034

60 4 0
                                    

vien ameris

Tamad kong inayos ang mga libro na nasa hita ko at nilagay sa bag ko. Malalim ang buntong hininga ko nang tumayo sa inuupuan kong damo.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung sinabi sa akin ni Enzo.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yung mga bagong kinikilos niya ngayon.

Lahat ng IG posts, tweets and messages niya sa akin... lahat ng yon ay kakaiba.

Hindi naman siya gan'yan dati.

Ramdam ko pero ayokong tanggapin.

Nakakainis dahil ngayon kailangan ko nang mag-aral sa likod ng school para lang hindi niya ako makita. Bakit ko siya tinataguan? Hindi ko alam.

Pinagpagan ko ang pantalon ko at naglakad pabalik sa third class ko.

Maraming tao sa hallway, madalas ay grupo-grupo kaya maingay.

I never liked crowded place. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag nakakarinig ako ng iba't ibang sound all at once. Kaya nga tuwing inaaya ako nila Eloise sa house party ay lagi akong nasa library kasama si Enzo dahil doon lang ang tahimik na parte na alam kong payapa. Minsan ay minamalas ako dahil kahit sa library ay may naglalampungan din.

Buti nalang ay tinataboy sila ni Enzo kapag tinatry nilang magmakeout sa kung nasaan kami.

Mabilis akong yumuko nang matanaw ko sa 'di kalayuan ang mga lalaking kaibigan ni Enzo.

Hindi naman nila ako kinakausap pero mukhang kilala nila ako dahil kinakausap ako ni Enzo kapag magkakasama sila. Hindi ko nga lang alam pangalan nila. Hindi rin naman ako interesado.

Pasimple akong tumingin sa gawi nila at nakahinga ng maluwag nang makitang hindi nila kasama yung tinataguan ko.

Mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa harap ng room namin.

I sigh in relief knowing that I could finally study in an appropriate place with nobody bothering me. But I was wrong. Because I saw him standing in front of the door.

Nakatingin siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Umakto akong normal nang lumapit sa pintuan.

"Ginagawa mo dito?" I asked. Yakap ko ang tatlong librong hiniram ko sa library.

Nakasimangot siya sa akin. "You didn't answer my messages."

Hindi ako sumagot.

Required ba?

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka galing?" He asked after realizing that I am not planning to reply on his first statement.

"D'yan lang." I said simply. "Excuse me, papasok na ako sa loob, magsisimula na yung klase." Sinubukan ko siyang lagpasan pero hinarangan niya ako.

Kunot ang noo ko siyang tinignan. "Papasok na ako," ulit ko in case hindi niya narinig.

"Ame," he called my name softly.

"Ano? May sasabihin ka ba? Magsisimula na yung klase."

Huminga siya ng malalim. "Usap tayo after class," sabi niya.

Mabilis akong umiling.

Naguguluhan niya akong tinignan.

"No," I finally said it.

"What do you mean?"

"Hindi tayo mag-uusap mamaya."

"Bakit?"

I pressed my lips together as I lied, "I'm busy."

"How about tomorrow?" Kita ko ang determinasyon sa mga mata niya.

Umiling ako ulit.

"The day after tomorrow?"

I shook my head.

Iniusod ko siya patabi. "Magsisimula na yung klase." Humakbang ako papasok sa room pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko. Masama ko siyang tinignan. "Enzo, let go."

Umiling siya. "We need to talk first."

Mas tumalim ang tingin ko sa kaniya. "No."

"Why do you keep on—"

"I said no," madiin kong saad. "If you don't stop from insisting then you will never be able to talk to me again," seryosong sabi ko.

Lumambot ang itsura niya.

He smiled but it didn't reached his eyes. "Nevermind. Kita nalang tayo mamaya," sabi niya bago ako bitawan.

blue birdWhere stories live. Discover now