Humihikab na binuksan ni Clark ang pinto papasok sa student council office. Nakita niyang tila hindi na nagulat ang mga tao rito nang makita siya, napa irap na lang siya sa hangin.
"Good morning..." bati ng ilan sa kanya.
"Tss"
Nilampasan lamang ni Clark ang mga ito. Wala siya sa mood para batiin sila pabalik. Lunes ngayon, araw na ayaw niyang dumating dahil mag sisimula na ang duty niya sa student council.
Ilang segundo pa ay nakatayo na siya tapat ng pinto ng opisina ni Keanno. Buntong hiningang pumasok siya ng hindi manlang kumakatok.
Natigilan siya ng makita ang presidente na walang pang itaas at nakatalikod sa kanya. Napa lunok si Clark at nag iwas ng tingin.
"Don't you know how to knock?" walang emosyong sambit ni Keanno sa kanya.
Tumikhim muna si Clark bago ibinalik ang tingin sa presidente na ngayon ay naka bihis na.
"So, anong gagawin ko?"
Balewala niya sa tanong nito.
"Check those papers and sort it out." sambit ni Keanno at naupo sa swivel chair niya.
Napanga-nga naman si Clark ng makita ang isang mataas na patas ng mga papel. Napa kurap-kurap pa siya para makita kung tama ba ang nakikita niya.
"Are you serious?" baling niya kay Keanno na nag babasa lamang, itinaas nito ang tingin sa kanya.
"Do I look like I'm joking?" saka muling ibinaba ang tingin sa binabasa.
Napa iling na lang si Clark at hindi na nakipag talo saka lumapit sa patas ng papel. Sa tingin niya ay mahigit tatlong dangkal ang taas nito.
"Tsk, para san ba kasi 'tong mga to." maktol niya at nag simulang tingnan ang mga ito.
"You don't need to know."
Umismid na lang si Clark sa sagot nito at nag umpisa ng ayusin ang mga papeles. Mukhang nag ka halo halo ang mga file mula sa iba't-ibang courses.
UMUNAT-UNAT si Clark saka tiningnan ang relo. Nakita niyang mahigit kalahating oras na siyang nag aayos ng papel at wala pa siya sa kalahati. Ramdam niya na ang pananakit ng likod niya.
"You can now go to your class, just come back later after your classes."
Napalingon si Clark sa presidente nang mag salita. Agad naman siyang tumayo at humawak sa bewang. Medyo nangalay siya sa pag kakaupo.
"K."
Ayon lamang ang sinagot niya sa presidente at lumabas na roon dala ang bag niya. Nakita niyang nag sisi alisan na rin ang ibang myembro ng student council. Mukhang mag sisipuntahan na rin sa kani-kanilang klase.
Ngayon na naisip niya ito, na curious tuloy siya sa kung anong kurso ng presidente. Hindi niya kasi alam, pero ang iniisip niya ay baka business management kaso edi sana e na ikwento na ni Keith sa kanya na kaklase nila ito.
Sa pag kaka alam niya ay ahead lang ang presidente sa kanya ng isang taon.
Nag kibit balikat na lamang si Clark at nag lakad papunta sa classroom ng unang klase niya.
"Yow, Clark!" bati sa kanya ng ilang kaklase.
"Yo.." Tugon niya.
Ibinaba niya ang bag sa bakanteng upuan at naupo na. Sa totoo lang ay hindi naman siya gaanong close sa mga kaklase niya, nakilala niya lang mga ito kapag naging kagrupo niya sa mga thesis, at projects.
BINABASA MO ANG
My Mr. President (Bxb- Forbidden Love Series 3)
RomanceClark Jasser Lim the trouble maker among the group. He always gets into a fight, more like he always wanted to fight and get into a trouble because he likes giving his dad a headache. The supreme student president Keano Lee Forbes will not tolerate...