Chapter III: Side line

19 2 0
                                    

06/13/XX || 

Monday || 

Weather: Fair || 

Location: Flower Blooms Institute || 

2:21 pm ||

"Hi! Miss Nnyna Primrose. I'm Vayne at your service." karga ni Vayne si Nnyna. Agad na kumalma si Nnyna. Namula siya ng makita niya si Vayne at mas lalo pang tumindi ang sayang kanyang nadarama ng kargahin siya nito. 'Di napansin ni Nnyna ang sinabi ni Vayne sa kanya. Nanatili siyang nakatulala rito.

Pinagsiispa ni Vayne ang bintanang nakasarado sa gilid ng inuupuan ni Nnyna kanina. Dahilan para ito'y mabasag at mabutas. Mabuti na lamang at walang tao sa baba na nalaglagan ng mga bubog at bakal. Mula sa mga bintana'y tumalon siya pababa, karga pa rin si Nnyna na nanatiling nakapikit at nakaakap kay Vayne. Pagkalapag nila'y tinanong niya ang dalaga, "Are you alright Miss?"

Dahan-dahang dumilat si Nnyna't tumango.

Hinatid ni Vayne si Nnyna sa Primrose Mansion. Hindi ito makatitig ng deretso sa kanya, tahimik, namumula at pumasok lang sa bahay ng nakayuko. Halata sa kilos ng dalaga na ito'y nahihiya. Pagkarating nila sa sala ay sinarado na ni Vayne ang gate at pinto. Umupo si Nnyna sa lamesa, kapag umuuwi kasi siya mula sa eskwela ay ginagawan siya ng desserts ni Prince. 

"Magluluto po muna ako ng tanghalian. Alam kong hindi pa po kayo nakakakain dahil sa nangyari kanina." hinubad ni Vayne ang coat na suot niya tsaka lumakad patungo sa kusina.

"Bakit masyado kang pormal?" tanong ni Nnyna.

"Ano po?" napabalik si Vayne sa kinaroroonan ni Nnyna.

"Ayan oh. Masyado kang magalang. Parang hindi naman tayo magka--" hindi siya makatitig sa kinakausap niya.

"I'm your butler now Ms. Nnyna. We have our boundaries. Is there something you want to eat in particular?" umiling lamang ang dalaga. Nagluto na si Vayne.

Pagkalapag niya ng mga pagkain ay tumayo lamang siya sa gilid ni Nnyna, nag-aabang ng ano pa mang hihilingin nito.

"Kumain ka kasama ko."

"I can't--"

"Diba butler kita? Kung anong inuutos ko yun ang gagawin mo." pagsusungit niya dahil gusto niya talagang makasabay si Vayne kumain. Sumunod naman ito't kumain sa tapat niya. Ngayo'y nakakayanan na ni Nnyna na tumingin kay Vayne na nahuhuli niya ring nakatingin sa kanya. Alam niyang wala itong pagtingin sa kanya pero hindi niya pa rin talaga mapigilang kiligin sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata.

⌦  NNYNA'S POV  ⌫ 

"Don't fall in love with me." biglang sabi ni Vayne sa akin.

"What?" tanong ko naman dahil nagulat ako sa sinabi niya.

"I'm your butler. A special relationship between us is forbidden." nakatingin ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Deretsong-deretso ang mukha niya na para bang ang sinasabi niya'y isang maliit na bagay lang kagaya ng 'masarap ang pagkain'.

Natahimik lamang ako.

Alam kong hindi dapat ganito pero...dahil sa sinabi niyang yun parang mas lalo akong nachallenge na magustuhan siya! >///< 

Nababaliw na talaga 'ko! XP

Kumain ako ng mabilis para makaalis na sa awkward na atmosphere. Inayos ni Vayne ang damit ko pantulog. Pagkalabas ko ng banyo ay nakatapis lamang ako ng tuwalya. Nang lumapit ako sa kama ay nakita ko ang inihanda niyang damit. Isa itong kulay asul na damit na may laso sa likod. Wala itong butones kaya ang laso lamang sa likod ang nagpapahigpit dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RCG: Butler's Assassinating Mission [BAM] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon