i love how the sea,
reflects the sky.very splendid,
indeed.like how the eyes—
is the mirror of the soul.and our words,
came from the utmost
of our hearts.⟨—»•«—⟩
Pambungad thoughts
Thought 1: I love names. I mean I like inventing names to rename myself. To create a new identity. Gusto kong pangatawanan yung "similar but not identical" sa sarili ko dahil I feel like being the real me limits me to do something because of all my insecurities.
Thought 2: Since narito na rin ako sa "pangalan" as an "identity". Sa real world, you needed to use your name na nakaprint sa PSA mo. When you are writing something para masabi na "lehitimo" ka. As great power comes great responsibility...
Thought 3: Using your name for your work is mandatory. Hindi trend sa real world na gumamit ka ng alyas. Although our great heroes used alyas noon to protect themselves. However, for me, it wasn't the right time.
Thought 4: Kapag kasi gamit mo ang pangalan mo sa paggawa ng mga bagay... Kung bumenta yun, you'll gain acknowledgement pero kung naging dahilan 'yan para ma-offend ang isang tao...you'll be bashed as if hindi ka pwedeng magkamali dahil isa kang magandang ehemplo.
Thought 5: Kung gaano ka naghirap na bumuo ng katauhang ninanais mo sa propesyong nais mong tahakin, ganoon din kadaling masira ito dahil sa isang maling hakbang mo.
Thought 6: Parang sa away lang yan ng magkaibigan e. Sa sobrang pagkimkim ng sama ng loob at pagpapataasan ng pride kung minsan kapag dumating yung oras na sumabog ka/yo... kung ano mang sasabihin mo nang hindi mo man lang pinag-iisipan... pwedeng-pwedeng masira noon yung pagkakaibigan nyo for years. Pwedeng magkabati kayo pero may isa or kayong dalawa yung maa-awkwardan kaya...
Thought 7: Normalize "communication na realtalk" habang magkasama kayong nag-uusap. Walang magkaibigan na nagbabackstaban...hindi kayo magkaibigan noon. Magkaaway na kayo no'n. 🙄 Ang totoong kaibigan, hindi nahihiyang mang tama ng mali ng kaibigan niya at sa kaibigan namang itinama niya, huwag kayong magtanim ng sama ng loob.
Thought 8: Sikapin nating matutong tumanggap ng pagtatama pero alam kong hindi yun madali. Kaya mas magandang unti-untiin nating tanggapin. Step by step na proseso sa pagiging better.
Thought 9: We can take our time to realize our mistakes. Pwedeng gawin nating productive ang pagkatulala nating ng mga 30 minutes habang nagkakape sa pag-aalala ng nagawa nating mali. Then, reason out with ourselves. Ginawa ko yon kasi... Kung hindi ko yon ginawa...anong gagawin ko doon? Basta the key word is "reason out". Tell your bias and unbias reasons. Then dapat may conclusion.
Thought 10: After that, pray ka and ask God for forgiveness and ask Him for help IF you are already willing to change for the better. "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Help yourself because your future self wants you to be a better person of yourself each day.
(◕ᴗ◕✿)
unedited.
roughly written.
p.s my heart is written here.
![](https://img.wattpad.com/cover/319670731-288-k763179.jpg)
BINABASA MO ANG
/this is me./
Randomcollections of ideas, one shots, poems, heartbreaks, bliss, pain, thoughts, moving forward, hope, faith, trust, beliefs, and realizations -in short...this is me. ©signora_re