Kringggg*
Inis na nag mulat si Clark saka dinampot ang alarm clark at inihagis sa sahig at inis na bumangon. Buntong hininga na umalis siya sa kama saka dumeretso sa banyo para maligo.
Pag ka-labas niya ay nag bihis na siya at kinuha ang bag niyang nag lalaman lamang ng isang filler notebook, Pentelpen at isang ballpen. Bumaba ang tingin niya sa alarm clock na nasa sahig.
"Fudge, I just bought that."
Napa iling na lamang siya at pinulot 'yon saka itinapon sa basurahan. Dumaan siya sa kusina at ininom ang gatas mula sa kahon. Napangiwi siya ng makitang iyon lamang ang laman ng ref niya.
Lumabas na siya sa unit saka siniguradong naka lock iyon saka sumakay na ng elevator pababa. Dumeretso siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya saka iyon pinaandar na paalis.
Humikab si Clark saka tumingin sa relos bago ngumisi nang makitang maaga pa naman.
"Boring...what fun should I do on my first day..." saka tumapik-tapik sa manibela.
Nang makarating sa Forbes University ay agad niyang ipinark ang kotse sa parking lot na nakalaan para sa mga teachers at admins ng school. Alam niyang hindi siya dapat rito nag park pero ano bang paki niya sa rules?
He was humming while entering the school premises. Kita niyang nag papasukan na ang mga estudyante, may mga nag uusap, nag tututuro at mga freshman na gandang ganda sa nakikita.
Well, hindi naman talaga maipag kakaila na napaka ganda ng facilities ng Forbes University, isa ito sa mga promising na paaralan sa buong bansa. Puros mayayaman ang nag aaral rito at bilang lang sa mga daliri ang scholars. Mayaman rin naman kasi ang may-ari, at sa pag kaka-alam niya ay isa ang dad niya sa mga stakeholders rito. Napa ismid siya nang maisip ang dad niya.
Natuon naman ang atensiyon ni Clark sa estatwa. Agad siyang napangisi, eto ang estatwa ng unang Dean ng Forbes University, hindi na niya matandaan ang pangalan nito.
Lumapit si Clark sa estatwa at agad kinuna ang Pentelpen sa bag niya. Nag simula na siyang i-vandalize ang rebulto. Alam niyang pinag titinginan siya ng mga estudyante dahil rinig niya ang mga bulungan namang ito. Ngunit gaya ng lagi ay walang pakielam si Clark, mas mabuti nga iyon para malaman ng mga school staffs ang ginagawa niya. As usual, gusto niyang bigyan ng sakit ng ulo ang dad niya. Kahit naman wala na siya puder nito ay siya pa rin ang nag papa aral sa kanya kaya konektado pa rin sila.
"What are you doing there?!" napangisi si Clark nang marinig ang sigaw.
Lumingon siya sa mga ito at nakitang may limang estudyante na may red na nakalagay sa manggas. He knew what that means, school officers.
He just smirked at them saka inilabas ang middle finger sa mga ito. Nakita niya ang pag murot ng mga ito na lalong nag palaki ng ngisi niya. Lumapit ang mga ito sa kanya at akmang hahawakan na ang mga braso niya nang mag simula siyang tumakbo. Hindi alintana ang mga estudyante na naka harang sa daan.
Patuloy pa rin siya sa pag takbo pero lumilingon pa rin siya sa likod para siguraduhing naka sunod pa rin sa kanya ang mga ito. Ito naman talaga ang balak niya, ang pagudin sila.
Maya-maya ay napansin niyang papasok na siya sa isang building pero tuloy pa rin siya, nakita niya may isang lalaking nakaharang sa daan.
"Tabi!"
Mukhang hindi siya agad narinig ng lalaki kaya huli na para umiwas ito kaya't nabangga niya ito dahilan para bumagsak sa sahig.
Napamura na lamang si Clark sa isipan at hindi na pinansin ang nabangga.
BINABASA MO ANG
My Mr. President (Bxb- Forbidden Love Series 3)
RomanceClark Jasser Lim the trouble maker among the group. He always gets into a fight, more like he always wanted to fight and get into a trouble because he likes giving his dad a headache. The supreme student president Keano Lee Forbes will not tolerate...