enzo zavian
Lumabas siya pagkabukas ko ng pinto. Hindi ko magawang alisin yung tingin sa kaniya. Nakatayo lang naman siya sa harapan ko pero bakit ang ganda, sobra? Hindi ba parang ang daya naman? Wala pa siyang ginagawa pero nababaliw na ako, paano ako makakamove on nito? Sabagay, wala din naman akong balak magmove on.
"Salamat," she gave me a small smile.
Tanginang ngiti 'yan, nakakamatay.
"Tara na sa loob," sabi ko bago naunang maglakad sa kaniya.
Gusto ko sana siyang paunahin para makita ko siyang maglakad kaya lang baka tuluyan na akong mawala sa katinuan.
"Enzo," tumigil ako para lingunin siya.
She's standing firmly. Diretso ang tingin sa akin at seryoso.
Mabilis na nagwala ang puso ko. Gago, ito na naman ako. Lagi nalang kapag tinatawag niya yung pangalan ko para akong aatakihin sa puso. Ang simple simple lang ng pangalan na Enzo pero 'pag siya yung nagsasabi parang may special effect.
"Sorry." Sabi niya.
"Para saan?"
"That day," wala siyang ibang sinabi pero naintindihan ko na agad ang tinutukoy niya.
"Ayos lang." Ngumiti ako.
"No," she shook her head. "I was unfair. Parang tinanggalan kita ng karapatan na maging open dahil sa ginawa ko. I shouldn't have done that. So... I'm sorry." Yumuko siya.
I saw her clenching her fist. Humakbang ako palapit sa kaniya. She look up to see my face. Cute.
"Ayos nga lang," I chuckled before messing her hair. Napakunot ang noo niya sa ginawa ko kaya agad ko rin inayos sa dati yung buhok niya.
"Tara na," Aya ko ulit sa kaniya.
Hinintay ko siyang maglakad pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. "Ame, tara?"
She quietly stared at me.
Nahiya ako bigla. Inayos ko tuloy yung buhok ko. Bakit kasi gan'yan siya makatingin? Kinikilig tuloy ako.
"Enzo?" She called my name.
"Oh?"
"Ano yung gusto mong sabihin sakin n'on?"
Naramdaman ko ang pag-init ng tainga ko. Gago.
"A-Alin?" Nag-iwas ako ng tingin.
"Nung nasa tapat ka ng room namin tapos sabi mo gusto mong mag-usap tayo after class. Ano yung sasabihin mo?" Inosente niya akong tinignan.
God, save me. 'Di ko po plano mag-confess ngayong araw, bakit naman ganito?
I cleared my throat. Nakatingin lang siya sakin habang ako naman ay 'di mapakali sa pwesto ko.
"Ano... yung sasabihin ko no'n... ah... alam mo kasi, Ame, ano..." Huminga ako ng malalim. Mas lalong namumula. "Yung sasabihin ko sayo no'n... g-gusto kita." Sinubukan kong salubungin ang tingin niya pero nanghina agad ako.
"Ah..." Tumango-tango siya. "Okay."
"Okay?" Tanong ko.
Tumingin siya sa sahig kaya napatingin din ako doon. Nang iangat ang tingin ay nagkasalubong ang mga mata namin.
"Gusto mo ba akong ligawan?" Tanong niya.
"Ha?" Napakurap ako. "Oo. Syempre." Mabilis kong sagot nang mai-proseso ang sinabi niya.
"Be my suitor then."