CHAPTER 2: Yaya is in big trouble

111 19 14
                                    


SARA'S POV

after kong mahugasan ang pinagkainan ni simon ay pumunta na ako sa office ng amo ko, syempre kumatok muna ako at baka masigawan ako "sir excuse me po" may dala rin akong kape para sa kanya para naman di siya magalit diba pampakalma hehe bribe in short. glass lang kasi yung pintuan niya so makikita talaga ako sa labas, tinaas niya naman ang kanyang ulo at tinignan ako, he told me to come in so i did. sinara ko na yung sliding door at nilapag naman yung kape sa kanya mesa.

nagtataka ito bakit may dala akong kape eh hindi naman siya nanghingi "what is it?" tanong niya sa akin "ah sir pinag timpla po kita ng kape mukha kasing busy na busy kayo" sabi ko sa kanya

"get to the point but thanks" sagot niya at ininom yung kape na tinimpla ko para sa kanya "bukas po kasi" umupo naman ako sa silya na naya harap niya, nakatingin lang ito at nag hihintay sa susunod kong sasabihin 

"bukas po kasi family day daw sa school nila simon at nagbabakasakali pong makakasama kayo" sabi ko sa kanya, sinuot niya ulit ang kanyang eyeglasses at nag patuloy sa ginagawang trabaho "I can't I have an important meeting bukas" grabe naman kahit isang oras lang di magawa?

"kahit isang oras lang sir? sige na po, nangako ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para lang pumunta ka bukas sir tapos nagtatampo nga yun sayo kasi wala kana daw oras para sa kanila" hinubad niya naman ang suot na eyeglasses at minassage ang ulo.

"fine maybe I can spare an hour or half bukas" he said tumayo naman ako "salamat sir! nako matutuwa si simon neto" masaya kong sabi "pwede ba wag kang sumigaw? ang ingay mo" inis niyang sabi nag sorry naman ako at lumbas na sa kanyang opisina.

nagmadali naman akong umakyat sa hagdan at nag tungo sa kwarto ni simon, nakasalubong ko naman si vinny "where are you going yaya?" he asked " kay kuya simon mo sama ka?" tumango naman ito kaya sinama ko na siya.

kumatok muna ako bago pumasok, bumukas na yung pinto at nakita ang batang umaasang may marinig na magandang balita. pumasok na  kami ni vinny sa luob at umupo sa sahig.

umupo rin ang dalawang bata, nag kunwari akong malungkot "hindi pumayag noh?" tumingin naman ako kay simon na ngayon ay malungkot "oh eto" binigay ko naman sa kanya ang tsokolateng nasa bulsa ko "para saan ya?" tanong niya 

"congrats sasama si daddy mo bukas" excited kong sabi, nagtinginan naman ang dalawang bata at nag talon talon sa tuwa "yes!" masayang sabi ng dalawa. "what's with all the fuss?" bumukas naman yung pinto at nakitang nakatayo si sandro sa labas "guess what bro?" sabi ni simon sa kanya.

"what?" he replied ang attitude mo naman boy "dad is coming bukas sa family day" sandro scoffed "you really believe him?" he said with a sarcastic tone, tumingin naman sa akin si simon kaya ako na sumagot para sa kanya "sabi po ng daddy niyo ay pupunta raw siya pero di magtatagal" he rolled his eyes "wag na kayong umasa" he said and closed the door. 

"hayaan niyo na kuya niyo mabuti pa at matulog na kayo maaga tayo bukas sa school" excited kong sabi sa kanila ngumiti naman ang dalawa at tumayo na kami. "tara vinny hatid na kita" tumango naman si vinny at lumabas na kami sa kwarto ni simon at hinatid ko na si vinny sa kanyang silid at lumabas rin agad. 

nag ring naman yung phone ko at nakitang tumatawag si baste sa akin kaya sinagot ko na at pumunta muna sa balcony ng bahay nila.

"baste" masaya kong bati sa kanya "ano ate ayos ba?" tanong niya tumango naman ako "ayus na ayus bunso ang ganda dito" tumawa naman ito at binigay kay kuya pulong "kuya hi!" lumapit naman ito at kumaway "sara kumusta?" tanong niya sa akin "ako pa ba? syempre okay na okay" ngumiti naman ako sa kanila

"baka mamaya iiyak ka ha pagbinaba na tung tawag" tumawa naman ako "iiyak daw bakit naman ako iiyak" umirap naman ako kahit alam kong di nila ako makikita, keypad lang kasi tung cellphone ko. nagiipon palang para makabili ng bago pero mas importante ang pamilya ko kesa sa cellphone noh.

Perfect Wife For HireWhere stories live. Discover now