"Catch me, kids!"
Malakas na sigaw ni Clark saka tumakbo papalayo. Nang makalayo ay tumigil siya sa may eskinita at hinabol ang hininga saka humalakhak na animo'y nanalo sa loto.
"Those damn kids is sure fun to messed with." tawa niya saka pinag laruan sa kamay ang mga nakuha baseballs. Naka ngisi siyang lumabas ng eskinitang iyon at nag lakad pabalik sa school na pinapasukan niya.
Ano nga bang nangyari kani-kanina lang? Isang kalokohan lamang naman ang ginawa niya sa mga batang nag lalaro ng baseball doon sa palaruan.
Bumalik siya sa school na parang walang nangyari. Nang makarating sa classroom ay nakita niyang nag tuturo na ang teacher nila pero walang pakielam na pumasok lamang siya sa loob.
"Clark Jasser Lim!" galit na tawag ng teacher niya saka siya binato ng marker.
Bored na tumingin siya sa teacher saka umupo na mas lalong ikinagalit ng guro. Nang-gagalaiti itong lumapit sa kanya at hinila siya palayo.
"Sumosobra ka ng bata ka! Grade 10 ka na pero ganito ka pa rin umasta? Napaka bait ng daddy mo pero ganyan ka?"
Napa ismid si Clark sa narinig at hinila ang kamay sa pag kakahawak ng guro. Kinuha na niya ang bag saka akma ng aalis nang biglang mag salitang muli ang guro.
"Ganyan siguro ang epekto kapag namatayan ng ina, maawa na sana ako kaso ganyan siya ka walang galang...tsk tsk siguradong ikakahiya yan ng mom niya."
Nandilim ang paningin ni Clark sa narinig. Binitawan niya ang bag saka sumugod sa teacher niya at sinuntok ito.
"You don't know anything! Don't mention my mom from your filthy mouth!" Saka muling sinuntok ang teacher na napa upo na.
Naramdaman na lamang niya ang mga kamay na humila sa kanya palayo. Hindi na niya namalayan na naka upo na pala siya sa loob ng principal office.
"Clark...ijo, why did you do that to your teacher? He's older than you...you should've respected him." rinig niyang pangaral ng principal sa kanya sa malambot na boses.
"He deserved it..." Yukong sambit niya. Hindi niya magawang taasan ng boses ang principal dahil alam niyang matalik na kaibigan ito ng mom niya noon.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng office at pumasok ang galit na dad niya. Napangisi si Clark nang makita ang aburidong mukha ng kanyang ama ngunit agad iyong nabura nang tumama sa pisngi niya ang suntok nito.
Napa hawak siya sa tabi ng labi at muling ngumisi sa dad niya.
"Mr. Lim, don't hurt your son." agad na pigil ng principal pero hindi napigilan ang dad niya at kinuwelyuhan siya.
"What the hell are you doing Clark Jasser! Pinapahiya mo na naman ang pangalan ko!"
Lalong lumaki ang ngisi ni Clark sa narinig. "Then that's good!"
Kita niyang lalong nandilim ang paningin ng dad niya at akmang susuntukin na naman siya nang bumulong siya sa tenga nito. "Go on, hurt me like how you hurt her"
Natigilan ang ama niya saka sinamaan siya ng tingin at binitawan ang kuwelyo niya.
"Don't push mo on edge Jasser or else I will really disown you." gigil na banta ng ama.
"Hah. You think I care? Go on disown me so I'm not connected with someone like you anymore." walang emosyong sagot niya.
"Excuse me...to cut your family quarrel but we still have to settle the things about your son." putol ng principal saka tumikhim. Nag hiwalay silang mag ama at naupo.
BINABASA MO ANG
My Mr. President (Bxb- Forbidden Love Series 3)
RomanceClark Jasser Lim the trouble maker among the group. He always gets into a fight, more like he always wanted to fight and get into a trouble because he likes giving his dad a headache. The supreme student president Keano Lee Forbes will not tolerate...