Simula

0 1 0
                                    


                         🦋 Johann🦋

"Jacob parang awa mo na huwag mo akong iwan,mamamatay ako,"malapit ng tumulo ang luha ko,aalis si Jacob iiwan niya na ako,sasayangin niya lang ang pinagsamahan namin ng sampung taon."Jacooob!Dito ka lang sa tabi ko,"ayan tumulo na luha ko,lumuhod ako sakanya,kinapitan ko ang tuhod niya at doon niyugyog ang balikat ko.

Pinunas ko ang kaunting luha ko sa mabango niyang pantalon,amoy downy. "Huwag mo kong iwan,sasama ako sayo,sasama ako!"Hinigpitan ko ang pagkapit sakanya,ayaw kong umalis siya sa tabi ko,dapat kung nasaan siya ando'n din ako.

"Jo--"

"Huwag, huwag kang magsalita J,"iling ko,pinutol ko ang sasabihan niya ayaw kong marinig ang mga rason niya,sasama siya sa kabit niya tapos pa'no ako,iiwan niya ako dito ng luhaan at wasak, pagkatapos niya akong ibigin sasaktan niya ako.Ganoon na lang ba 'yon?

"Jusmiyo maryosep Jacob iho,hoy Inday!Ano nanamang kalokohan ang ginagawa mo diyan!"Nilingon ko si Inay, lumaki ng kaunti ang mata niya ng makita niya ang itsura ko, siguro andami ko nang luha ngayon, siguro ngayon naniniwala na siya na aalis talaga si Jacob tapos hindi na babalik dito saamin,saakin.Siguro ramdam niya ang sakit ko ngayon,diba ganoon ang mga magulang kapag nasasaktan daw ang anak nila masasaktan rin sila.

Natampal niya ang noo niya at kinuha ang sinturon ko na nakasabit sa may dingding ng bahay namin.Tumayo ako para tulungan siya,nanay ko talaga siya,maasahan palagi.Hinawakan ko ang kamay ni Jacob,naisip ko ng paraan 'to kanina para huwag siyang umalis,pero di ko nagawa,mabuti nalang dumating si nanay.

"Johann--"

"Shhhh..."

Tinakpan ko ang bibig ni Jacob ng magrereklamo sana siya.Mas magandang paraan ito para hindi niya ako iwan,ayaw kong sumama siya sa bago niyang iniibig na alam kong inililihim niya lang saakin.

"Aray!A---"napaigik ako ng may mahapding dumapo sa pwetan ko, medyo masakit yun.Pero mukhang pamilyar saakin.

"Naaayyy..."Dali-dali akong tumakbo sa likod ni Jacob at tumago.Bakit ako nanaman?Ako na nga ang nasaktan ako pa ang sasaktan ulit.Emotional at Physical na nila akong minamaltrato,ayaw kona!

Narinig ko ang hagikhik ni Jacob,pino kong kinurot ang braso niyang hawak ko."Aray ko!Naman Johann."

Hindi ko pinansin ang reklamo niya,pilit kong iniiwasan ang nanay's power na ginagamit ni Inay ngayon.Masakit iyon makatama paniguradong mamamaga,pero mas ramdam ko ang pagkadurog ng puso ko,kasi alam kong wala ng pag-asa,iiwan na ako ng tuluyan ni Jacob.

Peke akong tumatawa-tawa habang pilit na pinipigil ang pag-tama ng sinturon sa katawan ko.

Tumigil siya napa buntong hininga ako, salamat tapos na."Aday!Nay!"Bigla akong napatalon ng bigyan niya ako ng malakas na palo,ng nanay's power.Tumama iyon sa pwetan ko.

Mangiyak-ngiyak ko siyang tiningnan, walang tigil na tumatawa si Jacob,yakap yakap nito ang dadalhin niyang bagahe sa pag-alis.Kumulo bigla ang dugo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rain at Desert Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon