Chapter II: I'm Vayne, at your service.

23 1 0
                                    

06/13/XX ||

Monday ||

Weather: Fair ||

Location: Primrose Mansion ||

5:36 am ||

Tiningnan ni Nnyna ang kanyang orasan. 5:36 pa lamang at ginigising na siya ni Prince, ang kanyang loyal butler. 

"Miss Nnyna, gumising na po kayo. Kailangan niyo na pong maghanda kundi malalate nanaman po kayo." pagmamakaawa ni Prince sa kanya. Nagtaklob si Nnyna ng kumot. Ayaw niya pa talagang gumising. 

Ngunit hindi sumuko si Prince at niyugyog-yugyog niya si Nnyna. Sa huli, nainis si Prince at hinatak na lang niya ang comforter ni Nnyna. 

"Oo na! Oo na! Tatayo na! Tsk. Tsk." mariing kinamot-kamot ni Nnyna ang kanyang ulo. 

Araw-araw, ganito ang eksena nila sa mansyon. Dahil only child si Nnyna, wala siyang ibang kasama sa bahay kundi ang butler lang niya.

Nang makapag-ayos na si Nnyna ay hinatid siya ni Prince sa FBI (Flower Blooms Institute). Kailangan niyang pumasok ng mas maaga dahil magkakaroon sila ng Opening Ceremony.

"We shall see each other later Miss Nnyna. If you have any---," pinagbuksan ni Prince si Nnyna ng pintuan. 

"Oo, oo. Pagmay kailangan ako o may problema tatawagan kita. Araw-araw mong sinasabi 'yan eh. Tsk. Tsk." yumuko si Prince bilang paggalang at dumeretso na si Nnyna papasok ng school nila.

Hawak niya ang school map na binigay sa kanya ni Prince habang papunta sila sa FBI. Una niyang hinanap ang classroom niya. Old student man siya, 'di niya pa rin kabisado ang mga lugar sa campus dahil sa sobrang laki nito.

Sa di kalayuan, habang papasok siya ng building, may napansin siyang nagkakagulong mga estudyante. Karamihan sa mga ito'y mga babae. Napagdesisyunan niyang lumapit dito.

⌦  NNYNA'S POV  ⌫ 

Ano kayang meron dito? 

Matingnan nga. 'Di naman masama diba? ^_^Y

"Kyaaa-! Ang gwapo niyo po kuya! Ano pong pangalan niyo?"

"Kuya-kuya, pwede po ba tayong magsabay kumain mamaya?!"

"Taga-saang section ka po?"

Sa sobrang dami ng mga babae ay hindi ako makasingit. Tumingin ako sa paligid, may mga lalaking nag-aapoy sa inggit at sa kabila nama'y may mga puno. Inakyat ko ang isa sa mga ito. At ang nakita kong pinagkakaguluhan ay...

"Pasensya na po mga binibini, pero kailangan ko pa pong maglibot para maging pamilyar ako dito sa campus," sabi ng lalaking napakagwapo, matangkad, itim ang buhok, maganda ang mata, katamtaman ang balat, makinis, atbp.

A-ang gwapo niya! Kaya pala pinagkakaguluhan siya!

Di ko namalayang nakahawak na pala ang dalawa kong kamay sa mga pisngi ko sa sobrang pagkamangha. Lumipas ang ilang segundo at nawala ako sa pagkakabalanse.

"AH!" napapikit na lamang ako ng malalaglag na ako. Mataas ang naakyatan kong puno, kaya paniguradong kapag nahulog ako, :D.

"Waaaaahh-! Muntikan na yun ah. Miss, ayos ka lang ba?" pagkadilat ko ng mata ko ay nakita ko ang mukha ng lalaking tinitingnan namin kanina. Nakahawak ang isa niyang kamay sa sanga ng puno, ang isa nama'y nakapaikot sa bewang ko. Nakatungtong siya sa sanga. 

RCG: Butler's Assassinating Mission [BAM] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon