buong mukha't katawan ko. Nariyan pa ang ibang nagsasalita sa paligid ko.

"Patayin mo na! Sus."

"Grabe naman! Wala ngang kalaban-laban 'yang ipapapatay sa'yo eh."

"Ang tagal! Bakit ba pinagtiyatiyagaan 'yan ng head natin?!"

"Ano bang inaarte mo?! Patayin mo na!"

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pumatay ng tao. Ito pala ang pinapagawa nila sa mga batang pumapasok sa loob!

..........................

Flashback

.......................... 

Sa bawat pagbukas ng pintuan ay hagupit ng takot at pangamba para sa aming lahat. Ang pintuang  gawa sa bakal ay maingay sa tuwing bumubukas, tanda ng kalumaan. Madilim ang paligid. Nababalot kami ng kaba na baka kami na ang susunod na ipapasok sa loob.

Bakit kami natatakot? Natatakot kami dahil sa tuwing bumubukas ang pintua'y may nilalabas na bangkay ng duguang bata (minsa'y magkakahiwalay ang parte ng katawan) at ipinapasok nanaman ang panibago. May ibang buhay na inilalabas pero sila'y tameme at tila wala sa tamang pag-iisip na para bang may nakita silang bagay na hinding-hindi nila makakalimutan sa buong buhay nila.

Walang makaiyak o makahagulgol, puro paghikbi lang ang naririnig ko. Sinabihan kasi kami na kapagmay nag-ingay sa amin, papatayin daw. Meron pa ngang isang nagt-ingay kanina kaya ginawa siyang halimabawa't hiniwa ang tiyan niya. Mabilis na lumabas ang mga lamang loob niya. Itinapon ang kawawang katawan nito sa gilid namin. Na ngayo'y tinutusok-tusok ng isang wirdong lalaki na tingin ko'y kasing edad ko lang.

Nang pagmasdan ko  pa ang buong paligid ay may napansin akong kakaiba. Karamihan sa ami'y naka uniform ng taekwondo, wu shu, etc. Meron pa ngang nakapang militar ang suot eh.

Bakit kaya ganun?

Nagpatuloy pa ako sa pagmamasid. Sa tabi ko'y napansin ko ang isang babaeng may hawak na pulang rosaryo't taimtim na nagdadasal. 

"Sunod!" bumukas nanaman ang pintuan at muling may nilabas na bangkay ng isang bata. Kanina lamang ay kasama naming natatakot.

"Ano?! Wala namang magboboluntaryo?!" galit na tanong ng lalaking pumipili sa amin. "█████████████! Ako na naman ang mamimili!"

RCG: Butler's Assassinating Mission [BAM] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon